Chapter 31

42.9K 1.1K 96
                                    

Jennifer

Three months pa lang ako sa America nang hindi sinasadyang magtagpo ang landas namin ni AJ sa pinapasukan kong resto bar.  Teacher ako sa umaga habang nagta-trabaho naman bilang isang waitress sa gabi.  Naisip kong magpaka-busy upang kahit paano ay makalimutan ko ang sakit ng pagtataksil ni Dustin. 

Buhat noon ay naging madalas na ang pagkikita namin ni AJ.  Lumalabas kami para kumain o kaya ay mamasyal kung saan.  Masaya kami sa company ng bawat isa, pero isang gabi ay muli siyang nagpahiwatig na manligaw.

"AJ, pasensya ka na.  Sa ngayon ay hindi pa ako handa na pumasok uli sa isang relasyon.  Sana maintindihan mo," tugon ko nang magtapat uli si AJ.  Day-off namin pareho kaya naisip naming manood ng sine at pagkatapos ay kumain sa isang restaurant. 

"Do you still love him?" tanong niya na sinagot ko naman sa pamamagitan ng pagtango.

Bumuntong hininga ako.  "I'm sorry."

"Okay lang, Jen.  I understand," malungkot na tugon ni AJ at iyon na ang huling beses na sumama akong lumabas sa kaniya.

---

One year later ay nakilala ko naman si Angela na kalilipat lang sa katabi  kong apartment.  Isa siyang IT specialist.  Madali kaming nagkapalagayan ng loob at naging malapit na magkaibigan.

Isang araw ay nalaman ko na lang na buntis si Angela, ngunit sa kasamaang palad ay ayaw siyang panagutan ng Ama no'ng bata.  Ayon sa kaniya ay may pakakasalan na raw ng iba 'yong lalaki kaya malabo nang magkatuluyan sila nito.  Dito na naisipan ni Angela na ipalaglag ang kaniyang ipinagbubuntis.

"Nasisiraan ka na ba?  Papatayin mo ang bata sa tiyan mo?  Hindi ka man lang ba kinilabutan?" protesta ko nang makita ko bahay ni Angela ang mga gamot na pampalaglag.

"Jen, hindi ko kayang palakihin na mag-isa ang batang ito.  Kaya mabuti pang mawala na lang ito," malungkot niyang tugon.

"Hindi mo pala kayang magpalaki ng anak, bakit ka nagpagalaw ka sa lalaking 'yon?  Bakit nagpabuntis ka?"  Napapikit ako habang umiiling.  Alam ko na ngayon kung bakit palagi akong binibilinan nina Mama at Papa na huwag basta-basta bibigay sa lalaki.

Hinigit ko ang mga braso ni Angela saka nakiusap.  "Huwag mong papatayin ang bata dahil kasalanan iyan sa Diyos.  Alam kong mahirap, pero nandito naman ako eh.  Nakahanda akong tulungan ka.  Please huwag mo siyang patayin.  Kawawa naman siya.  Wala siyang kasalanan." 

Mabuti at nakumbinsi ko si Angela na huwag nang ipaglaglag ang bata.  Itinuloy din niya ang kaniyang pagbubuntis. 

Hindi nagtagal ay isinilang ni Angela ang malusog na batang babae.  She named her Angel. 

Isang araw, mga isang buwang gulang na ang bata ay bigla na lang naglahong parang bula si Angela.  Iniwan niya sa tapat ng pinto ng apartment ko ang isang sulat, pati na rin ang susi ng kaniyang tinutuluyan.

Dear Jen,

Una sa lahat ay gusto kitang pasalamatan dahil pinigilan mo akong patayin noon ang bata sa tiyan ko.  Dahil sa'yo ay hindi ako naging isang mamamatay tao.  Salamat din dahil lagi kang nariyan para sa amin ni Angel.

Alam kong kamumuhian mo ako sa naging desisyon kong ito pero hindi ko pa talaga kayang maging isang Ina.  Maari bang ikaw na ang magbigay kay Angel sa Ama niya?  May pulang kahon sa ilalim ng kama ko at naroon ang lahat ng impormasyon tungkol sa Ama ni Angel.

Jen, maraming salamat ulit sa lahat at patawad.

Angela

Hinanap ko agad ang kahon na sinasabi ni Angela at labis akong nagulat ng malamang si AJ pala ang ama ng kaniyang anak.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon