Dustin Villaverde
Hindi nagpasundo si Jen kaya nag-stay pa ako sa opisina. Habang abala sa pag-scan ng ilang mga dokumento ay tinawagan ako sa intercom ng aking secretary para sabihing may bisita raw ako.
[Harold Zuñiga raw po Sir.]
Biglang kumunot ang noo ko. "Okay, let him in."
Ilang saglit pa ay pumasok na si Harold sa loob ng aking opisina. Nabungaran ko agad ang seryosong seryoso niyang hitsura. Binitiwan ko muna ang hawak kong mga papel at hinarap siya.
"Naligaw ka," kaswal kong sabi.
"Sorry kung napadalaw ako ng wala sa oras. May gusto lang kasi akong itanong sa'yo."
"What is it?"
"'Yong totoo, seryoso ka ba talaga kay Ma'am Asuncion, mahal mo ba talaga siya?"
"Ano?"
"Tinatanong kita kung seryoso ka bang mahal mo si ma'am o pinaglalaruan mo lang siya. Sabihin mo sa akin ang totoo, kailangan kong malaman," wika niya habang seryoso pa ring nakatingin sa mga mata ko.
"Let's talk somewhere else," tugon ko at pagkatapos ay tumayo na. Tahimik namang sumunod sa akin si Harold hanggang sa makarating kami sa basement parking. Sumakay kaming dalawa sa kotse ko saka iyon minaneho patungong East Pearl Academy.
Dumiretso kaming dalawa ni Harold sa likurang bahagi ng Campus. Paghinto namin ay saka siya uli nagsalita.
"Bakit ba tayo nandito?"
"Dito ako nag-confess sa kaniya. Dito mismo sa lugar na ito ko sinabi sa teacher mo na mahal ko siya," sagot ko sa tanong saka tumingin ng seryoso kay Harold. Ilang saglit pa'y may narinig kaming mga tinig.
"Boss!" sigaw ng tatlong binata na papalapit na ngayon sa amin.
"Bakit kayo nandito?" kunot ang noo na tanong ni Harold sa mga kaibigan niya.
"Mula nang makabalik tayo sa Palawan getaway natin ay palagi ka nang burido. Nag-alala kami sa ikinikilos mo kaya naisip ka naming sundan," sambit ng isa na kung hindi ako nagkakamali ay Glen ang pangalan.
"Pasensya na kung pinag-alala ko kayo," tugon ni Harold saka uli tumingin sa akin. "Ano uli 'yong sabi mo, Kuya? Dito ka nag-confess ng feelings mo kay Ma'am?"
"Yeah, dito ko sinabi ko kay Jen na mahal ko siya."
"Huwag mo 'kong tingnan, ang pangit ko," sambit ni Jen nang maabutan ko siyang umiiyak dahil kinalbo siya ni Faith. Tumalikod siya sa akin at humakbang palayo dahil ayaw niyang magpakita ng mukha.
Niyakap ko siya mula sa likod at nagtapat sa kaniya. "Kahit ano pa ang hitsura mo mahal pa rin kita."
“Salamat, ha. Mahal din kita, Dustin. Mahal kita ng higit pa sa kaibigan... ng higit pa sa bestfriend.”
"She has no idea na ako ang kausap niya. Ang akala niya ay ako ang best friend niyang matagal na niyang gusto," pagpapatuloy ko pa ng kuwento habang nakikinig naman sila ng mabuti.
"Aw, ibig sabihin, rejected kayo?" napapangiwing hirit ni Busty.
"Gano'n na nga, dahil narinig ko mismo sa bibig niyang ang best friend niya ang mahal niya at hindi ako. Gayunman, hindi ako sumuko. Nagpursige akong ligawan siya at ipadama sa kaniya kung gaano ko siya kamahal hanggang sa makamit ko ang matamis niyang oo." Napangiti ako nang sariwain ko saglit ang nakaraan. Ang laki talaga ng pasasalamat ko sa Diyos dahil may kakayahan na akong muli na maalala ang mga masasayang araw na iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/57555670-288-k298359.jpg)
BINABASA MO ANG
For The One I Love
عاطفيةWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved