Jennifer
Ang balak ko ay gamitin ang ilang araw na bakasyon para sa paggawa ng lesson plans at Math excercises kaya no'ng magyaya sina Elisa na mag-beach ay tumanggi ako. Pero hindi rin natupad ang plano ko dahil sa matinding pangungulit ni Pris na isama ako sa lakad nila nina Harold.
"Bakit nandito tayo sa airport? 'Di ba sa Zambales lang tayo?" Nagtataka tanong ko kay Pris at kasama rin namin dito ngayon sina Glen, Busty, Paul, at Harold.
"Nagbago na ang plano Ate, sa halip na sa Zambales, we are going to Palawan."
"Gano'n ba, eh nasaan ang mga girls, akala ko kasama sila?"
"Hindi po kasi puwede si Berna ma'am dahil may sakit ang Mommy niya. Sina Marj at Charrie naman ay may sariling lakad daw kaya hindi nakasama." Sagot ni Glen.
"But don't worry ate dahil may iba pa tayong kasama." Ani Pris. Tatanungin ko pa sana siya kung sino pa ang sinasabi niyang kasama namin pero hindi ko na nagawa nang biglang akong makarinig ng pamilyar na boses.
"Hi!" Bati ni Elisa na ka-holding hands si Kyle. "Ang daya, akala ko ba hindi ka puwede dahil busy ka?"
"Ah, eh..." Napakamot na lang ako ng ulo dahil sa kahihiyan.
"Okay lang 'yan Jen, at least matutuloy pa rin tayo." Sabi ni Maureen, sabay beso sa akin. Nginitian naman ako ng asawa niyang si Exel.
"At mas marami tayo ngayon kaya mas masaya." Dugtong ni Eunice na nakakapit sa braso ng asawang si James.
"Sila ba ang mga estudyante mo?" Tanong ni Ashley na kasama rin ang asawang si Dustin Melendez.
"Ah, oo." Sagot ko at ipinakilala sa kanila ang mga estudyante ko.
"Aba, nandito si kuya guwapings!" Sabi bigla ni Busty at ang tinutukoy niya ay si Dustin Villaverde.
"You know my Kuya?" Sabi ni Pris at dito pa lang nalaman nina Harold na sina Dustin at Pris ay magkapatid. Halatang nagulat sila.
Dustin Villaverde
Alas sais ng gabi kami nakarating sa isla na ayon kay Kyle ay ito rin ang isla kung saan kami na-stranded dati ni Jen. Ang akala namin ay palpak na ang plano niya pero nagtagumpay rin kami dahil sa tulong ni Pris.
Pagkatapos namin mag-basketball ay dumaan kami ng tropa sa bahay para kumain at pag-usapan kung paano nila ako matutulungan upang magkabalikan kami ni Jen. Maya-maya ay dumating si Pris kaya nalaman na rin niya ang tunay kong nararamdaman para kay Jen.
"Totoo ba 'yan kuya, mahal mo na si Ate Jen? Naalala mo na ba siya?" Tanong ng kapatid ko.
"Hindi pa siya naaalala ng utak ko, pero ng puso ko oo."
"Oh my God Kuya, I'm so happy for you."
"Magiging mas masaya sana kung maisasakatuparan natin ang plano ko." Nanghihinayang na sinabi ni Kyle.
"Anong plano ba 'yan Kuya Kyle." Tanong ni Pris at sinabi naman ni Kyle sa kaniya ang plano nito.
"'Yan lang ba? So, ang kailangan lang ay maisama si Ate Jen sa Palawan right? Sa tingin ko ay puwede kayong matulungan."
"Thank you sis." Bulong ko kay Pris matapos namin kumain ng dinner. "You're welcome Kuya. Sige maiwan muna kita, sasabihan ko lang sina Harold tungkol sa plano natin."
Harold
"Ano? Iiwan natin dito ang Kuya mo at si Ma'am Jen?" Nabibigla kong tanong kay Pris na inipon kami ng tropa dito sa isang kuwarto. Ngayon ay alam ko na kung bakit nagpumilit siya na dito na lang kami sa Palawan pumunta.
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved