Chapter 8

41.9K 1.1K 91
                                    

Jennifer

Sobrang nagulat ako no'ng malaman na ang Five Gorgeous Boys pala na ikinukuwento sa akin ni Angel ay binubuo nina,

Dominic Melendez na anak nina Dustin Melendez at Ashley.

Kirk Johann Jimenez na anak nina Kyle at Elisa.

Jordan Del Rosario na anak nina James at Eunice.

Exceed Germino na anak nina Exel at Maureen.

Dwight Villaverde na anak naman nina Dustin Villaverde at Faith.

Ang pagkakataon nga naman, sinong mag-aakala na magiging classmates ang mga anak namin?

And speaking of pagkakataon, bakit ba palagi na lang sumusulpot itong si Dustin sa harap ko sa hindi inaasahang pagkakataon? Pangatlong beses na ito.  Una ay sa party, pangalawa ay sa Supermarket.  Ngayon naman ay dito sa conference room ng school ni Angel at magkaharap pa talaga kami ng upuan.  Hay nako!

"Kaya ko po kayo ipinatawag ay dahil sa gulong kinasangkutan ng mga anak ninyo." Panimula ni Madam Principal Martinez.  "Mrs. Jimenez, Mrs. Germino, Mrs. Del Rosario at Mr. Villaverde, minsan pa ay nam-bully na naman ng estudyante ang mga anak ninyo.  Tinutukso nilang tabachoy ang classmate nilang si Robert.  At ang anak mo naman Mrs. Asuncion—"

"Excuse me, Ma'am." Sabi ko matapos bahagyang mag-taas ng kamay. 

"Yes Misis?"

"Miss pa po ako Ma'am."  Sabi ko, para lang maging malinaw ang lahat.

"Okay, sorry Miss Ascuncion."

"Ano po ba ang ginawa ng anak ko? Kasali po ba siya sa mga nanunukso? Naku, hindi ho 'yan magagawa ng anak ko.  Pinalaki ko po siya ng maayos at never ko siyang tinuruan na mambully."  Giit ko.

"No, hindi kasali si Angel sa mga nam-bully.  In-fact, ipinagtanggol niya si Robert."

"Robert taba!  Robert taba!  Robert taba!" 

Sa school garden ay paulit-ulit na sinasabi iyon nina Jordan, Kirk, Exceed at Dwight para asarin ang classmate nilang may pagka-chubby na si Robert.

Walang nagawa ang kawawang si Robert kundi ang umiyak na lang.  Maya-maya pa ay biglang napadaan si Angel sa garden kaya nasaksihan niya ang nangyayari.  

Sa pagkakataong iyon ay napuno na si Angel.  Umakyat ang lahat ng dugo niya sa ulo.  Nagdilim ang kaniyang paningin ko at nagsalubong ang kaniyang mga kilay.  Galit na galit na siya at hindi na niya ito mapapalampas pa.  Naisip niyang kailangang maturuan ng leksyon ang apat na batang iyon.  Dinampot niya ang sanga ng puno na nakita niya sa lupa at ginamit iyon upang hampasin sa ulo ang apat na batang sutil na iyon.

"Ouch!"  Daing ni Dwight na agad tiningnan ng masama si Angel.  "Bakit ka naghahampas?"

"Eh kayo, bakit kayo nanunukso ha?!  Hindi ba kayo tinuruan ng mga Mommy niyo ng mabuting asal?  Kung maka-tukso kayo sa iba, akala niyo naman, napaka-perfect niyo!  Ikaw Kirk, tingnan mo nga 'yang ngipin mo, sungki-sungki ka!  Ikaw naman Exceed magaling ka nga mag-dance pero ang pangit mo naman kumanta!  At ikaw Jordan, ang yabang-yabang mo, eh pandak ka naman.  Mas matangkad pa nga ako sa'yo eh!"

Hindi mapigilan ng mga estudyante sa paligid na matawa sa mga sinabing iyon ni Angel. 

"At ikaw naman Dwight Villaverde!" Napatingin si Angel kay Dwight sabay isip kung ano ba ang kapintasan nito na maari niyang sabihin.  Pantay ang mga ngipin, maganda boses at hindi ito pandak.  Nainis na siya dahil wala siyang maisip na maaring ipintas dito dahil halos perpekto na ang hitsura nito.  Para kay Angel, kung may pangit man kay Dwight, 'yon ay ang ugali nito.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon