Chapter 49

31.8K 899 81
                                    

Dustin Villaverde

Mababaliw na ako sobrang pag-aalala dahil isang linggo na ang lumipas subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakauwi si Jen.  Hinahanap na siya ng mga awtoridad.  Nabalita na rin sa TV, radyo at social media ang nangyari pero bigo pa rin kaming malaman kung ano na ang kalagayan niya.

Gabi na at malapit na namang matapos ang araw.  Nasa living room ako ngayon, nakaupo sa sofa habang nag-aabang na mag-ring ang telepono.  Umaasa na makatanggap ng magandang balita bago man lang lumipas ang gabing ito.

"Hi, I'm home!" masayang wika ng kapatid kong si Pris na kauuwi lang ng bahay.  Kung hindi ako nagkakamali ay nagbakasyon silang dalawa ni Harold sa Thailand. 

"Hi," walang sigla kong bati pabalik.

"Kuya, okay ka lang, ba?  Masama ba ang pakiramdam mo?" nag-aalala niyang tanong saka naupo sa sofa na nasa gilid.  Mukhang hindi pa niya nabalitaan ang nangyari kay Jen kaya nagkuwento ako.

"What?  Nawawala si Ate Jen?" puno nang pagtataka ang mukha niya at tila may'ron siyang iniisip.  "Oh my God, ibig sabihin hindi pala ikaw 'yong sumundo sa kaniya sa park no'ng araw na 'yon?"

"Park? What do you mean?"

"Ganito kasi 'yon, Kuya.  Last week, bago 'yong flight namin ni Harold papuntang Bangkok ay nakita namin si ate Jen sa park.  Ang sabi niya ay nag-text ka raw sa kaniya dahil gusto mong magkita kayo ďoon sa park.  'Tapos may lalaking dumating, may dala pa siyang bulaklak at ang sabi niya ay pinapasundo mo raw si Ate Jen kaya sumama naman sa kaniya si Ate."

"What?" 

"Oo, Kuya, totoo ang sinasabi ko.  Kahit tanungin mo pa si Harold," giit ni Pris.

Samantala ay bumaba na sa sala sina Daddy at Tita Erlie na parehong bihis na bihis.

"Dustin, hijo bakit hindi ka pa nakabihis? Aren't you going to the party?" tanong ni Tita Erlie.

"Hello po, I'm back." ani Pris at humalik sa pisngi nina Tita at Daddy.  "Saang party po kayo pupunta, Ma?"

"Hindi mo ba alam, birthday ngayon ng sister-in-law mo at pupunta kami sa party niya."

"Ah, gano'n ba, birthday pala ni Ate Faith ngayon.  Talaga bang kailangan niyo pang pumunta doon.  Eh 'di ba maghihiwalay na sila ni Kuya?"

"Pris, ulitin mo nga 'yong kuwento mo?"  putol ko sa usapan ng mag-ina.  "Last week ay nagkita kayo ni Jen sa park?"

"Oo, Kuya.  And then, may lalaking dumating at ang sabi ay pinapasundo mo daw si Ate Jen.  Akala naman namin ay may pinaplano kang sorpresa para kay Ate kaya hindi na rin kami nagduda.  Kuya, pumunta si Ate Jen sa park dahil daw nag-text ka.  Ang tanong, did you really text her and ask her to meet you at the park?" 

"No.  Dahil no'ng araw na 'yon ay nasa meeting ako, ni hindi ko nahawakan ang cellphone ko nang buong maghapon, kundi no'ng gabi lang—  Oh, sh*t," pagmumura ko nang bigla akong may maalala.

"Bakit Kuya?"

"Naalala ko na, bago mag-start ang meeting ay nagpunta si Faith sa office ko.  Ipinahiram ko sa kaniya ang phone ko dahil gusto raw niyang makita ang mga picture ni Dwight," paliwanag ko.  Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Pris at mukhang pareho kami ngayong ng iniisip.

"Oh no, you don't say...  Si Ate Faith ang..." 

"I'm so stupid, bakit ngayon ko lang ito naisip.  Si Faith ang may kagagawan nang pagkawala ni Jen, sigurado ako," pahayag ko na labis ikinagulat ng tatlo sa harap ko.  "Walang hiya siya.  Kalilimutan kong ina siya ng anak ko sa oras na mapatunayan kong tama ako!"



Faith

Today, I'm here at a luxurious hotel to celebrate my 33rd birthday.  Matapos mawala ng tatlong taon, sa wakas ay nakabalik na rin ko sa mundong aking kinagisnan, sa mundong puno ng karangyaan at kayamanan.    Sinasalubong ko ng ngiti ang bawat dumarating na bisita at lahat sila masaya rin akong binabati sa aking kaarawan. 

Ngunit isang panauhin lang talaga ang nais kong makita sa espesyal na araw na ito, 'yon ay walang iba kundi ang pinakamamahal kong asawa na si Dustin na sa kasamaang palad ay mukhang walang balak pumunta.

"Sis, can we talk for a sec," bulong ni Freedom na biglang lumapit sa akin.  Marahan niyang hinila ang braso ko papunta sa sulok para ilayo ako sa mga bisita.

"What is it?"  I asked.

"Tell me the truth, may kinalaman ka ba sa pagkawala ni Jen?" seryosong tanong ng kapatid ko.  Isang makahulugang ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya na agad naman niyang naunawaan ang ibig sabihin.  "What the hell, Ate, are you freakin' serious?  Kidnapping is a serious crime.  Ang mabuti pa, pakawalan mo na siya bago pa siya mahanap ng asawa mo.  Kapag nalaman ni Dustin na ikaw ang may kagagawan, tiyak na hindi 'yon magdadalawang isip na ipakulong ka."

"Don't worry, basta hindi ka magsasalita ay hindi niya 'yon malalaman.  At hindi ko rin puwedeng pakawalan si Jen dahil patay na siya," pag-amin ko dahilan upang lumitaw ang takot sa mukha ni Freedom.

"What, you killed her?"

"Don't be afraid, my little brother," magiliw na sabi ko sabay hawak sa namumulta niyang pisngi.  "Pangako, 'yon na ang huling beses na papatay ako ng tao.  Pero kung sakaling may iba pang pakialamero na hahadlang sa amin ni Dustin, aba, ibang usapan na 'yon."  Napalingon ako sa gilid at laking tuwa ko nang makita ang pagdating ni Dustin, kasama nito ang mga biyenan kong sina Daddy Junnie at Mommy Erlie at pati na rin ang hipag kong si Pris.

Masaya ko silang sinalubong.  "I'm really glad you came."

Paglapit ni Dustin ay agad niyang hinigit ang mga braso ko saka siya nagsalita ng malakas.  "Nasaan si Jen?  Saan mo siya itinago?!"

Nabigla ako at hindi agad nakapagsalita.  It's been a week already, bakit ngayon lang niya ako tinatanong ng ganito?

"Kuya, anong ibig sabihin nito?  Let go of her." angil ni Freedom pero hindi siya pinakinggan ni Dustin.

"Huwag kang makialam!  Nawawala si Jen at alam kong may kinalaman ang babaeng ito!" galit na sigaw ni Dustin na mahigpit pa ring hawak ang dalawa kong braso. 

"I don't understand what you're saying.  Dustin naman, can we talk about that at some other time?  We're in a middle of a party.  Nakakahiya sa mga bisita," apila ko na hindi rin niya pinakinggan.  Nasa gitna kami ngayon ng party hall kaya nakikita at naririnig ng mga bisita ang bawat eksena.

"Hinde!  Ngayon natin ito pag-uusapan.  Magtapat ka sa'kin ngayon, Faith.  Saan mo dinala si Jen, magsalita ka!"

"Dustin, ano ba?!  Bakit ba ako ang sinisisi mo sa pagkawala ng babaeng 'yon?  Saan mo naman nakuha ang idea na may kinalaman ako sa pagkawala niya?"

"Alam kong ikaw ang nag-text sa kaniya at nagpapunta sa kaniya sa park.  Ginamit mo ang cell phone ko.  Huwag ka nang magmaang-maangan, Faith!  Uulitin ko ang tanong, nasaan si Jen?  Sumagot ka!"

"Wala akong isasagot sa'yo dahil wala akong alam!  Dustin, bitawan mo na 'ko, nasasaktan ako!"

"Hinde! Hindi kita bibitawan hangga't hindi mo sinasabi kung saan mo dinala si Jen!"  Niyugyog ni Dustin ang katawan ko nang malakas hanggang sa mapasandal na ako sa lamesa.

"Tama na, bitiwan mo siya!" angil ng isang waiter saka marahas na itinulak palayo si Dustin.  Lumapit siya sa akin at agad akong inalalayan.  "Ayos ka lang ba?"  Tanong pa niya.  Halos lumuwa ang dalawang mata ko ng makita ko ang kaniyang mukha.

"Hoy g*go, ka huwag kang makialam!" galit na sigaw ni Dustin sa waiter na tumulak sa kaniya.

"Oh my God, that's him!" pagsabat bigla ni Pris at nakaturo ang daliri niya sa waiter.  "Kuya siya 'yon!  Siya 'yong lalaki na sumundo kay Ate Jen sa park. Hindi ako puwedeng magkamali, siya 'yon!"

Mabilis na humakbang si Dustin para sugurin ang waiter pero hindi niya ito nagawang lapitan sapagkat bigla itong bumunot ng baril at nagpaputok sa ere.

Umugong ang malakas na sigawan ng mga bisita dahil sa narinig na putok.  Ilang saglit pa ay hostage na ako no'ng misteryosong waiter, na walang iba kundi si Isko.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon