Chapter 12

45.7K 1.1K 39
                                    

Jennifer

"So, friends na kayo?"  Tanong ng aking best friend na ka-chikahan ko na naman dito sa garden ng mansyon.  Naikuwento ko sa kaniya na nagkita kami kanina ng ex kong si Dustin sa mall. 

"Oo at nag-sorry ako sa ginawa kong pagsusungit sa kaniya at sa mga nasabi ko tungkol kay Faith.  Tinanggap naman niya ang sorry ko.  Alam na rin pala niyang may past kami pero pumayag pa rin siyang maging friends kami since friends na ang mga anak namin.  Tama lang ang ginawa ko 'di ba?  Okay lang naman sigurong maging friends kami dahil past is past na 'di ba?"  Saad ko.

"Past is past na nga ba?"

"Oo naman.  Na-realize ko lang kasi na mag-move on na.  Aaminin kong dati ay halos hindi ko siya matingnan.  Pero ngayon, okay na ang lahat.  Oo, may kasalanan siya sa akin, pero magalit man ako, awayin ko man siya, tanungin ko man siya kung bakit niya ako ipinagpalit kay Faith ay wala naman akong makukuhang sagot dahil nabura na ang lahat ng alaala niya.  Kahit ako ay nabura na sa utak niya.  So I decided na ibaon na rin sa limot ang lahat.  And make a brand new start with him, as his friend."  Paliwanag ko at napangiti naman si best friend.

"Mabuti naman kung gano'n.  At least, may closure na kayo.  Although hindi talaga iyon matatawag na closure dahil nga may amnesia siya.  At hindi pa rin natin alam ang dahilan kung bakit niya pinakasalan si Faith."

"Para sa akin closure na rin 'yon.  Kung sakaling magkasalubong kami sa daan, mahaharap ko siya na walang inis o galit sa puso ko."

"Kung sa bagay."  Tumayo na siya at nagpaalam.  "Sige na Jen, matutulog na 'ko.  Maaga pa ako bukas dahil susunduin ko sina Ash at ang biyenan ko sa airport.  Isabay mo na lang si Dom papunta sa bahay nina James bukas, susunod na lang kami ni Ash doon."

"Okay, good night."

2:30 ng hapon kami nakarating nina Angel at Dominic sa bahay ng mag-asawang James at Eunice.  Binati ako nina Exel, Kyle at James at ipinakilala ko sa kanila ang anak ko.

"Ang ganda ng anak mo Jen." Ani Exel.

"Matalino rin siguro 'yan."  Komento ni James.

"At grabe magalit."  Sabi ni Kyle dahilan upang matawa kami.  Maya-maya pa ay dumating na rin ang mag-amang Dustin at Dwight.

"Hi!" Bati ni Dustin sa aming lahat saka siya nagtanong sa akin.  "Si Dustin?"

"Wala pa siya dahil sinundo niya si Ashley, pero susunod daw sila."  Sagot ko.

"Ah oo nga pala, ngayon ang balik ni Ashley."  Sabi niya uli.  Napataas naman ako ng kilay nang makita ko ang kakaibang tingin nila sa amin ni Dustin.

"Bakit ganyan ang mga hitsura niyo?"  Tanong ko sa kanila na para bang nakakita ng multo porke nag-usap kami ni Dustin.

"Siyempre nagulat kami, close na ba kayo?"  Usisa ni Eunice. 

"Actually, we're friends now."  Tugon ni Dustin saka kami nagkatinginan.

"Yeah, we're friends at huwag na kayong kumontra.  Past is past okay."  Hirit ko at baka mang-asar pa sila.  Ilang saglit lang ay sinimulan na ang children's party. 

After one hour ay nakahabol na ang mag-asawang Dustin at Ashley and that made the whole barkada complete.  After seven years ay ngayon na lang ulit kami na-kompleto. 

Wala namang masyadong pagbabago sa barkada maliban sa mga edad namin at ang katotohanan na 'yong walo ay couple pa rin, samantalang kami ni Dustin Villaverde ay friends na lang.

Sa kasagsagan ng children's party ay napansin ko na dumudugo ang ilong ni Ashley.

"Ash, nagdudugo ilong mo."  Sabi ko at agad na lumapit si Dustin Villaverde sa kaniyang best friend.

"Ash, are you alright?"  Tanong ni Dustin kay Ash.

"Yeah, okay lang ako.  Pagod lang siguro 'to."

Ilang saglit pa ay lumapit na rin sa amin sina Dustin Melendez at Eunice. 

"What happend babe?"  Nag-aalalang tanong ng best friend ko sa asawa niya. 

"Nag-nose bleed siya." Sagot ko.

"Dustin, dalhin mo sa room sa itaas ang asawa mo para makapag-pahinga." Ani Eunice at sinamahan na niya ang mag-asawa sa itaas.

Naiwan kami ni Dustin Villaverde na ngayon ay nakahawak sa kaniyang ulo at tila may iniindang sakit.

"Dustin anong nangyayari sa'yo, masakit ba ang ulo mo?"  Tanong ko.

"Medyo, no'ng nakita kong nagdugo ang ilong ni Ash, parang..."  Nag-alala marahil siya ng husto sa kaniyang best friend.

"Huwag kang mag-alala, malamang ay napagod lang 'yon si Ash sa biyahe."  Sabi ko naman.

---

Samantala, hindi muna kami umuwi matapos ang children's party.  Habang naglalaro ang mga bata sa labas, kami namang matatanda ay nagi-inuman session.  Kasama na rin namin si Ashley dahil umayos na ang pakiramdam nito.  Una naming napagkuwentuhan ay ang mga anak namin.

"Oo nga pala Jen, nakuwento ni Kirk na nagwala raw ang anak mo at pinaghahamapas daw sila ng sanga ng puno."  Natatawang sabi ni Kyle.

"Yeah, si Jordan naman ay nagsumbong na tinawag daw siyang pandak ni Angel."  Kuwento naman ni James.

"Wala kayo sa sumbong ng anak ko, sabi ni Exceed sinabihan daw siya ni Angel na pangit daw siya mag-sing.  Grabe, may naalala ako no'ng narinig ko 'yon."  Si Exel man ay natatawa habang nagsasalita.

"Ako rin may naalala, hulaan niyo kung sino?"  Si Elisa naman iyon at pagkatapos ay sabay-sabay silang nagsalita.

"Si Miss Genius!"  Sabi nilang lahat at malakas na nagtawanan, hindi ko na rin mapigilan ang matawa.  Hanggang ngayon pala ay tanda pa nila ang pinag-gagawa ko noon. 

"Anong pinag-uusapan niyo, pa-share naman."  Request ni Dustin na hindi maka-relate sa usapan.  Dahil sa amnesia niya, tiyak na nakalimutan na niya ang nangyari when miss genius gone mad.

"Alam niyo guys, natutuwa talaga ako at kasundo na ng mga little boys natin si Angel."  Sabat ni Maureen.

"Yeah, at 'yon ang mahalaga."  Pag-agree ni Dustin Melendez.

"By the way Jen, nasaan na ang Tatay ni Angel?"  Tanong ni Eunice na agad sinaway ng asawa.

"Hon, ang chismosa mo."

"Chismosa agad, hindi ba puwedeng curious lang." Depensa naman ni Eunice.  "Kayo ba hindi curious na malaman kung sino ang ama ng anak ni Jen?"

"Ako curious."  Sabi ni Ashley.  Sa pagkakataong ito ay napatingin ang lahat sa akin.  Mukha ngang curious sila.  Magkukuwento ba ako?

"Huwag niyo siyang piliting magsabi kung ayaw niya." Kalmadong sinabi ni Dustin Villaverde saka tumingin sa akin. 

"Sige na nga, pero kung ready ka nang magsalita, you can call us anytime.  Remember, friends tayong lahat dito.  If you need anything, or you want advice nandito lang kami."  Itinaas ni Eunice ang kaniyang baso at ginaya namin siya.  "Here's to our long lasting friendship!"

Nag-toast kami at sabay-sabay na uminom.  Masaya ako dahil hindi nagbago ang mga kaibigan kong ito.  Kahit umalis ako at iniwan sila ay hindi nila ako kinalimutan.  Mula noong high school hanggang ngayong may mga anak na kami ay nananatili pa rin ang aming matatag na pagkakaibigan.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon