Chapter 20

42.9K 1.1K 27
                                    

Dustin Villaverde

Malayo pa kami ay natanaw ko na si Angel kasama ang Mommy Jen nito.  Habang papalapit sa mag-ina ay naramdaman ko ang pagwawala sa saya ng puso ko, maya-maya pa'y napahinto ako.

"Bakit po Daddy?"  Nagtatakang tanong ni Dwight dahil bigla na lang akong huminto sa paglalakad.  Hinila ko siya at nagkubli kami sa may puno para hindi kami makita nila Jen.

"Sandali lang."  Inayos ko ang damit ko at nagsuklay ng buhok gamit ang aking mga daliri.  Inamoy ko rin ang sarili ko at baka ang baho ko na, pero mabuti na lang at amoy fresh pa naman ako.

"Tama na 'yan Dad, pogi ka na."  Hirit ng anak ko habang nakangisi.

"Talaga, pogi si Daddy?"

"Siyempre naman, mana kayo sa'kin eh."  Ani Dwight at nag-thumbs up pa.  Napangiti naman ako.

"Ano?!  Darating dito si Dwight at ang Daddy niya?"  Malakas na boses ni Jen ang narinig ko mula rito sa kinalalagyan namin ni Dwight. 

"Opo Mommy."  Sagot ni Angel.  "Dapat kasama rin po sina Kirk pero ayaw nila dahil sawa na raw sila at lagi naman daw silang ipinapasyal dito ng Mommy at Daddy nila.  Ako at si Dwight lang po ang hindi pa nakakapasyal dito sa amusement park kasi tulad niyo ay lagi ring busy sa work ang Daddy niya.  Kaya kami na lang ang nagkasundong pumunta dito.  10 am po ang usapan namin na magkikita dito sa may carousel kaya tiyak na darating na po 'yon sila."

Napailing si Jen at napahawak sa kaniyang ulo.  "Ikaw talagang bata ka, bakit hindi mo sinabi agad?  Eh 'di sana nakapag-ayos man lang ako."

Hindi ko mapigilang matuwa at mapangiti ng husto sa aking narinig.  Ang akala ko ay magagalit si Jen sa ginawa ng mga bata pero mukhang hindi naman.  Sa totoo lang ay wala naman siyang dapat ipangamba dahil kahit ano pa ang ayos niya ay maganda pa rin siya.  Maya-maya pa ay bigla nang sumigaw si Dwight at tumatakbo na palapit sa mag-ina.

"Angel!" 

"You're late!"  Bungad ni Angel pagkalapit sa kaniya ni Dwight.  "'Di ba 10 am ang usapan, anong oras na?"

"Sorry ah, kanina pa dapat kami, kaso ang Daddy ko, huminto pa doon sa may puno para ayusin ang damit niya, magsuklay ng buhok at amuyin ang kilikili niya."  Paliwanag ni Dwight na gusto ko sanang pigilan pero huli na ang lahat.  Napansin ko ang pasimpleng tawa ni Jen.

"Hi Angel, hi Jen."

"Hi din po Tito Dustin."  Bati pabalik ng cute na si Angel.

"Hi, kumustang pakiramdam mo, okay ka na?"  Tanong ni Jen.

"Yeah, sinabi sa akin ni Dwight ang nangyari.  Thank you sa pagpunta sa bahay para alagaan ako.  I really appeciate it.  Thank you."  Sagot ko habang todo ngiti. 

"Pasalamatan mo ang anak mo dahil kung hindi siya tumawag ay hindi ko naman malalaman ang sitwasyon mo eh.  Masuwerte ka sa kaniya dahil napakabait niyang bata."

"Mommy, mabait din ako 'di ba?"  Hirit naman ng anak niyang si Angel

"Aba, oo naman baby."  Tugon ni Jen at binalingan uli ako.  "Siya nga pala Dustin, okay lang ba sa'yo ito?"

"Ang alin?"

"I mean ang mamasyal dito sa amusement park nang magkakasama."  Alanganin siyang ngumiti.  "Sorry ah."

"Okay lang 'yon.  Sa totoo lang, masaya kong makita ka uli...  I mean, kayong dalawa ni Angel."  Para akong napaso sa sinabi ko pero idinaan ko na lang 'yon sa matamis na ngiti.  Maya-maya pa ay unimpisahan na namin ang pagsubok sa mga rides na kaya lang nga mga bata.  Unang-una na ay ang carousel.

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon