Chapter 53

32.6K 999 183
                                    

Dustin Villaverde

"Hi, big bro!" todo ngiting bati ni Harold pagdating.  Pagpasok sa kuwarto ay nakipag-beso siya kay Mommy at nakipagkamay naman sa kapatid kong si Drei. 

Nagkakuwentuhan kaming apat at pagkatapos ay nagpaalam na sina Drei dahil kailangan na nilang umuwi.  Three days na rin silang nandito sa Pangasinan at nag-stay lang sa hotel para madalaw-dalaw ako.

"Ano kaya kung mag-stay pa 'ko.  Mauna na lang si Drei umuwi," sabi ni Mommy.

"No, Ma, hindi na kailangan," agap ko.  "Ang sabi naman ng doktor ay malapit na akong makalabas.  Umuwi ka na Ma, I'm sure miss ka na ni Tito John."

"Sorry, Kuya, kailangan ko na rin kasing mag-report sa office," nahihiyang sabi naman ng kapatid ko.

"Okay lang 'yon.  Salamat sa pagdalaw mo," nakangiti kong tugon.

"Tita Lorry, Drei, Huwag na kayong mag-alalang dalawa kay Kuya Dustin," masiglang singit ni Harold sa usapan.  "Ako na pong bahala rito sa bayaw ko.  Sasamahan ko po siya, hanggang sa ma-discharge siya rito sa ospital."

"Talaga, hijo, salamat ha." Masuyong hinaplos ni Mommy si Harold sa pisngi.  "I'm so happy to know na magkasundong-magkasundo kayong magbayaw.  Kung tutuusin, si Derek dapat ang kasama ni Dustin ngayon, dahil sila talaga ang mag-kuya pero..."

"Dumalaw naman dito si Kuya, Ma, hindi lang niya magawang mag-stay ng matagal dahil sa trabaho and I understand," paliwanag ko.  "Ito namang si Harold, I'm sure, inutusan lang 'to ni Pris kaya nandito."

Ngumisi si Harold bago sumagot.  "Well, inutusan nga talaga niya 'ko pero, bukal naman ito sa loob ko kaya huwag kang mag-alala, bayaw."

Matapos ang ilan pang tawanan ay tuluyan nang umalis sina Mommy kaya naiwan kaming dalawa ni Harold dito sa kuwarto.

"Kumusta si Pris?" tanong ko kay Harold na nakaupo na ngayon sa upuan na nasa tabi ng kama ko.

"'Ayun, malaki pa rin ang tiyan.  Nangungulit ngang sumama pero hindi ko pinayagan dahil maselan nga ang pagbubuntis niya 'di ba?"

"Ang sabi mo ay mag-stay ka rito hanggang sa makalabas ako, hindi ba kita naaabala?"

"Hindi naman, pero kung ayaw mong magkautang na loob sa'kin.  Puwede ka namang mag-deposit ng bayad sa bank account ko," hirit niya sabay ngisi ng malapad.

"Umuwi ka na, kaya ko nang mag-isa rito," sagot ko habang sinisingkitan siya ng mata.

"Joke lang, Kuya.  Ikaw naman, hindi ka na mabiro."  Tumawa siya at tumigil lang nang may dumating na nurse.

"Good afternoon, Mr. Villaverde," masayang pagbati nang nurse na pumunta rito para sa naka-schedule na paglinis ng sugat ko.

"Good afternoon," bati ko naman pabalik.

"Sino po siya, Sir, kapatid niyo rin po?"

"No, asawa siya ng kapatid ko."

"Ah, akala ko po ay kapatid niyo rin.  Guwapo rin kasi siya tulad ni Sir Drei."

Ilang sandali pa ay natapos na no'ng nurse ang ginagawa niya at lumabas na ng kuwarto.

"Kuya, mukhang type ka no'ng nurse na 'yon, ang lagkit ng mga tingin sa'yo eh," malisyosong sambit ni Harold pag-alis no'ng nurse.

Napailing ako.  "Ikaw, kung ano-anong napapansin mo."

"Totoo naman eh, hindi mo na nahahalata?  Kung sa bagay, kahit ilang babae pa ang magpakita ng motibo sa'yo ay tiyak na hindi mo papansinin dahil loyal ka kay Ate Jen, tama?" unti-unting nawala ang mapang-asar na itsura ni Harold nang makita niya ang malungkot kong mukha.  Naiilang siyang napakamot ng batok.  "Sorry, Kuya.  Hindi ko sinasadyang banggitin si Ate Jen, nalungkot ka tuloy."

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon