Chapter 36

44.6K 1K 131
                                    

Ashley

Maaga kong natapos ang trabaho ko sa shop kaya maaga rin akong nakauwi sa bahay at dahil sinisipag ako ay naisipan kong magluto ng sinigang para sa hapunan.

"Kumusta po, masarap ba 'yong luto ko?" tanong ko sa mga kasalo ko sa hapag.  Ang asawa ko, dawala kong biyenan at anak.  Wala ni isa man sa kanila ang sumagot.  Nasarapan siguro sila ng husto sa ulam kaya na-speechless.

"Ofcourse, its delicious," sa wakas ay sagot ni Babe sabay thumbs up.  Natuwa naman ako at napangiti ng bongga.  "The best talaga ang nilaga mo, babe."

"Excuse me?"  Tumaas ang kilay ko sa inis.  Sinigang ang niluto ko at hindi nilaga.  Sinigang 'yon, sinigang!

"Ang sabi ko, masarap itong nilaga mo."  Inulit pa talaga, nakakainis!

"Nilaga ba 'to?  Ang akala ko sinigang."  Mabuti pa itong si Daddy, alam ang pagkakaiba ng nilaga sa sinigang.

"Hindi po kayo nagkakamali, Dad, sinigang po talaga 'yan.  Wala po bang lasang asim para pagkamalang nilaga?" tanong ko sabay irap kay babe.

"Patay," mahinang bulong ni babe pero narinig ko naman.  "Oo nga, tama, ang sarap nitong sinigang mo babe," sabay bawi.  "'Di ba anak?"

"Actually po Daddy, ang akala ko rin po ay nilaga itong niluto ni Mommy eh," sambit naman ni Dominic.  Hay naku, magsama nga silang mag-ama.

Kinabukasan ay nakipagkita ako kina Elisa, Eunice at Maureen sa isang cafe para maglabas sa kanila ng sama ng loob

"So anong problema Ash?  Don't tell me, nag-away kayo ng asawa mong si Dustin at pinatawag mo kami rito because you want our advice?  Hindi ka nagkamali ng nilapitan, sis.  Kung anuman 'yang problema mo, tell us at papayuhan ka namin sa abot ng aming makakaya."  Paano kaya nahulaan ni Elisa na nag-away kami ni babe.  Actually, ako lang pala ang may sama ng loob at nang-aaway kay babe, pero gano'n na rin siguro 'yon.

"Tama, sis, I need your advice."  I said.

"Ano ba ang nagawa mong kasalanan, Ash?" tanong ni Maureen.

"Wala akong kasalanan, siya ang may kasalanan sa'kin," sagot ko at nagkatinginan silang tatlo na parang nagtataka sa narinig.

"Si Dustin ang may kasalanan sa'yo?  Sure ka diyan?  Hindi ba, saksakan ng bait ang asawa mo na 'yon? Parang hindi ko ma-imagine na gagawa siya ng kasalanan sa'yo," saad ni Eunice.

"Same here," segunda naman ni Elisa. 

Sumang-ayon din si Maureen.  "Oo nga."

"'Yon ang akala niyo, hindi siya mabait.  Galit ako sa kaniya.  I really hate him," intense na pagkakasabi ko sa kanila sabay inom ng milktea.  Nagtinginan na naman sila sa isa't isa.  Huminga ako nang malalim at saka nagkuwento.  "Ganito kasi 'yon.  Kagabi ay ako ang nagluto ng dinner namin.  I cooked pork sinigang mga besh.  Pork sinigang ha, pero alam niyo bang napagkamalan ni Dustin na nilaga 'yong ulam namin!  Nakakainis 'di ba?  Sana tinapat na lang niya 'ko at sinabing hindi masarap ang luto ko.  Matatanggap ko naman eh.  Pero 'yong mapagkalaman niyang nilaga ang sinigang?  Hindi ko 'yon matatanggap.  I hate him na talaga at ewan ko kung kailan ko siya mapapatawad sa kasalanan niya.  Tawag siya nang tawag kanina pa para mag-sorry pero pinatayan ko siya ng phone.  Ano sa tingin niyo mga sis.  Patatawarin ko na ba?  Please, I need some advice."

"Mau, Eunice, pigilan niyo 'ko.  Dagukan ko ang babaeng 'to." May kung anong ibinubulong si Elisa pero hindi ko marinig. 

"Elisa, relax ka lang," ani Maureen.  Siguro naiinis si Elisa nang marinig ang kuwento ko.  Nakakainis naman talaga kasi si Dustin eh!

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon