Chapter 33

44.7K 1K 48
                                    

Eunice

Humiga agad ako sa kama matapos maglinis ng katawan.  Sa dami ng pagod ko sa buong maghapon, ay wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi ang matulog at magpahinga.  Kaya lang ay bigla naman akong niyakap ng asawa kong si James at tila ba ayaw niya akong patulugin. 

"Not now, Hon, pagod ako," sabi ko at inalis ang mga kamay niyang nakayakap sa akin at pagkatapos ay tumalikod na.  Sa mga kilos ni James ay tiyak na gusto niyang may mangyari sa amin.  Hindi ko naman siya magawang pagbigyan dahil wala na talaga akong lakas.

Niyakap niya uli at ako hinalikhalikan sa may batok.  Sa inis ay napagtaasan ko siya ng boses.  "Ano ba, sabing huwag ngayon eh, pagod ako!"

"Na naman, Eunice?!"  Galit siyang bumangon at nagtaas na rin ng boses.  "Kagabi rin, ayaw mo dahil pagod ka.  No'ng isang gabi, tumanggi ka rin dahil ang sabi mo ay pagod ka.  Paano ba naman kasing hindi ka mapapagod kung wala ka nang inatupag sa araw-araw kundi ang mag-aksaya ng panahon sa paglahok sa mga  l*cheng charity works na 'yan."

"L*cheng charity works?"  Naiinis naman akong bumangon.  Tumaas ang kilay ko at labis na nadismaya sa aking narinig.  "Kailan pa naging l*che at pag-aaksaya ng panahon ang pagkakawang-gawa ha?!"

"Alam kong isang mabuting bagay ang pagtulong ka sa mga kapus-palad.  Mabuti rin ang magkawang-gawa.  Pero itong ginagawa mong pagpapabaya sa asawa mo, mabuti ba ito ha?!  Sabihin mo nga, kailan pa ba no'ng huling may mangyari sa'tin?  Sa sobrang tagal ay hindi ko na matandaan.  Dahilan mo, lagi kang pagod.  Paano naman ako?  Paano ang pangangailangan ko?"  Halata sa boses ni James ang disapointment habang sinasabi ang mga 'yon. 

Sa totoo lang ay nadadalas nga ang pag-attend ko sa iba't-ibang activity ng non-government organization na aking kinabibilangan.  Kung ang ibang mga housewife ay abala sa pagpapaganda at pakikipag-sosyalan, ako naman, gaya ng sinabi ni James ay walang inatupag sa araw-araw kundi ang lumahok sa iba't ibang charity works.  Dahil dito ay hinihikayat na ako ng mga in-laws na tumakbo bilang Mayor ngunit tumanggi ako.  I don't like to enter politics, isang pananaw na pareho kami ng asawa ko.

"Kapag hindi ako nakapag-pigil, mambababae na lang ako," bigla na lang sinabi ni James.

"Ano 'yon?!"  Kung joke man 'yon ay hindi ako natatawa.  Maya maya pa ay tumayo na siya at lumakad papunta sa pinto.  "Saan ka pupunta?"

"Sa guest room.  Doon na lang ako matutulog para hindi kita maistorbo, pagod ka 'di ba?"  Matapos bitiwan ang mga sarkastikong salitang iyon ay tuluyan na siyang lumabas sa aming kuwarto.

Ayokong matulog na may tampuhan kaming mag-asawa pero nag-decide pa rin akong huwag na lang siyang sundan at kausapin.  Isa sa dahilan ay dahil sa nararamdaman kong matinding pagod.  Galing lang kasi ako kanina sa tatlong magkakasunod na charity event at talagang inubos niyon ang lakas ko.

---

"Ikaw ang may mali, sis.  Dapat, pinagbibigyan mo ang gusto ng asawa mo," sambit ni Elisa sabay inom ng iced tea.  Hindi ako mapalagay sa naging tampuhan namin ni James kagabi kaya inimbitahan ko sila nina Maureen dito sa cafe para hingan ng payo.  At heto na nga, ayon sa aking mga BFFs ay ako raw ang may kasalanan at sa tingin ko'y tama sila.

"I agree with her," segunda ni Maureen.  "Eunice, hanga kami sa dedikasyon mong tumulong sa mga nangangailangan pero sana naman ay hindi mo pinababayaan ang responsibilidad mo kay James bilang asawa niya."

"Sige at ipagpatuloy mo lang ang pag-deadma sa asawa mo, basta wala lang sisihan kapag naghanap 'yon ng iba," hirit ni Elisa.

"Hindi naman siguro 'yon gagawin ni James," pagkontra ni Maureen at bumaling uli sa akin.  "Ang mabuti pa, sis, umuwi ka ng maaga ngayon at suyuin mo ang asawa mo.  'Yon lang ang maipapayo ko sa'yo."

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon