Chapter 40

35.5K 818 67
                                        

Faith

Simula no'ng elementary, high school, college at kahit ngayong may mataas na posisyon na ako sa company ng Daddy ay wala pa ring ibang isinisigaw ang puso ko kundi si Dustin.  This might sound pathetic pero hindi ko ikinakahiyang aminin na sa lalaking iyon umiikot ang buong mundo ko.  Marami ang nanligaw sa akin, sinagot ko sila, pero ginawa ko lang 'yon just for fun and not because of love. 

Hindi ko alam kung bakit sa tinagal-tagal ng panahong lumipas ay hindi pa rin nawawala ang pagmamahal ko kay Dustin.  Hindi ko siya magawang kalimutan kahit pa may babae nang nagmamay-ari sa kaniya at 'yon ay walang iba kundi si Jennifer Asuncion.

Sa sobrang pagkahumaling ko kay Dustin ay dumating na ako sa puntong binalak kong patayin si Jen.  Sinubukan ko itong sagasaan ng kotse ngunit hindi ako nagtagumpay na mapatay ito dahil bigla itong sinagip ni Dustin.

Isang araw ay hindi sinasadya na nagkita kami ni Jen sa boutique ni Ashley.  Inalok niya ako ng friendship na tinanggap ko naman kahit labag iyon sa loob ko.  I really hate her.  Sana'y mawala na siya sa mundo para maangkin ko na si Dustin.

Days later, ay nalaman ko sa ilang kakilala na nag-propose na si Dustin kay Jen sa mismong JS Prom ng East Pearl Academy.  After that ay nakita ko na lang ang aking sarili na gabi-gabing umiiyak, nagmumukmok at naglalasing.

"It's you again," sabi ng katabi kong babae na pamilyar ang hitsura.  Lagi ko rin siyang nakikita na umiinom dito sa bar.  "Lagi ka yatang naglalasing?"

"Dahil gusto kong makalimot sa problema," tugon ko at ako naman ang nagtanong sa kaniya.  "What about you, anong klaseng problema naman ang nilulunod mo sa alak?"

"My cheating husband," aniya sabay inom.  "Ikaw naman?  If you don't mind, puwedeng malaman ang dahilan ng gabi-gabi mong paglalasing dito?"  Bilang sagot ay ikinuwento ko sa kaniya ang tungkol sa lalaking mahal ko na hindi ko na pinangalanan.  "Engaged pa lang sila, right?  Hindi pa naman sila kasal kaya may pag-asa ka pa.  Well, kahit nga kasal na sila ay hindi pa rin siguradong sila na nga ang magsasama habang buhay.  Kung determinado ka talaga, gumawa ka ng paraan para sirain ang pagsasama nila."  Maya-maya ay natawa siya.  "Oh my gosh, what am I saying.  Hindi dapat kita tinuturuan ng ganyang mga bagay, kundi ay matutulad ka lang sa buwisit na kabit ng asawa ko." 

"Mahal ko siya pero never naman akong papayag na maging other woman.  Maramot ako eh, ayoko ng may kahati," sabi ko.

"Same here, kaya nga inis na inis ako eh, dahil mukhang may ibang babae ang gustong umagaw ng asawa ko sa'kin.  Ang problema ay itinatanggi ng asawa ko na may kabit siya.  Well, he can deny all he wants pero ako, sigurado akong may iba siya dahil nagbago na siya.  I can tell that by his behavior."  Uminom siya uli ng alak at pagkatapos ay naglabas pa ng kaniyang mga sama ng loob.  "He used to be a loving husband, laging tumatawag at nagte-text.  Palaging umuuwi ng maaga sa bahay galing sa trabaho at laging ganado to make love with his wife.  Pero ngayon, iba na, wala na siyang ganang tumabi sa'kin, palaging ginagabi ng uwi at tingnan mo, gabing-gabi na pero hindi man lang niya ako hinahanap.  Wala ni isang tawag or text na parang hindi nag-aalala sa kalagayan ko.  Masaya at perpekto ang pagsasama namin pero nagbago ang lahat buhat no'ng lumipat siya sa East Pearl.  I know for sure na doon niya nakilala ang babaeng dahilan kung bakit bigla siyang nanlamig sa'kin."

"East Pearl?  Did you mean the prestigous school East Pearl Academy?"

"Yeah, he's a teacher in that school at malakas ang kutob ko na ang kabit niya ay isa sa mga co-teacher niya roon.  Wala akong ebidensya, but I just know it at nararamdaman kong tama ako.  Kung puwede lang akong sumugod sa workplace niya, ginawa ko na.  I swear, makakapatay ako ng tao kapag may umagaw sa asawa ko."  Galit na galit siya na para bang handa na ngang pumatay ng tao. 

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon