Jennifer
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis dahil naisahan na naman ako ng mga kaibigan ko. Iniwan ba naman nila kami ni Dustin dito sa isla! Ginawa na nila ito dati at ang ngayon ay inulit na namam nila, sa anong dahilan?
"Anong trip niyo ha?" Kunot ang noo kong tanong kay Dustin dito sa may living room.
"I don't know, nagulat nga rin ako eh."
"So, hindi ka kasali sa planong ito?"
"A-actually..." Naputol si Dustin nang biglang sumulpot si Pris.
"Guys, ready na ang breakfast, kain na tayo. Bilisan niyo at marami pa tayong gagawin." Excited na sinabi ni Pris na kasama rin naming naiwan dito sa isla. Bukod sa kaniya ay narito rin si Harold.
Pagkatapos kumain ay lumabas na kaming lahat sa may beach. Samantala ay lubos naman akong humanga sa makinis at balingkinitang katawan ni Pris no'ng tanggalin na niya ang suot cover up. Kung sasali siya sa Miss Universe ay tiyak na panalo na siya ng best in swimsuit.
"You're showing too much skin, sis." Sabi ni Dustin na kung magkapagsalita ay parang hindi nagpapakita ng skin, eh siya nga itong litaw na litaw ang abs dahil walang suot na t-shirt. "You should've wore rush gard, gaya ni Jen."
"Okay lang 'yan Kuya, tayo lang naman ang nandito." Sagot naman ni Pris sabay kapit sa braso ni Harold na wala ring suot na pang-itaas. "Bae, angkas mo ako sa jetski, tara!"
Gusto pang kumontra ni Harold pero hindi na nito nagawa dahil sapilitan na itong hinila ni Pris kaya naiwan tuloy kami ni Dustin dito sa may tabing dagat.
"Gusto mong sumakay ng jetski?" Tanong bigla ni Dustin.
"Ha, hindi huwag na, hindi ako marunong."
"Iaangkas kita." Sabi naman ni Dustin dahilan upang uminit ang pisngi ko.
"Naku, huwag na." Sabay iling ko, nakakahiya kasi.
"Guys! Let's go!" Sigaw ni Pris kaya napatingin kami ni Dustin sa kanila ni Harold na enjoy na enjoy sa pagje-jetski.
"Tara na Jen, sayang naman ang pagpunta natin dito kung hindi tayo mag-eenjoy." Sabi ni Dustin sabay lahad ng kamay niya sa akin. Pansamatala ko munang tiningnan ang nakalahad niyang kamay hanggang sa mag-decide akong abutin ito.
"Huwag mo 'kong ihuhulog ah." Biro ko sa kaniya.
"Kung kakapit ka sa akin ng mabuti, hindi ka mahuhulog." Sagot niya at hinila na ako papunta sa jetski. Tinulungan pa niya ako na magsuot ng life jacket. "Ready?"
"Yeah." Sagot ko at nagulat na lang ako hatakin niya ang dalawa kong kamay para ipulupot iyon sa kaniyang baywang.
"Hold on to me, okay?"
"O-okay." Pumiyok pa ang boses ko habang sinasabi 'yon, pambihira.
Matapos sumakay ng jetski ay nag-swimming na kami pero bigla naman akong pinulikat kaya napasigaw ako.
Agad na lumapit sa akin sina Dustin at Harold at sabay pa nila akong inalalayan palayo sa tubig.
"Okay ka lang, may masakit ba sa'yo?" Magkapanabay na tanong nina Harold at Dustin na nasa harapan ko ngayon at halatang nag-aalala sila.
"Okay lang, pinulikat lang ang paa ko." Sagot ko at maya-maya pa ay biglang napayuko si Dustin. "Dustin, okay ka lang?"
"Ah..." Daing ni Dustin na nakahawak ngayon sa ulo niya at halatang nahihirapan.
"Oh my God, Dustin!" Hindi ko na mapigilan ang mag-alala ng husto. Madalas kong nakikita ang pagsakit ng ulo ni Dustin pero mukhang matindi ang isang ito.

BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved