Dustin Villaverde
"May pag-asa bang maging tayo uli?" Karagdagang tanong ko pa kay Jen na seryoso ring nakatingin sa mga mata ko. Hindi man direkta, sa wakas ay nasabi ko pa rin sa kaniya ang nilalaman ng aking puso.
Ilang segundo na ang lumipas pero wala ring walang kibo si Jen. Kaming tatlo naman nina Harold at Pris ay tahimik lang din na nag-aabang ng isasagot ni Jen sa tanong ko.
I want to hear her answer pero kinakabahan ako. Paano kung wala pala akong pagasa? Paano kung hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob sa akin ni Jen dahil sa mga nangyari dati? Paano kung hindi niya akong magagawang mahalin uli dahil may iba na pala siyang mahal. Habang naiisip 'yon ay naninikip ng husto ang dibdib ko.
Maya-maya ay suminok si Jen at pagkatapos ay ininom ang kalahating baso ng alak na hawak niya. Her face is red, halatang marami na rin siyang nainom.
"I'm sorry pero wala kang pagasa." Sabi ni Jen na parang isang malakas na sampal na tumama sa mukha ko.
"Yes!" Utas naman ni Harold saka sinalinan ng alak ang baso ni Jen. "Tagay pa ma'am."
"Sure!" Excited naman si Jen na iinumin sana ang alak pero hindi niya nagawa dahil pinigilan ko.
"Why? Bakit wala akong pagasa? May iba ba? Tell me, please!" Hindi ko matanggap ang narinig ko kaya parang gusto ko nang magwala.
"Let go of her!" Angil ni Harold dahil nakita niyang hawak ko ng mahigpit ang pulsuhan ni Jen.
"Oo, may iba." Kalmado lang na sinabi ni Jen, dahan-dahan ko namang niluwagan ang pagkakahawak ko sa pulso niya kaya siya nakawala. "May iba na akong mahal kaya hindi tayo puwede. Alam mo ba, Dustin din ang pangalan niya. Siya ang first kiss ko at first boyfriend ko. Graduate siya ng Harvard University. May peklat siya sa dibdib tapos may tattoo siya ng pangalan ko sa dibdib niya. Ikakasal na dapat kami eh, kaya lang hindi natuloy. Unfortunately, wala siya rito ngayon and I have no idea kung kailan siya babalik. Pero maghihintay pa rin ako sa pagbabalik niya at kung itatanong niya sa akin ang lahat ng mga tanong mo kanina, like, kung may pag-asa bang maging kami uli? I will definately say yes. Kasi hanggang ngayon mahal ko pa rin siya. Actually, hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kaniya eh. At habang nabubuhay ako, hinding-hindi na mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Kaya, sorry na lang talaga Dustin."
Ang sabi nila ay hindi raw marunong magsinungaling ang mga taong lasing. Ibig sabihin lang noon ay nagsasabi si Jen ng totoo. Hanggang ngayon pala ay mahal pa rin niya ako... No, hindi pala ako ang tinutukoy niya kundi ang dating ako. Samakatuwid ay mahal pa rin niya si Dustin na walang amnesia.
"Oh ano? Bakit natahimik na kayo diyan? Siguro iniisip niyo na ang tanga-tanga kong babae kasi mahal ko pa rin siya. Alam niyo, 'yan din ang sinasabi ko sa sarili ko. Ang tanga ko kasi nagagawa ko pa rin siyang mahalin sa kabila ng lahat ng sama ng loob at sakit na ibinigay niya. Believe me, ginawa ko ang lahat para kalimutan siya, pero hindi ko pala kaya. Pagtawanan niyo 'ko kung gusto niyo, wala akong pakialam!" Sigaw pa ni Jen sabay inom uli ng alak.
"Tama, ang tanga mo nga." Madiin ang pagkakasabi no'n ni Harold na para bang kaedad lang niya ang kausap.
"Ano?" Iritadong tugon ni Jen.
"Ang sabi ko, ang tanga mo nga para patuloy na mahalin ang gano'ng klaseng tao. Why don't you just forget him and move on?"
"Madaling sabihin, pero ang hirap gawin!" Sabi ng basag na boses ni Jen, parang malapit na siyang umiyak.
"Paano mo magagawang mag-move on kung hindi mo sinusubukan? Are you even trying to move on? O ang ginagawa mo lang ay ang umasa na babalik ang alaala niya para lang masabi mo sa sarili mong you two are meant for each other? Tama na ang ilusyon ma'am, gumising ka." Sermon pa ni Harold sa kaniyang teacher.

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomansaWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved