Chapter 57

38.5K 1.2K 165
                                    

Dustin Villaverde

"Bakit ang daming tao, anong meron?"

"May ikakasal.”

"Dito sa ospital?"

"Oo, ‘di ba may pasyente tayo dito na four years nang comatose?  Sa sobrang pagmamahal sa kaniya ng boyfriend niya ay pakakasalan na siya nito kahit hindi pa siya nagkakamalay.”

“Talaga?  May mga lalaki pa palang gano’n katindi kung magmahal?”

“Sinabi mo pa.  Nakita ko ‘yong groom kanina at nakita ko sa mga mata niya kung gaano niya kamahal ‘yong babae.  Bukod doon ay sobrang guwapo pa niya at ubod ng yaman.  Wish ko lang na makahanap din ako ng lalaking katulad no’n.”

"Sorry ah, pero wala na kayong mahahanap na tulad niya.  Dahil nag-iisa lang si Dustin Villaverde,” singit ni Pris sa usapan ng dalawang nurse na nadaanan namin sa hallway.  “’Tama ba ‘ko, Kuya?” aniya pa habang nakakapit sa braso ko.  Napangiti na lang ako. 

Maya-maya’y sumulpot na si Harold na kagagaling lang ng rest room.  Inagaw niya agad ang kamay ng asawa na anim na buwan ng buntis.

“’Tapos na ‘ko, tara na," sabi ni bayaw sabay tingin sa akin.  "Alam kong hindi ka na makapaghintay na maikasal sa kaniya."

Tumango ako at sabay na kaming tatlo na pumasok sa silid ni Jen kung saan magaganap ang kasal.   

Jen is wearing a simple white wedding dress at kahit walang malay ay angat pa rin ang taglay niyang kagandahan.  Sinikap ko ring maging guwapo sa suot kong amerikana.  Ilang sandali pa ay nagsimula na ang seremonya ng kasal.

"Narito tayo ngayon upang saksihan ang pag-iisang dibdib nina Ginoong Dustin Villaverde at Binibining Jennifer Asuncion,” bungad na pananalita ng Pastor na nangangasiwa ng kasal.  “Silang dalawa ay nagdanas ng matitinding pagsubok ngunit hindi natinag.  Nagbabanta ang kamatayan na paghiwalayin sila subalit patuloy silang lumalaban.”

Kauumpisa pa lang ay hindi ko na mapigilan ang umiyak, gano’n din ang mga kaibigan at kaanak kong naririto. 

“Jennifer, hindi mo man kami nakikita at naririnig ngayon, gayunman, sana’y maramdaman mo ang naguumapaw na pagmamahal ng mga taong naririto sa silid.  Lalo na ng lalaking iyong makakaisang dibdib,” saad pa ng Pastor, pagkatapos ay tinanong na niya ako.  "Dustin, tinatanggap mo ba si Jen bilang iyong maybahay.  Na siya'y iyong mamahalin at aalagaan sa hirap at ginhawa.  Sa kayamanan at kahirapan.  Sa karamdaman at kalusugan.  Hanggang sa papaghiwalayin kayo ng kamatayan?"

"Opo," tugon ko habang madamdaming umiiyak.

"Jennifer  tinatanggap mo ba si Dustin bilang iyong asawa.  Na siya'y iyong mamahalin at aalagaan sa hirap at ginhawa.  Sa kayamanan at kahirapan.  Sa karamdaman at kalusugan.  Hanggang sa papaghiwalayin kayo ng kamatayan?" tanong naman ng Pastor kay Jen ngunit wala kaming narinig na sagot.  Matapos ang ilang segundong katahimikan ay nagsalita uli ang Pastor at ang sumunod ay ang pagsusuot ng singsing.

"Bunga ng kapangyarihang iniatas sa akin ay pinapahayag ko na, kayo, Jennifer at Dustin Villaverde ay ganap nang mag-asawa.  Dustin, maaari mo nang halikan si Jen."
 
Huminga ako nang malalim, nagpunas ng luha at ngumiti sa lahat.  Sa hudyat ng Pastor ay masuyo kong ginawaran ng matamis na halik sa labi ang aking maybahay.  Sa wakas, Jen and I are married.  She is now my wife and I am now her husband. 

Habang nagkakasayahan ang lahat sa katatapos lang na wedding ceremony ay bigla umugong ang malakas na boses ni Angel.

"Mommy!" bulalas ni Angel na siyam na taong gulang na ngayon.  Gano'n na lang ang pagkabigla naming lahat nang malaman namin kung bakit bigla siyang napasigaw. 

Ilang sandali pa ay umiral ang nakabibinging katahimikan.  Tikom ang bibig ng iba, ang iba nama'y literal na napanganga. 

Mabilis na umagos ang luha mula sa aking mga mata.  Nanginginig ako habang inaaalala ang napanaginipan ko dati kung saan nagising si Jen sa pagkakatulog no'ng hinalikan ko siya sa labi.  Hindi ako makapaniwalang ang panaginip na 'yon ay biglang magkakatotoo.

---

"Okay ka lang ba?" I asked my wife but she did not answer.  Sampung minuto ang lumipas pero hindi pa rin siya sumasagot.  Nag-alala na ako.  "Jen!  Beh, answer me, okay ka lang?" 

"Yeah, okay lang!"  Finally, she answered.  Binuksan na rin niya ang pinto ng cr kung saan siya naroroon.  Lumuwa na lang ang mga mata ko nang makita ko siyang suot ang isang sexy lingerie. 

"Ang sexy naman ng asawa ko," todo ngiting sabi ko.

"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan, nakakahiya," aniya habang namumula ang mukha. 

"Alam mo, beh, dapat hindi mo na lang isinuot 'yan, tutal huhubarin mo rin naman," hirit ko dahilan para mapangiwi siya.


Jennifer

"Ang bastos mo!" sita ko sa pilyo kong asawa na si Dustin at hindi na ako mapakali sa mga titig niya.

Three months after kong magising mula sa coma ay isinagawa ang church wedding namin ni Dustin.  Sa hinaba-haba ng prosisyon ay nauwi rin kami sa kasalan sa mismong araw ng aking thirty fifth birthday, na gaya no'ng una naming plano.  Ngayon ay nandito na kami sa DusJen Island for our honeymoon. 

"Beh, hindi na ba masakit 'yang paso mo sa likod?" tanong ko kay Dustin.  We just finished making love kung saan natuklasan niyang this was actually my first time.  Nalaman na niya kasi na wala talagang nangyari sa amin ni Philip noon.

"Hindi na," sagot niya sa tanong habang hinahaplos ang ulo kong nakapatong sa kaniyang dibdib.  "Hindi mo pala binura ang tatoo mo sa dibdib?  Alam mo bang 'yan ang dahilan kung bakit kita nahanap?  Kung hindi nabanggit ni Jennifer ang tungkol sa tattoo ay hindi ko malalamang ikaw pala ang Ate Dustin na tinutukoy niya."

"Actually, binalak ko ring ipatanggal ito.  Pero umatras din ako.  Ang akala ko kasi kaya ay ko, pero hindi pala.  Hindi ko pala talaga kayang burahin ka sa puso ko."

"Salamat ah.  Kasi hindi mo ako binura sa puso mo."

"Ako naman ang magtatanong.  Bakit mo itinaya ang buhay mo para iligtas ako sa nasusunog na ospital?  Hindi mo naman alam na ako 'yon.  Bakit mo ginawa?"

"Hindi ko alam, siguro may angel na bumulong sa'kin." 

"I'm glad na ginawa mo 'yon, pero sana, 'yon na ang huling beses na ilalagay mo sa panganib ang buhay mo, maliwanag ba?"

"Okay, maliwanag.  But you have to promise me too, na hindi ka na mawawala."

"Promise, hindi na 'ko mawawala.  I love you."

"I love you too," sabi niya saka ako hinalikan sa labi. 

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon