Harold
Maaga pa pero tamad na tamad ako habang nakatayo sa pila kasama ang mga kaklase at ka-batchmate ko dito sa aming ginagawang graduation rehearsal. Kung nandito lang siguro si Ma'am Asuncion ay baka sipagin ako, kaso wala siya eh. Isang linggo ko na siyang hindi nakikita dahil buhat no'ng maudlot ang kasal nila ng kuya ni Pris ay hindi na ulit siya pumasok sa school. Graduation na namin next week, makakadalo kaya si Ma'am?
"Uy, nabalitaan niyo bang hindi natuloy ang kasal ni Ma'am Asuncion at 'yon ay dahil may asawa na raw pala 'yong lalaki."
"Totoo ba 'yan?"
"Nakakagulat 'di ba, ibig sabihin ay kabit lang si Ma'am. Hindi halata sa hitsura ni ma'am na gano'n pala siya. Ang among tingnan pero may itinatago palang kalandian sa katawan."
No'ng marinig ko ang usapan ng dalawang lalaki sa tabi ay agad uminit ang ulo ko. Hindi ako nakapagtimpi at nasuntok ko 'yong isa na nagsalita ng hindi maganda tungkol kay Ma'am. Bibirahin ko pa nga sana ulit pero bigla naman akong inawat ng tropa.
"Pare, bitiwan niyo 'ko, babangasan ko ang mukha ng g*gong 'to!" sigaw ko habang nagwawala pero ayaw naman akong bitiwan nina Glen kaya binalingan ko uli 'yong lalaki. "Ikaw na lintek ka, wala kang alam sa mga nangyayari kaya manahimik ka na lang! Ka lalaki mong tao ang chismoso mo! Subukan mo lang ulit na bastusin si Ma'am Asuncion at titiyakin kong hindi ka na makikilala ng Nanay mo pag-uwi mo sa inyo, g*go!"
Tuluyan nang nasira na ang araw ko kaya umalis na lang ako at hindi na sumali sa practice. Bakit nga ba ganito na lang kung ipagtanggol ko si Ma'am Jen? Dahil ba sa crush ko siya? Aaminin kong crush ko si Ma'am, pero noon 'yon. Ngayon ay sigurado akong hindi na dahil nalaman kong hindi naman pala si Ma'am si Katy Perry. Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa'kin kung sino talaga si Katy Perry, kung hindi 'yon si Ma'am Asuncion, sino kaya?
Pris
Birthday ko ngayon at sa halip na magpa-party ay naisipan kong lumabas na lang kasama si Harold. Pagbangon sa kama ay tinawagan ko siya agad para yayaing lumabas pero hindi siya sumasagot kaya kay Glen na lang ako tumawag.
"Hi Glen, tinatawagan ko si Harold pero hindi sumasagot. Magkasama ba kayo?"
[Hindi eh, kaaalis lang niya. Bad trip 'yon eh.]
"Why?"
[Ah wala naman, may nakaaway lang naman siya.]
"Gano'n ba, by the way, Glen, may itatanong ako. May nabanggit ba sa'yo si Harold tungkol sa isang babae na kung bansagan niya ay Katy Perry?"
[Oo, meron.]
"Kilala mo ba kung sino 'yon?"
[Hindi eh. Pero ang alam ko kilala na siya ni Harold. 'Yon kasi ang sabi niya, pero ayaw naman niya ipasgsabi kung sino 'yon.]
"Ah gano'n ba? Okay sige, bye" Nabigla ako at nalungkot. Kung kilala na ni Harold si Katy Perry, ibig sabihin ay siya ang nanalo sa deal namin. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na tapos na sa amin ni Harold ang lahat, kahit wala naman talagang 'kami' in the first place. Maya-maya ay bigla na lang tumulo ang mga luha ko. Birthday na birthday ko ngayon pero heto ako at umiiyak. Tinawagan ko na lang ulit si Harold at sa wakas ay sumagot na. "Harold, busy ka ba?"
[Bakit? Ano na naman ang kailangan mo, Manang?]
"Birthday ko kasi ngayon, baka puwede naman tayong lumabas. Promise, ito na ang huli. Pagkatapos nito, hinding-hindi na kita guguluhin." Pilit kong itinatago ang pag-iyak ko habang sinasabi 'yon at narinig ko naman ang pagbuntong hininga niya sa kabilang linya.
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved