Chapter 25

44.6K 1.3K 225
                                    

Jennifer

Nagkatinginan kaming tatlo nina Pris at Harold.  Tulad ko ay gulat na gulat din sila nang sabihin ni Dustin na naaalala na raw nito ang lahat.

"Talaga Kuya, nakakaalala ka na?"  Ani Pris.

"Oo Pris, naaalala ko na ang lahat."  Sagot ni Dustin saka tumingin sa mga mata ko.  Mukhang may sasabihin siya ngunit agad kong pinigil.

"Ah talaga, then good for you."  Sabi ko sa sarkastikong tono dahil ang totoo ay hindi ako naniniwalang nakakaalala na siya.

"Please believe me, totoo ang sinasabi ko.  I remember it all."  Giit pa ni Dustin na ngayon ay nakaupo na sa kama.

"Gutom ka na siguro.  Ang mabuti pa ay magluto na 'ko ng hapunan natin."  Tumalikod na ako para lumabas pero bigla siyang bumangon ang hinawakan ang braso ko.

"Please, maniwala ka naman.  I don't know kung paano itong nangyari, maybe a miracle from above."  May kislap sa mga mata ni Dustin habang sinasabi 'yon. 

"Then sabihin mo kung sino siya?"  Tanong ni Pris sa kapatid sabay turo sa akin.  "Kailan ang birthday niya, saan siya ipinanganak, sino ang mga magulang niya, paano kayo nagkakilala?"

"Jennifer Asuncion.  Birthday, June 5, 1998.  Parents, Raul Asuncion and Aida Asuncion.  Nagkakilala kami sa East Pearl Academy kung saan kami pareho nag-aral ng High School.  Took education course at U.P. Diliman.  Became the top notcher of teacher's exam." 

"At dahil diyan sa pinagsasabi mo ay gusto mong paniwalaan na kita?  Dustin, napakadaling makuha ng impormasyon na 'yan kung gugustuhin mo.  Bakit ka ba nagpapanggap na magaling na ang amnesia mo?  Dahil ba sa mga sinabi ko sa'yo? Na papayag lang akong magkabalikan tayo kapag magaling ka na at naaalala mo na ako?  Sorry ha, pero hindi mo ako maloloko."  Dumiretso na ako sa kusina at pagkatapos ay nagsimula nang magluto ng aming.  Sumunod naman si Harold at nag-prisintang tumulong.

"Kung ako sa inyo ma'am, huwag kayong maniwala kay Kuya.  Tiyak na nagloloko lang 'yon."  Biglang sinabi ni Harold habang hinuhugasan ang manok na kinuha niya sa ref.  Maya-maya pa ay dumating si Dustin at lumapit sa akin.

"Mag-usap tayo."  Sabi ni Dustin sa tonong nag-uutos.

"Kuya may ginagawa pa kami, puwede bang mamaya na 'yan."  Ang sagot ni Harold.

"Hoy bata, huwag kang makialam kung ayaw mong masaktan!"  Angil naman ni Dustin.

"Luh!  Problema mo?"

"Anong problema ko?  Ikaw ang problema ko, g*go.  Ano 'yong sinabi mo kagabi, hindi mo ako palalapitin kay Jen?  Umayos ka hijo, marami ka pang kakaining bigas bago mo ako mapantayan."  Galit na wika ni Dustin habang dinuduro si Harold.

"Hindi kita kailangang pantayan, dahil iba ka at iba rin ko.  Paka-graduate ko, makikita mo."  Matapang na tugon ni Harold.  Tila may pinag-uusapan ang dalawa na sila lang ang nagkakaintindihan.

"Talagang inuubos mo ang pasensya ko ah."  Biglang sinunggaban ni Dustin ang damit ni Harold at inambahan pa ito ng suntok.

"Ma'am, tulong!"  Mabilis na nagtago si Harold sa likod ko dahil sa takot.

"Anak nang—" Nanggigigil na napamura si Dustin.  "May pahawak-hawak ka pa sa bewang niya!  Tanggalin mo 'yang kamay mo!"

"Tumigil ka na nga, Dustin!  At huwag mong tinatakot ang estudyante ko, puwede ba— aray!"  Napahawak ako sa aking noo dahil pinitik niya iyon.

"Chinachansingan ka na, pinagtatanggol mo pa."  Sabi pa niya at muling binalingan si Harold.  "Hoy Harold, sinabi nang alisin mo ang kamay mo eh!"

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon