Dustin Villaverde
"Ready?" tanong ni Jen habang inaayos ang kuwelyo ko. Narito kami sa labas ng gate ng Melendez's Mansion at ngayong araw na namin sasabihin sa parents niya na nagkabalikan na kami.
Huminga ako ng malalim. "Ready."
"Sige, tara na."
"Wait, may ipapakita muna ako sa'yo." Binuksan ko ang suot kong polo.
"Ibinalik mo?" excited na sinabi ni Jen nang makita ang pangalan niya na naka-tattoo sa dibdib ko.
"Yeah ibinalik ko, at bukod dito ay may isa pa akong ibabalik sa'yo." Dinukot ko mula sa bulsa ng pantalon ko ang isang singsing at isinuot iyon sa kaniyang daliri.
"Teka, ito 'yong..." Tiningnan niyang mabuti ang singsing.
"When I woke up in the hospital ay hawak ko na ang singsing na 'yan and I decided to keep it. Ang noon ko pa ipinagtataka ay kung paanong napunta 'yan sa kamay ko."
"Hindi ko pa pala nasabi sa'yo, bago ako noon umalis papuntang U.S ay dinalaw kita sa ospital at nilagay ko sa kamay mo 'yan singsing," kuwento ni Jen.
"I see..." Napatango ako. "May isa pa akong tanong."
"Ano 'yon?"
"Nong dinalaw mo ako nong araw na 'yon, did you kiss me?"
"Oh my God Kuya, you're awake. Wait lang tatawagin ko ang doktor," utas nang natatarantang babae na nabungaran ko pagising. Nagmadali siyang lumabas kaya naiwan ang isa pang babae rito sa kuwarto.
"I'm glad, you're finally awake," sambit ng babae na panay ang iyak.
"Sino ka?" tanong ko at bigla namang natigilan ang babae. Tiningnan niya ako ng puno ng pagtataka sa kaniyang mukha.
"Dustin are you alright? What do you mean sino ako? Hindi mo ba 'ko nakikilala?"
"Dustin, is that my name?"
"Oo, ikaw si Dustin. Bakit, hindi mo ba naaalala ang pangalan mo?"
Marahan akong umiling bilang sagot. Narinig ko naman ang pagsinghap ng babae.
"Ikaw ba 'yon? Ikaw ba ang humalik sa'kin," tanong ko pa sa babae. Bago magising ay may naramdaman akong dumampi sa aking mga labi. Sigurado akong may humalik sa labi ko at tila ba ang halik na iyon ang dahilan kung bakit nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog.
"Yes Dustin, that was me. I was the one who kissed you. My name is Faith and I'm your wife," sagot ng babae saka ako niyakap ng mahigpit.
Habang yakap ako nang babaeng nagpakilalang asawa ko ay tiningnan ko ang isang singsing na nakapaloob sa aking kamay. Hinintay kong banggitin niya ang tungkol sa singsing ngunit nabigo ako, hanggang sa magdesisyon akong itago na lamang itong singsing na may nakaukit na katagang...
DusJen Forever
Napatakip ng bibig niya si Jen. "Oo, hinalikan kita, bakit mo alam?"
"So, it was you after all." Napangiti ako. "Alam mo, para kang si princess charming na ginising ang kaniyang sleeping gorgeous."
"Wow, bida na pala tayo ngayon sa fairy tale."
"Yes, our own fairy tale." Hinaplos ko ang malambot na pisngi ni Jen. "And I will make sure that we will live, happily ever af—"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil...
Jennifer
"Ikaw! Anong ginagawa mo ritong demonyo ka!" asik ni Papa na bigla na lang sumulpot dito sa labas ng gate. Napalunok na lang ako sa kaba.
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomansaWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved