Jennifer
Gaya ng plano ay in-enroll ko si Angel sa school na pinapasukan ni Dominic. Wala pa namang isang buwan buhat no'ng magsimula ang school year kaya pumayag ang Principal. Bukod doon ay napagbigyan din nito ang request kong mapunta si Angel sa mismong section ni Dom.
"Anak, magpapakabait sa school ha. Lagi kang makikinig kay Teacher at huwag kang makikipag-away. Be friends with everyone, okay." Bilin ko sa aking anak na sasabak ngayon sa unang araw niya bilang isang kindergarten.
"Yes po Mommy." Tugon ni Angel sabay halik sa aking pisngi
"Dom, ikaw na ang bahala kay Angel ha. Wala pa siyang kakilala rito kaya sana huwag mo siyang pabayaang mag-isa." Sabi ko naman kay Dom.
"Don't worry Tita Jen, ako na pong bahala kay Angel. Promise, hindi ko pababayaan ang bestfriend ko." Sabay ngiti naman ni Dominic at dahil doon ay napanatag ang loob ko.
Pagsapit ng tanghali ay nagkita kami ni Aika sa coffee shop na madalas naming tambayan no'ng nasa college pa kami. Sinalubong namin ang isa't isa ng yakap at pareho kaming maluha-luha dahil sa saya.
"Na-miss kita ng sobra Jen, kumusta ka na." Ani Aika pagkaupo.
Naupo na rin ako. "Okay naman ako at na-miss din kita ng husto. Kumusta si Tatay Lucio?"
"Okay naman si Papa. Hanggang ngayon ay nagta-trabaho pa rin siya bilang security guard. Tuwang-tuwa nga siya no'ng nalamang nakabalik ka na eh."
Patuloy pa kaming nagkumustahan hanggang sa mabanggit niyang may anak na sila ng asawang si Kuya Edwin.
"Ilang taon na ang anak niyo, lalaki o babae?" Excited kong tanong.
"Lalaki siya at four years old na." Sagot ni Aika saka ipinakita sa akin ang picture ng anak niya sa cellphone.
"Ang cute naman, mas matanda lang pala ng isang taon ang anak ko sa anak mo. Babae naman ang anak ko."
"Ha, may anak ka na rin?" Gulat na gulat si Aika lalo na no'ng kinuwento ko sa kaniya ang mga nangyari noong nasa America pa ako. "Grabe naman ang lalaki na 'yan, hindi man lang pinanagutan ang anak niya."
"Siya nga pala Aika, saan ka nagtuturo?" Pag-iiba ko ng usapan.
"Sa West Ruby Academy, isang private school na puro mayayaman ang mga estudyante."
"May bakante ba kayo, puwede bang mag-apply doon?"
"Aba oo, actually kulang kami sa teachers doon."
"Talaga." Nabuhayan ako sa aking narinig. "Kailan puwedeng pumunta para magpa-interview? Kahit ngayon na, okay lang sa'kin. Dala ko ang lahat ng credentials ko."
"Sigurado ka bang gusto mong magturo doon? Sa tingin ko ay mahihirapan ka lang."
"Bakit naman, masyado bang mataas ang standard sa teacher ng eskuwelahan na 'yan?"
"Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Sigurado naman akong matatanggap ka doon eh, ang problema ay baka ikaw ang pahawakin nila sa Deadly Section."
"Deadly Section?" Sabi ko nang nakakunot ang noo.
"Oo, ang fourth year section ten na puro pasaway ang mga estudyante. Alam mo bang sa loob ng isang buwan ay nakalimang palit na sila ng adviser? 'Yon ay dahil ang mga nagiging adviser nila ay napipilitang mag-resign dahil sa kunsumisyon. 'Yon ang dahilan kaya binansagan sila as West Ruby Academy's Deadly Section." Paliwanag ni Aika.
"Gano'n?" Sabi ko at hindi ko napigilan ang magtaas ng kilay.
"Oo gano'n, kaya huwag ka nang magtangkang mag-apply doon kung ayaw mong tumanda agad dahil sa konsomisyon. Marami pa namang school diyan na puwedeng apply-an eh, forget about West Ruby."
Inubos ko muna ang iced tea sa baso bago sumagot. "Okay lang sa akin kahit saang klase nila ako i-aasign. Ang mahalaga, may trabaho. At isa pa, gusto ko kasi na makasama ka sa trabaho eh."
"Sigurado ka?"
"Oo naman. Huwag kang mag-alala sa'kin Aika, sanay akong humawak ng mga pasaway na estudyante. No'ng nasa States ako ay naranasan ko ring magkaroon ng estudyanteng pasaway at nakaya ko naman. Dito pa kaya sa Pinas." Paninigurado ko kay Aika.
"Hay, sige na nga. Mukha namang hindi na kita mapipigilan eh. Ise-set kita ng appointment sa Principal namin, balitaan na lang kita." Hulog ng langit talaga itong si Aika. Mabuti na lang at nakipagkita ako sa kaniya.
Bago matulog ay kinumusta ko muna ang naging araw ni Angel sa school. Nakasalampak kami ngayon dito kama at sinusuklay ko ang kaniyang buhok.
"How's school baby?"
"Okay naman Mommy. Everyone is friendly except sa apat na friends ni Dom. They're so bully. Ang hilig nila mang-away at mang-asar. I really can't believe that Dom is one of them. Sa grupo nila si Dom lang ang mabait."
"Grupo nila?"
"Yes Mommy. Si Dom, si Kirk, si Jordan, si Exceed at si Dwight. They have this sort of group eh. And do you know what they call themselves?"
"What?"
"Five Gorgeous Boys. Like duh! Si Dom lang kaya ang gorgeous sa kanila." Maarteng sinabi ng anak ko with matching roll eyes pa. Ang cute niyang mainis.
"Five gorgeous boys, ayos ah." Napailing na lang ako. No'ng marinig ko ang salitang gorgeous ay apat na nilalang ang agad na pumasok sa isip ko. Like duh!
"Why Mommy?" Tanong ni Angel nang mapansing bigla akong natulala.
"Wala anak, may naalala lang si Mommy." Sagot ko at sinuklay-suklay uli ang buhok ni Angel. "Ang mabuti pa, umiwas ka na lang apat na 'yon para hindi ka nila ma-bully.""Okay po, Mommy."
---
Nandito ako ngayon sa isang birthday party ng CEO ng isang malaking kompanya ng alak dito sa bansa. Niyaya ako ni bestfriend na sumama dito dahil ayaw raw niyang pumuntang mag-isa at dahil hindi naman ako busy ay pumayag na rin akong sumama.
Okay naman dito sa party, wala akong ginawa kundi ang kumain, uminom at pagmasdan ang mga tao sa paligid. May nagperform ding isang sikat na singer at no'ng matapos itong kumanta ay agad kong nilapitan para makapagpa-picture.
"Saan ka galing?" Tanong ni Dustin paglapit ko ulit sa kaniya.
"Nagpa-picture ako do'n sa singer. Grabe, ang ganda niya sa personal." Tugon ko habang tinitingnan sa cellphone ko ang picture namin no'ng singer.
"Jen?"
"Hmm?" Sa cellphone pa rin ako nakatingin.
"Handa ka na bang makita uli si Dustin?" Tanong ng aking bestfriend na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.
"Ha, bakit bigla mong naitanong 'yan?"
"Because he's right behind you." Pagkasabi noon ni bestfriend ay may narinig akong pamilyar na boses.
"Dustin, nandito ka pala." Sambit ng isang lalaki na nasa likuran ko ngayon. Hindi ako maaring magkamali, boses iyon ni Dustin Villaverde. Nararamdaman kong papalapit na siya kaya ako na mismo ang kusang lumayo at umalis sa lugar na 'yon.
Lumabas ako tumambay na lang muna sa may hallway. Hawak ko ngayon ang aking dibdib kaya damang-dama ko ang pagwawala ng aking puso. Para akong napaso no'ng narinig ko ang boses ni Dustin kanina. Isa lang ang alam ko, hindi pa ako handang makita siya kaya umiwas na lang ako.
"Ano 'tong nabalitaan kong bumagsak na naman sa exam? Kahit kailan, ang bobo mo!" Tinig naman ng isang galit na galit na lalaki ang narinig ko ngayon habang nakatambay rito sa hallway. Siya 'yong ipinakilala sa akin ni bestfriend kanina na may-ari ng isang advertising company, kung tama ang pagkakatanda ko, siya si Mr. Henry Zuñiga. Binabatuk-batukan niya ang isang kawawang binatilyo na walang ginawa kundi ang yumuko na lang. Pag-alis ni Mr. Zuñiga ay naupo sa may hagdan 'yong bata habang umiiyak. Kawawa naman.
Ilang minuto na rin ang lumipas at baka hinahanap na ako ni bestfriend kaya nagdesisyon akong bumalik na sa loob. Kung sakaling makita ko si Dustin, iiwasan ko na lang siya ulit.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana dahil ang taong iniiwasan kong makita ay bigla ko namang nakasalubong. Makalipas ang mahigit pitong taon ay muli kong nakaharap si Dustin na tila ba wala man lang balak magsalita.
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved