Jennifer
Bago magsimula ang klase ay nagche-check muna ako ng attendance, kung kaya't nalaman kong absent na naman ang isa kong estudyante na si Marjorie Reyes.
"Absent pa rin? Pangatlong araw na niyang absent ito ah." Nag-alala ako kaya tinanong ko ang class president na si Bernadette na close friend ni Marjorie. "Bernadette, anong nangyari kay Marjorie, alam mo ba kung bakit absent na naman siya?"
"Puwede po bang after class ko na lang sabihin sa inyo?" Tanong ni Bernadette at pumayag naman ako. After class ay nagpaiwan siya sa classroom kung saan napansin ko agad ang pagkabalisa niya.
"May alam ka ba kung bakit tatlong beses nang absent si Marjorie?" Panimula ko.
Huminga muna ng malalim si Bernadette bago sumagot. "Dahil po kasi sa boyfriend niya Ma'am. Nahuli kasi naming dalawa 'yong boyfriend niya na may kasamang babae sa mall and right then and there, he broke up with her. Nasaktan si Marj sa mga nangyari kaya nawalan na siya ng ganang pumasok. Pinupuntahan ko siya sa kanila para i-comfort pero ayaw niya akong harapin at ang sabi pa sa'kin no'ng mga kasambahay ay palagi lang daw siyang nagkukulong sa kuwarto. Mahal na mahal ni Marj ang lalaking 'yon kaya alam kong labis siyang nasasaktan ngayon. Sa totoo lang ay nag-aalala na 'ko ng husto sa kaniya, paano kung..."
Maya-maya pa ay biglang dumating ang galit na galit na si Paul at sumali sa usapan.
"G*go naman pala ang lalaking 'yon eh!" Asik ni Paul habang nasa likod niya sina Harold, Glen at Busty. "Berna, saan ko ba makikita ang ulupong na 'yon para maturuan ko ng leksyon?"
"Bakit, anong gagawin mo? Aawayin mo? Hindi 'yan makakatulong Paul, ang importante rito ay si Marj." Giit ni Bernadette na super matured kung magsalita.
"Tama si Bernadette. Kung ano man ang iniisip niyo, huwag niyo nang ituloy. Huwag na huwag kayong gagawa ng gulo, lalo na ang makipag-away dahil maari niyo 'yang ika-expel. Kapag na-expel kayo, paano kayo makaka-graduate?" Kinuha ko na lang cellphone ko para tawagan si Marjorie. After ilang ring, sa wakas at sinagot niya rin ang tawag.
[Hello, sino 'to?]
"Marjorie si Ma'am Asuncion mo ito. Nasa bahay ka ba ngayon? Three days ka na kasing absent kaya gusto ko lang malaman kung bakit. Pupuntahan kita diyan sa inyo ngayon ha, para makapag-usap tayo."
[Leave me alone!]
Pinagbagsakan niya ako ng phone kaya tinawagan ko siya uli pero hindi na siya sumagot. Sa puntong ito ay kinabahan na ako, gayunman ay hindi ako tumigil sa pagtawag. Ten minutes later ay may sumagot na ng tawag ko.
"Hello, Marjorie..." Bungad ko pero hindi boses ni Marjorie ang narinig ko sa kabilang linya. "What!"
Nanlumo ako no'ng sabihin sa akin ng kausap ko na nabundol daw niya si Marjorie at kasalukuyan niya itong ibinibiyahe papunta sa North Hospital. Hindi naman ako nag-atubili at agad na ring sumugod doon kasama sina Berna.
Nakahinga ako ng maluwag nang malamang hindi malala ang kondisyon ni Marjorie, sa katunayan ay may malay namin siyang naabutan sa ospital.
"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong ni Bernadette matapos yakapin ang kaibigang Marjorie na nakaupo lang sa kama.
"Heto, buhay pa naman." Sarcastic na sagot ni Marjorie. "Sana sa tren na lang ako nagpasagasa para namatay na 'ko."
Hindi lang ako ang nagulat sa sinabing iyon ni Marj kundi pati na rin sina Bernadette, Harold, Glen, Busty at Paul. Ibig sabihin ba no'n ay sinadya niyang magpasagasa?
"Marj naman eh, huwag kang magsalita ng ganyan." Naiiyak na sabi ni Bernadette.
"Ang kasi sakit eh, ang sakit-sakit." Napayuko si Marjorie na ngayon ay umiiyak na rin. "Gusto ko nang mamatay para hindi ko na maramdaman ang sakit na'to."
"Ano kamo? Ulitin mo nga 'yang sinabi mo?" Seryoso kong tanong kay Marjorie. Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang lumabas sa bibig niya.
"Ang sabi ko, gusto ko nang mamatay!" Sigaw niya. Nagpanting ang tainga ko kaya nasampal ko siya ng malakas. "Walang hiya ka, bakit mo 'ko sinampal? Mommy ko nga hindi ako sinasaktan 'tapos ikaw na teacher ka, sasampalin mo 'ko!"
"Bagay 'yan sa'yo para maalog 'yang utak mo." Dismayado akong umiling. "Seriously, nang dahil lang sa isang lalaki, magpapakamatay ka na. Sasayangin mo ang buhay mo para sa isang lalaking ipinagpalit ka sa iba? Kapag namatay ka, ipagluluksa ka ba niya?"
"Tumahimik ka! Wala kang alam sa pinagdadaanan ko kaya manahimik ka! Madali lang para sa'yo na sabihin 'yan dahil hindi ikaw ang nasaktan. Minahal ko siya, ibinigay ko sa kaniya ang lahat-lahat pero sa kabila no'n, niloko pa rin niya 'ko! Alam mo ba kung gaano 'yon kasakit ha! Alam mo ba!" Halos malagutan na siya ng boses sa lakas ng mga sigaw niya.
"Oo, alam ko! Alam na alam ko!" Halos mayanig naman ang buong kuwarto sa mas malakas kong boses. "Ikaw naman ang tatanungin ko, alam mo ba kung gaano kasakit na iwan ka ng taong pinakamamahal mo na anim na taon mong naka-relasyon? 'Yong tipong, nag-propose na siya sa'yo ng kasal pero in the end, hindi ikaw ang pinakasalan niya kundi ang ibang babae. Tulad mo, sobra rin niyang minahal ang lalaking 'yon. Ibinigay rin niya ang lahat para rito pero niloko lang din siya at ipinagpalit sa iba."
Habang nagsasalita ay naalala ko ang masakit na nakaraan na pilit ko nang kinakalimutan. Gusto nang tumakas ng mga luha ko subalit pinipigilan ko lang.
"Pero kahit na labis siyang nasaktan sa mga pangyayari, ni minsan ay hindi sumagi sa isip niya ang magpakamatay. Dahil inisip niya ang mga tao sa paligid na tunay na nagmamahal sa kaniya tulad ng mga magulang niya at mga kaibigan. Ikaw, isipin mo rin sana ang mga taong nagmamahal sa'yo. Ang Mommy mo na ayon na rin mismo sa'yo ay never kang pinagbuhatan ng kamay. Itong si Bernadette, ang kaibigan mong sobrang nag-aalala para sa'yo. Talaga bang iiwan mo sila para lang sa isang manlolokong lalaki? Gano'n ba Marjorie?"
Hindi siya sumagot at sa halip ay umiyak lang siya ng umiyak habang hinahaplos ni Berna ang kaniyang ulo.
"Kaya mo 'yan Marj, nandito lang ako para damayan ka." Magiliw na sambit ni Berna na halatang concern sa kaniyang kaibigan.
"Ako rin, nandito lang. Lagi naman akong nandito eh, minsan kasi pansinin mo rin ako." Serysosong hugot naman ni Paul kaya tiningnan siya ng kakaiba ng mga barkada niya.
Nilapitan ko si Marjorie at hinawakan ang pisngi niyang nasampal ko.
"Sorry kung nasampal kita, sana maintindihan mong nagawa ko lang 'yon dahil mahalaga ka sa'kin at ayokong gumagawa ka ng mga maling bagay. Bata ka pa at ubod ng ganda, marami ka pang makikilala diyan kaya huwag mong sayangin ang buhay mo. Sana huwag mo na itong uulitin."
Nag-angat ng tingin sa akin si Marjorie at dahan-dahan siyang tumango, pagkatapos no'n ay umiyak na naman siya. Naiintindihan ko nang husto ang sakit na nararamdaman niya ngayon dahil naranasan ko rin ang masaktan at maipagpalit.
Kung kanina ay napipigilan ko pa ang sarili ko na umiyak, ngayon ay hindi na. Gamit ang kamay ko ay pinahid ko ang aking mga luha. Maya-maya pa may isang nilalang sa gilid ko ang nagmagandang loob na abutan ako ng panyo. Tinaggap ko iyon at nagpunas ako ng luha.
"Thank you." Sabi ko at ibinalik na ang panyo sa may-ari.
"You're welcome." Sagot niya. Bigla namang nalaglag ang panga ko nang makita ko kung sino itong nagpahiram sa akin ng panyo.
"Dustin?"

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved