Chapter 44

41K 1K 161
                                    

Jennifer

After two weeks na pamamalagi sa bahay ay muli akong nakalabas upang dumalo sa Graduation Ceremony ng aking mga estudyante.  Bilang teacher ay isa ito sa mga pinakamasayang araw lalo na no'ng nakikita ko sila na isa-isang kinukuha sa stage ang kanilang mga diploma.

Naalala ko pa no'ng una kong makaharap ang Section 10 na kung bansagan dati sa buong campus ay Deadly Section.  Proud na proud ako sa kanila lalo na sa grupo ni Harold dahil sa laki ng kanilang mga ipinagbago.  Ang dating mga bully at pasaway na estudyante, ngayon ay naging mababait na.

Pagsapit ng hapon ay nagtipon naman ang buong Section 10, at pati kami ni Aika sa mansyon nina Harold para mag-celebrate.

"Miss Asuncion, we can't thank you enough for what you've done to our son.  Ang laki ng ipinagbago niya simula no'ng ikaw ang maging teacher niya," malumanay na wika ng Mommy ni Harold na katabi kong nakaupo sa sofa ng kanilang living room.  Ang mga bata naman ay nagkakasayahan sa may pool garden.

"I agree," pag-sangayon naman ni Mr. Zuñiga na Daddy ni Harold.  "Sa dinami-rami ng naging teacher ng batang 'yan, ikaw lang, Ms. Asuncion ang nagtagumpay na mapatino siya.  You know what, I almost gave up on him.  Ang akala ko, wala nang pag-asa.  But I was wrong.  Look, he graduated."

"Oo nga po eh, kahit ako ay hindi makapaniwala sa ipinakita niyang pagbabago, as well as his friends," nakangiting tugon ko.

"At bilang pasasalamat, gusto kitang regaluhan.  Do you drive, I want to buy you a car.  Or kung ayaw mo ng kotse, what about a condo unit? Maliit na bagay lang 'yon kumpara sa nagawa mo sa aming anak." 

"Naku, Sir huwag na po," pagtanggi ko agad sa alok ni Mr. Zuñiga.  "Teacher niya 'ko at ginawa ko lang naman ang trabaho ko.  Masaya na po ako kung makikita ko silang lahat na magkaroon ng magandang future."

"Ang bait mo naman, Ma'am, pero kung magbago ang isip mo, you know how to reach us," ani Mrs. Zuñiga at napangiti naman ako.

"By the way, I've heard your relationship with Mr. Villaverde at nagulat talaga 'ko no'ng mabalitaang buhay pa ang asawa niya," pag-iiba ni Sir ng usapan.  Kung alam na niya 'yon, ibig sabihin lang ay kalat na sa society nila ang tungkol sa balitang iyon.  Napayuko na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot hanggang sa biglang dumating si Aika.

"Hello po, excuse me," sambit ni Aika saka ako binalingan.  "Jen, tawag ka na ng mga bata doon sa labas.  May sasabihin daw sila sa'yo." 
 

Harold

"Hello, hello, test mic, mic test," sabi ko sa tapat ng mic.  Bago mag-speech ay sinisigurado ko munang maayos itong mikropono.  "Can you hear me?"

"Yeah!" sigaw nila katunayang malinaw nila akong naririnig.  Maya-maya ay natanaw kong palabas na sina Ma'am Jen kasama sina Ma'am Aika at ang mga parents ko.  Ang mabuti pa siguro ay magsimula na 'ko.

"Una sa lahat, CONGRATULATIONS SA'TING LAHAT!  GRADUATE NA TAYO!"  Masiglang panimula ko dahilan upang maghiyawan ang aking mga ka-klase. 

"Now, for the acknowledgement.  First and foremost, thank you kay Lord."  Itinuro ko ang itaas.  "Na siyang laging gumagabay sa ating lahat.  Pangalawa, salamat sa pamilya ko.  Kina Mama, Papa at sa kapatid ko.  Kay Papa na panay ang sermon sa'kin kapag hindi maganda resulta ng mga exams ko at minsan, 'yong sermon niya ay may kasama pang batok."  Nakita kong natawa ang Daddy.  "Pero okay lang 'yon dahil alam kong ginagawa lang niya 'yon out of love.  Thank you sa Mama ko na lagi akong ipinagtatanggol sa tuwing pinagagalitan ako ni Papa.  At kay bunso na kakampi ko sa lahat ng oras."  Nangiti rin sina Mommy at Heidi.

"At siyempre salamat sa mga tropa ko..."  Halos mabingi ako sa lakas ng hiyawan nina Glen, Busty at Paul.  "Salamat sa masasayang samahan, mga 'tol.  Isa kayo sa mga dahilan kung bakit naging masaya ang pananatili ko sa high school.  You guys are the best."

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon