Chapter 55

32K 1K 163
                                        

Dustin Villaverde

Hindi ko alam kung gaano katagal na akong umiiyak at nagmumukmok sa loob ng kotse nang biglang kumatok si Harold sa may bintana.  Inayos ko muna ang aking sarili at nagpunas ng luha bago bumaba.

"Kuya, ibabalik ko na sana si Jennifer sa Lola niya  pero ayaw niya.  She wants to talk to you," ani Harold at pareho kaming napatingin kay Jennifer na nakatayo lang sa bandang likuran.  Maya-maya ay lumapit sa amin ang bata.

"Kuya, galit ka pa rin po ba?  Gusto ko lang pong sabihin sa inyo na hindi po ako nagsisinungaling kanina.  Totoo po ang lahat ng sinabi ko sa inyo tungkol kay Ate Dustin.  Kung gusto niyo po, tanungin niyo pa si Lola," mariing giit ng bata.

"She's right," pagsangayon agad ni Harold.  "At para na rin makumpirma natin kung ang Dustin na 'yon nga at si..."

Alam ko na kung ano ang ibig sabihin ni Harold kahit hindi niya ituloy.  Naupo ako para pantayan ang bata saka humingi rito ng tawad.

"Jennifer, pasensya ka na sa'kin kanina, ah.  Sorry kung nasigawan kita at nasaktan," sinserong saad ko habang hinahaplos sa pisngi si Jennifer.  "Alam ko naman na nagsasabi ka ng totoo.  Ang problema ay hindi ko lang 'yon matanggap.  Sige, at puntahan na natin ang Lola mo."

Puno ako ng kaba habang naglalakad pabalik sa loob ng ospital.  Sa oras na makausap ko na si Lola Tessie at makita ko na ang bangkay ni Miss Dustin ay makukumpirma ko na ang aking hinala. 

"Jennifer, saan ka galing?  Kanina pa kita hinahanap," bungad ni Lola nang masalubong namin siya sa may lobby.

"Lola, pasensya na po kayo.  Isinama lang po namin siyang kumain sa labas.  Nakita kasi namin siyang umiiyak kanina," sagot ni Harold.

"Gano'n ba, hijo.  Nako, pasensya na at inabala pa kayo nitong apo ko," tugon naman ng matanda saka  humarap sa akin.  "Kumusta ka na pala, hijo?  Pasensya na kung hindi na uli kita nadalaw.  Naging abala kasi ako."

"Wala po 'yon, Lola.  Ayos na po ako, sa katunayan ay na-discharge na ako ngayong araw," anunsyo ko na ikinatuwa naman ni Lola.

"Mabuti naman kung gano'n, hijo.  Gusto sana kitang imbitahan sa bahay at pakainin man lang bilang pasasalamat pero hindi maari dahil may ibuburol sa bahay mamaya,"   Maya-maya'y nalungkot ang matanda.  "Alam mo kasi, kamamatay lang ngayon ng—"

"Opo, nasabi nga po sa amin ni Jennifer.  Nakikiramay po kami sa inyo."  Huminga ako ng malalim at naglakas ng loob na humiling kay Lola.  "Lola, may ipapakiusap po sana ako sa inyo, maari ko po bang makita ang bangkay ni Miss Dustin?  May gusto lang po akong kumpirmahin."

"Bangkay nino, bangkay ni Dustin?" naguguluhang wika ng matanda.  "Teka, hijo, hindi si Dustin ang namatay kundi ang isa ko pang apo na nakatatandang kapatid nitong si Jennifer."

Ipinaliwanag sa amin ni Lola na ang apo niya na Ate ni Jennifer ay namatay dahil sa sakit na colon cancer.  Iyon daw ang dahilan kung bakit palagi itong abala dahil bukod kay Miss Dustin ay may apo pa siyang may sakit na inaalagaan.  Pagkatapos magkuwento ay isinama na kami ni Lola sa silid ni Miss Dustin.

"Tara sa loob, mga hijo," sabi ni Lola kasabay ang pagbukas niya ng pinto ng silid.

Dahan-dahan akong naglakad papasok.  Hindi ko na maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko habang papalapit sa kamang hinihigaan ng taong iniligtas ko mula sa sunog.  Maya-maya pa ay nauna nang nakalapit si Jennifer sa nakahigang pasyente.

"Ate Dustin, may mga bisita po kayo.  Sila po sina Kuya Harold at Kuya Dustin," masiglang sambit ng bata saka humarap sa amin ni Harold.  "Mga Kuya, siya naman po si Ate Dustin.  Ang ganda po niya 'di ba?  Kaya lang, ang tagal na niyang natutulog na parang si Sleeping Beauty.  At saka, tingnan niyo pong mabuti, magkamukha po talaga sila ni Ate Jennifer, 'yon pong babaeng mahal niyo, Kuya Dustin."  Pagkatapos ay hinatak pababa ni Jennifer ang suot na damit ng kaniyang Ate Dustin.  "Ito po ang tattoo niya, oh."  Dahil dito ay nakikita ko nang malinaw ang pangalan ko na naka-tattoo sa dibdib ng babae.  "Lola, 'di po ba sabi ni Tatay ay nabaril si Ate Dustin dati kaya siya na-comatose?"

"Bakit mo alam ang tungkol diyan, apo?" tanong ni Lola.

"Narinig ko po ang usapan niyo ni Tatay dati.  Please, Lola, sabihin mo po na totoo ang sinabi ko sa kanila."

"Oo, totoo iyon," sagot naman ni Lola.  "Mga hijo, anong nangyayari sa inyo?  Ayos lang ba kayo?" 

"Mga Kuya, bakit po kayo umiiyak?" nagtatakang tanong naman ni Jennifer na hindi rin namin masagot ni Harold dahil sa pagbuhos pareho ng aming mga luha.  Luha ng kaligayahan sapagkat sinagot na rin ng Maykapal ang apat na taon ko nang panalangin.

  Luha ng kaligayahan sapagkat sinagot na rin ng Maykapal ang apat na taon ko nang panalangin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Diyos ko, salamat po.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon