Kyle
"Sigurado kang bang mahal mo siya? Paano, eh hindi pa bumabalik ang alaala mo." Sabi ko kay Dustin na ngayon ay kasama ko rito sa park. Maingay kasi sa bar kaya dito na lang kami nagpunta upang mag-usap.
"Ang alam ko lang ay masaya ako kapag nakikita ko siya. I want to see her and I long to be with her. When I heard na gusto mo siyang ireto sa iba, hindi na ako mapalagay. If this isn't love then what is it? Anong term ang dapat itawag sa nararamdaman kong ito para sa kaniya?" Sa seryosong hitsura pa lang ni Dustin ay halata ngang inlove siya.
Ako naman ay nagulat ngunit hindi na nagtaka no'ng malamang umiibig na pala si Dustin kay Jen. Siguro ay dahil sa ang utak lang naman ni Dustin ang may problema sa ngayon at hindi ang kaniyang puso.
Sa puntong ito ay hindi na ako nag-usisa pa at sinabi ko na kay Dustin ang lahat ng gusto niyang malaman.
Sinimulan ko ang kuwento no'ng first day of school kung saan binully ng Four Gorgeous Men ang nerd na si Jennifer Asuncion a.k.a Miss Genius.
"Pero nagulat ang lahat no'ng bigla mo siyang halikan sa loob canteen at sinabi mo pa sa kaniya na gusto mo siyang maging girlfriend. The next day, she said yes." Sabi ko at itinuloy ang kuwento sa ginawang pagwawala ni Jen sa gym pati na rin ang dahilan kung bakit nito iyon nagawa.
"She did a make over after that kaya biglang naglaho ang pagiging nerd niya. Kita naman hanggang ngayon 'di ba, kung gaano siya kaganda." Sambit ko at napatango naman si Dustin habang halatang kinikilig. Lalo naman siyang kinilig no'ng ihayag ko na ang pagkaka-stranded nilang dalawa ni Jen sa isang isla sa Palawan.
"Kung ano ang ginawa niyo doon sa isla, sorry pero hindi ko na 'yon makukuwento sa'yo dahil hindi ko rin alam kung anong nangyari sa inyo doon at hindi ka rin naman nagkuwento sa amin. Pero isa lang ang masasabi ko, buhat no'n ay napansin na naming lahat ang pagbabago ng pakikitungo mo kay Jen. And I think, doon ka na nagsimulang ma-inlove sa kaniya... ng seryoso." Pagkatapos no'n ay ipinaalala ko naman kay Dustin na kinantahan niya si Jen sa harap ng mga estudyante ng East Pearl. Pero gaya ng inaasahan ay hindi niya maalalang ginawa niya iyon.
Nagpatuloy pa ako sa pagkukuwento hanggang sa makarating kami sa naging issue ni Dustin kay Ledesma pati na rin ang tungkol sa hit and run incident na muntik nang ikamatay noon ni Jen.
"Salamat sa Diyos dahil nabuhay pa rin si Jen matapos ng aksidenteng iyon. She even made it to our JS Prom at kahit late na ay nakaabot naman siya. Doon ka niya sinagot ng 'oo' sa panliligaw mo sa kaniya. No'ng araw na 'yon kayo naging official. As in official na may love na talagang involve sa inyong relationship." Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagkukuwento dahil naalala ko rin 'yong love story namin ni Elisa.
"Speaking of relationship, four years din nga pala kayong LDR ni Jen dahil sa pag-aaral mo sa Harvard. Marami kayong pagsubok na dinaanan, kabilang na doon ang pagtutol ng Daddy mo sa relasyon niyo. Pero lahat ng pagsubok na iyon ay nalampasan ninyong dalawa. Hanggang sa dumating ang araw na nag-propose ka ng kasal kay Jen sa mismong JS Prom ng East Pearl Academy kung saan siya nagtuturo." Kuwento ko pa sa mga mga bagay na tila ba kahapon lang nangyari.
"And ofcourse, she also said 'yes' and accepted your proposal. Masaya kayong dalawa at lubos ang pagmamahal ninyo sa isa't isa. Okay na sana ang lahat hanggang sa may nangyaring hindi inaasahan..."
---
Araw ng Sabado ngayon at nandito ang tropa sa basketball gym ng village nina Dustin para magpapawis. Matapos makipaglaro ng basketball sa iba pang home owners ay nagpaiwan kaming lima rito sa gym para makapag-kuwentuhan.
"So alam mo na ang lahat ng nangyari?" Tanong ni James kay Dustin.
"Yeah, Kyle told me everything at sa totoo lang, nahihirapan pa rin akong i-proseso sa utak ko ang lahat. Pero hindi nagbabago ang nararamdaman ko para kay Jen. I am one million percent sure na mahal ko siya." Seryosong tugon ni Dustin habang kami namang apat nina James, Exel at Melendez ay nagkatinginan na lang.

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved