Chapter 11

45.4K 1.1K 35
                                    

Jennifer

"Ready na ang dinner, kain na po tayo!"  Sigaw ko habang inaayos ang lamesa.  Maya-maya pa ay lumapit na sina Mama, Papa at Angel sa hapag.

"You cooked our dinner Mommy?" Tanong ni Angel pagkaupo.

"Yes dear, I cooked your favorite."

"Wow, tinola!  The best ka talaga Mommy."

"Aba, siyempre naman."

Matapos ang maikling prayer ay kumain na kami.

"Ang saya niyo yatang mag-ina ngayon."  Puna ni Papa sa mataas na energy naming mag-ina.

"Masaya po talaga ako dahil bumait na ang mga estudyante ko."  Sagot ko.  Nag-sorry na kasi sa akin sina Harold at nangakong hindi na sila gagawa ng kalokohan at sa halip ay mag-aaral na lang ng mabuti para maka-graduate.

"Mabuti naman kung gano'n."  Sabi ni Papa.

"Ako rin po masaya dahil bati na kami nina Dwight, Kirk, Jordan at Exceed." Sambit naman ni Angel habang todo ngiti.

Maingay sa loob ng classroom kaya naisipan ni Angel na pumunta sa garden para doon na lang makapag-drawing ng tahimik.   Pagdating doon ay naabutan niya si Dwight na binubugbog nang tatlong kapwa nila mag-aaral na lalaki.

Hindi nagdalawang isip si Angel na saklolohan si Dwight.  Gamit ang dinampot na sanga ay hinampas niya sa ulo ang tatlong sutil na bata na nananakit kay Dwight hanggang sa tumakbo ang mga ito.

"Okay lang?"  Nag-aalalang tanong ni Angel kay Dwight.  "Tara sa clinic."

Hindi na sinabi ni Dwight sa nurse ang nangyari sa halip ay nagdahilan na lang itong nadapa kaya nagkasugat.

"Bakit hindi mo sinabi sa nurse ang totoo, bakit hindi ka nagsumbong?"  Tanong ni Angel kay Dwight habang sila ay nakatambay sa playground kasama sina Kirk, Exceed, Jordan at Dom.

"Oo nga, dapat sinumbong mo." Ani Exceed.

"Para ipatawag din ang mga mommy nila."  Dugtong ni Kyle.

"Huwag na, hindi naman masakit eh."  Sabi na lang ni Dwight.

"Sorry nga pala kung hindi ka namin natulungan, naglalaro kasi kami ng pogs eh."  Si Jordan.

"Pero mabuti na lang at dumating si Angel."  Sabi ni Dom.

"Oo nga eh, thank you Angel"  Sa unang pagkakataon ay ngumiti si Dwight kay Angel.

"Wala 'yon, friend ka naman ni Dom eh, kaya friend na rin kita.  Kung okay lang sa'yo."

"Siyempre okay lang."

"Siya nga pala Dwight, sorry sa nasabi ko last time about your Mom.  Na-mentioned ni Mommy na patay na pala ang Mommy mo.  Sorry ah hindi ko talaga alam.  Sana mapatawad mo 'ko."

"Okay lang, pinapatawad na kita."  Tumango si Dwight.

"Mahirap siguro ang walang Mommy.  Pero okay lang dahil may Daddy ka naman 'di ba?  Ako naman may Mommy pero walang Daddy.  But its okay.  Mabait ang Mommy ko at love na love niya 'ko."  Kuwento ni Angel at nag-decide siyang humingi rin ng tawad sa tatlo.  "By the way, sorry din pala sa inyo Kirk, Exceed and Jordan ah.  Alam kong may nasabi din ako na nakasakit sa damdamin ninyo kaya sorry."

"Apology accepted."  Korong sambit no'ng tatlo.

"So friends na rin tayo?"  Tanong ni Angel na sinagot naman ng oo no'ng tatlo kaya tuwang-tuwa siya.  "Yehey!  So that means, belong na ako sa group?  Kung kasali na ako, dapat palitan na ang name ng group natin."

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon