Chapter 58 (Final Chapter)

42.9K 1.1K 71
                                        

Jennifer

Tahimik na nagtinginan sina Ashley, Eunice, Elisa at Maureen. Napakurap naman ako habang naghihintay sa sasabihin nila. Niyaya ko ang apat dito sa cafe para mag-girl talk, o mas tamang sabihin na magsumbong. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko sa magaling kong asawa na si Dustin.

"Hello, naririnig niyo ba 'ko?" tanong ko sa aking mga kaibigan na matapos magtinginan ay bigla namang natulala.

"Oo, Jen narinig ka namin," maya-maya'y tugon ni Ashley.

"Gusto ni Dustin na mag-leave ka na sa trabaho," sabi ni Maureen.

"Because, you're one month pregnant." dugtong ni Eunice.

Natawa at napailing si Elisa. "Ang OA ng asawa mo, Jen."

"Yeah, exactly ang OA niya 'di ba? Kesyo, baka daw may mangyaring masama sa'kin habang nagtuturo..." Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagsalita ulit si Elisa.

"I mean, OA siya pero nasa lugar naman ang pagiging OA niya eh, so, pagbigyan mo na," aniya at alanganing ngumiti.

Kumunot ang noo ko. Ang akala ko pa naman ay kakampihan niya ako.

"Ayoko nga!" protesta ko naman.

"Jen, hindi ka pa ba sanay sa pagiging overprotective ng asawa mo? Ginagawa lang niya 'yon dahil nag-aalala siya sa'yo. Tandaan mo, you are already thirty six years old. Medyo may edad na para magbuntis, and considering na first baby mo 'yan, dapat talaga na mag-ingat ka. Mag-ingat, means, mag-leave ka na sa trabaho. Magturo na na lang uli pagkapanganak mo, okay," mahinahong paliwanag ni Eunice.

"Pero," aapila sana ako pero biglang sumabat si Maureen.

"She's right, sumunod ka na lang sa gusto ng asawa mo."

"Oo nga, Jen, sabi ni Dustin, sumunod ka na lang daw sa kaniya," ani Ashley dahilan para tingnan siya ng kakaiba no'ng tatlo. "I mean, sabi ko pala. Ako 'yong nagsabi ah, hindi si Dustin." Bigo akong bumuntong hininga. Kaya pala ayaw nilang kumampi sa akin, dahil umpisa pa lang ay kay Dustin na ang loyalty nila.

"Sorry, Jen, nagmakaawa sa'min ang asawa mo eh, na kapag daw kinausap mo kami ay payuhan ka na raw namin sumunod na lang sa gusto niya," prankang saad ni Eunice.

"Hala, bakit mo sinabi, Eunice? 'Di ba secret lang dapat 'yon?" walang muwang na sabi ni Ashley. Narinig ko naman ang pagtawa ni Maureen sa tabi niya.

"Actually, ng OA talaga ni Dustin. Pero, para ikatarahimik na pagsasama niyo, sumunod ka na lang, Jen," tila nanay na utos ni Elisa.

"Siguro pati si Mama, kinausap niya," Napailing na naman ako nang maalala ang naging pag-uusap namin ni Mama kahapon sa cell phone kung saan pinagbilinan niya ako na sumunod na lang sa asawa ko.

"Don't worry, Jen. Marami namang puwedeng pagkaabalahan habang nasa bahay eh. At saka, dadalaw-dalawin ka namin para hindi ka ma-bored," sabay ngisi ni Ashley. Sinubukan ko pang mangatwiran pero iisa lang ang naging sagot nila, sumunod na lang daw ako sa gusto ng asawa ko.

---

I confronted my husband pag-uwi nito ng bahay galing sa trabaho. Tumawa lang siya nang sabihin kong nabuko ko ang pakikipagsabwatan niya sa mga kaibigan ko dahil kay Ashley.

"Ang best friend kong 'yon talaga," aniya sabay iling. Nagsisimula na rin siyang magtanggal ng neck tie.

"Beh, hindi pa rin ako papayag na tumigil agad sa trabaho. Siguro, a month na lang bago ako manganak," diretso kong sabi habang busy siya sa pagpapalit ng pambahay dito sa aming kuwarto. Kumunot ang noo niya sa narinig.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon