Chapter 27

44.6K 1.1K 109
                                        

Jennifer

"Mommy, why are smilling?" tanong ni Angel pagbangon ng higaan.  Nakita kasi niyang halos mapunit na ang mukha ko dahil sa malapad kong mga ngiti.

Sino ba naman ang hindi mapapangiti kung umagang-umaga ay text message agad ng taong mahal mo ang mababasa mo.

From Dustin
good morning beh ..  kita tayo sa school ng mga bata.  miss na kita.. i love u

Masasabi kong nakabalik na nga talaga ang totoong si Dustin dahil balik na rin siya sa dating gawi na pagte-text sa akin ng mga sweet messages.  Dahil dito ay kinilig ako ng husto at feeling ko'y kumpleto na agad ang araw ko.

"Wala ito anak," sagot ko kay Angel.  "Tara na at mag-ready na tayo."

Pagkatapos kumain ng breakfast ay gumayak na kami para pumasok sa school.

"Mommy, hindi pa po ba kayo tapos magsuklay?  Male-late na po tayo," reklamo ng cute kong anak habang nakapamewang pa.  Ready to go na siya samantalang ako ay kanina pa nakaharap sa salamin at nagsusuklay.

Hindi kasi ako makapag-decide kung maglulugay ba ako ng buhok or magpo-ponny tail.  Hays!  Lugay na nga lang. 

Tumingin ako suot na relo at saka ko pa lang na-realize na tanghali na pala kaya nagmadali na ako.  Paglabas ko ng kuwarto ay sinalubong ako ng kakaibang tingin ni Mama.

"Bakit po Ma?" tanong ko kay Mama.

"Nag-make up ka?"

"Opo Ma, kumusta po?  Masyado po bang makapal ang make-up ko?" tugon ko.  Madalas ay pulbo at lip gloss lang ang nilalagay ko sa mukha ko pero ngayon ay nagmake-up na talaga ako.  Magkikita kasi kami ni Dustin kaya nagpaganda ako nang husto at mula ngayon ay lagi na akong magpapaganda.

"Hindi naman siya makapal, tama lang," nangingting sagot ni Mama.  "Maganda ka na kahit walang make up pero, lumilitaw talaga ang ganda mo kapag naka-ayos ka.  Ganyan nga anak, magpaganda ka para maligawan ka na." 

"Po?"

"Ang sabi ko, tama lang ang magpaganda para maligawan ka na.  Nasa hustong edad ka na naman, bakit hindi ka pa mag-nobyo?  O baka naman, mahal mo pa rin 'yong isa?" makahulugang tanong ni Mama.  Ako naman ay napatulala na lang dahil hindi ko alam ang aking sasabihin.

"Mommy, let's go na po," utas ni Angel, kung kaya't nagpaalam na kami kay Mama.

Simula ngayong araw ay ako na ang maghahatid kina Angel at Dom sa school, habang ang Yaya naman ni Dom na si Ana ang susundo sa dalawang bata.

"Aba anak, blooming ka ah," bungad ni Papa pagsakay ko sa passenger's seat habang sina Dom at Angel naman ay nasa likurang bahagi ng kotse.

Nahihiya akong humawak sa aking pisngi.  "Si Papa talaga, lagi naman akong blooming ah."

Sinimulan na ni Papa ang pagmamaneho.  "Oo, pero kakaiba ngayon ang awra mo eh.  In love ka ba?"

"Paano niyo naman nasabi 'yan Pa?"

"Ang pula kasi ng nguso mo eh," sagot ni Papa sabay tawa.

"Sobrang kapal po ba ng lipstick ko?"

"Medyo, pero maganda naman at bagay sa iyo, hija."

"Thank you po."

"Mabalik tayo sa tanong ko, in love ka ba?"

"Kung sabihin ko pong in love ako, magagalit po ba kayo?"

"Bakit naman ako magagalit.  No'ng ngang high school ka pa lang ay pinayagan kitang magka-nobyo.  Ngayon pa kaya na trenta'y uno ka na.  Kung in love ka, eh 'di maganda.  Walang masama kung magmamahal ka uli, basta siguraduhin mo lang na ang taong mamahalin mo ay hindi tulad ng..." tugon ni Papa saka niya hininaan ang kaniyang boses.  "Tatay ni Angel."

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon