Chapter 35

43.6K 1K 121
                                        

Elisa

"Tsk, tsk, tsk." Pailing-iling si Kyle at halatang bad trip sa binabasang balita sa morning newspaper.  Tuwing umaga, pagkababa ng hapag kainan ay mas inuuna talaga niya ang pagbabasa ng diyaryo kaysa ang galawin ang kaniyang almusal.

"Anong problema?" tanong ko kay hubby sabay higop ng hot coffee.  

"Wala akong problema, ang may malaking problema ay ang mga nabiktima nitong investment scammer na 'to na kung tawagin ay Great Wood Investment Company," sagot niya dahilan upang bigla akong masamid.  Did hes say Great Wood Investment Company?  Sana naman ay nagkamali lang ako ng dinig.  "O Hon, okay ka lang?"

"Yeah, okay lang ako.  Hon, puwedeng pabasa niyang diyaryo."  Halos himatayin na ako sa nerbyos habang nagbabasa.  Great Wood Investment Company nga.

"Shame on those scammers," dismayadong sambit ng asawa ko na nagsisimula nang kumain.  "Ang sama nila para manlamang ng kapwa at angkinin ang perang hindi naman nila pinaghirapan."  Napatangu-tango na lang ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya.  "Pero, kung tutuusin, walang manloloko kung walang magpapaloko.  Hindi ko maintindihan kung bakit sa panahon ngayon ay ang dami pa ring kumakagat sa mga ganyang pakulo?  Hindi ba sila marunong mag-isip?  Sinayang lang nila ang pera nila.  Kung isa ako sa mga nabiktima, baka mapatay ko ang scammer na 'yan.  Biruin mo, pinaghirapan ko ang pera ko, 'tapos sasamsamin lang niya ng gano'n-gano'n lang?  Nakaka-high blood."

Napalunok na lang ako at hindi na nakapagsalita.  Huhu!  Ano kayang gagawin sa'kin ni Kyle kapag nalaman niyang isa ako sa mga nabiktima, na pati ang sarili niyang pera ay natangay na ng scammer na 'yon?

Later that day ay nakipagkita ako kina Eunice at Maureen sa isang cafe.  Dati rati ay sila ang humingi ng advice tungkol sa mga naging problema nila with their husbands na awa ng Diyos ay maayos na.  Ngayon ay ako naman itong may problema at nangangailangan ng payo nila.

"Oh my gosh, sis, you are so dead.  Tiyak na pagsisisihan ng asawa mo na pinahawak pa niya sa'yo ang pera niya and I'm sure na magfi-file na 'yon si Kyle ng annulment," banat ni Eunice sabay inom ng orange juice.  Direct to the point talaga ang kaibigan kong ito.  Masakit pakinggan ang mga sinabi niya pero aaminin kong hindi 'yon malayong mangyari.

"Grabe ka naman, Eunice, sa tingin ko, hindi naman 'yon magagawa ni Kyle," sambit ni Maureen saka nagtanong sa akin.  "Elisa, magkano ba ang na-swindle sa'yo?"

Napalunok ako bago sumagot.  "Mga nasa twenty five million."

"Ha?!"  Magkasabay na nagulat ang dalawa.

"Mga sis, I need your help.  Baka puwede niyo naman akong pautangin diyan.  Kailangan kong maibalik ang pera sa bank account ni Kyle bago pa niya malaman ang totoo.  Please, tulungan niyo 'ko," pagmamakaawa ko sa kanila.

"Kahit pahiramin ka namin ng pera ay hindi no'n mababago ang katotohanang na-scam ka.  Ang mabuti pa'y ipagtapat mo na lang kay Kyle ang totoong nangyari.  Magagalit siya pero siguro naman mapapatawad ka rin niya," suhestiyon ni Maureen. 

"Oo nga Elisa, gano'n na lang," dagdag pa ni Eunice.  Para naman kasing ang daling gawin eh.  Kung nakita lang nila ang reaction ni Kyle habang nagbabasa ng diyaryo kanina ay tiyak na hindi nila masasabing gano'n lang kadali ang lahat.

Ilang sandali pa ay napalingon ako sa labas ng cafe at nanlaki ang mga mata ko nang bigla kong makita si Miguel Ventura na siyang may-ari ng Great Wood Investment Company, sumakay ito sa pulang kotse. 

"Sis, saan ka punta?" tanong ni Eunice nang bigla akong tumayo.

"Nakita ko ang may-ari ng Great Wood Investment Company.  Susundan ko, kailagang mabawi ko sa kaniya ang pera ko. Sige, diyan na kayo."  Nagmadali akong lumabas at sumakay ng aking kotse para sundan ang walang hiyang scamer.


For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon