Prologue

219K 2.4K 411
                                    

A/N: This is the Book 3 of WHEN MISS GENIUS GONE MAD.

"Our love story began way back in high school. He was the Mr. Popular slash Campus Bad Boy, known as the most gorgeous guy in our school. And I was just just a simple girl that has nothing to offer but my straight A grades. Tahimik lang ang buhay ko dati, until one day... He came into my life..."

Masayang kuwento ng aking bride sa mga bisitang narito sa aming wedding reception. Halata sa mukha niya ang kasiyahan habang nagsasalita dahil matagal na niyang pinangarap na maikasal kaming dalawa. Subalit ang masaya niyang pagbabalik-tanaw ng aming nakaraan ay biglang nabulahaw ng isang malakas na sigaw.

"Dustin!" Hawak ang isang arnis ay galit na lumakad ang babaeng sumigaw palapit sa aming mag-asawa. "Anong ibig sabihin nito? Bakit ka nagpakasal sa babaeng 'yan?" Hindi ko siya sinagot, sa halip ay tiningnan ko lang ang mga mata niyang may namumuong mga luha. "Tinatanong kita, bakit siya? 'Di ba ako 'yong pakakasalan mo?"

Tinangka niyang lumapit sa akin pero hindi niya nagawa nang bigla siyang harangin ng dalawang guwardiya.

"Ano ba, bitiwan niyo 'ko!" Nagwala naman siya no'ng hawakan na siya ng mga guard. "Beh please, huwag mo namang gawin 'to. Wala akong kasalanan, hindi ako naging kabit ng kahit sino. Alam mong hindi ko magagawa 'yon. Mahal na mahal kita, pag-usapan natin ito please. Hindi ko kayang mawala ka. Mahal na mahal kita."

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha niya habang nagwawala at nagmamakaawang huwag ko siyang iwan. Nanatili naman akong walang imik habang nakatingin lang sa kaniya. Ilalabas na sana siya ng mga guwardiya pero hindi natuloy nang magsalita si Faith.

"Sandali!" Ani Faith at lumapit siya sa babae upang sampalin ito. "Para yan sa pag-sira mo sa stage play na pinaghirapan ko."

She must be talking about the stage play no'ng high school na na-boycott dahil nag-walk out ako. Pagkatapos ay isa pang sampal ang pinakawalan niya.

"Para naman 'yan sa pag-agaw mo sa aking Prom King." Tinutukoy naman siguro Faith ang nangyari noong JS Prom namin kung saan hindi ko man lang siya noon naisayaw. Sa pangatlong pakakataon ay muli niyang sinampal ang umiiyak na babae.

"And that, is for barging in on our engagement party." Hindi nakuntento si Faith sa tatlong sampal dahil ginawa pa niya itong apat. "'Yan naman ay para sa pag-eeskandalo mo dito wedding reception namin! Wala ka ba talagang alam gawin kundi ang ipahiya ako, ha Jen? Nagpunta ka pa talaga rito para manggulo! Hindi mo ba nakikitang kasal na kami ni Dustin? Ako ang pinili niyang pakasalan at wala ka nang magagawa pa doon!"

Sa senyas ni Faith ay muling hinawakan ng mga guwardiya ang babae na kanina pa iyak nang iyak habang nakatingin sa akin.

Habang paulit-ulit siyang sinasampal ni Faith ay panay lang ang tingin niya sa akin na para bang humihingi siya ng saklolo. Tila nakikiusap ang mga mata niya sa akin na pigilan ko ang asawa ko sa ginagawa nitong pananakit sa kaniya. Ngunit nabigo lang siya dahil wala akong ginawa. Tulad ng mga bisita ay nakatayo lang ako at nanonod sa eksena nila.

"Sige na, ilabas niyo na ang babaeng 'yan." Utos ni Faith sa mga guard na sinunod naman ng mga ito.

"Huwag niyo siyang hawakan!" Malakas na sigaw ni Philip saka siya lumapit sa babae at ipinatong sa mga balikat nito ang kaniyang coat. Inalalayan niya itong tumayo at hihilahin na sana palabas ngunit hindi ito sumama.

"Dustin, hindi ako aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa'kin na hindi mo na 'ko mahal." Sambit niya gamit ang basag na boses. "Tingnan mo ang mga mata ko at sabihin mong hindi mo na 'ko mahal."

"Hindi na kita mahal." Sabi ko habang walang emosyon na nakatingin sa mga mata niya. Napapikit siya at napayuko. Maya-maya pa ay tuluyan na siyang hinila ni Philip palayo rito.

Matapos ang nakakapagod na wedding reception ay agad akong nagpunta sa bahay nina Jen kung saan sinalubong ako ng itak ng Tatay niya.

"H*yop ka Dustin! Minahal ka ng sobra-sobra ng anak ko pero gin*go mo lang siyang h*yop ka! Papatayin kita!" Nanggagalaiting sigaw ni Tito Raul habang may hawak na itak. Kung hindi lang siya inaawat nina Tita Aida at Melendez ay baka nataga na niya ako.

"Dustin umalis ka na, wala dito ang anak ko." Sabi ni Tita.

"Sorry po sa inyo, may dahilan kung bakit ko nagawa ito." Paliwanag ko sa tatlo. "Ipapaliwanag ko rin sa inyo ang lahat, pero pupuntahan ko po muna si Jen." Sabi ko at agad sumakay ng kotse para pumunta sa condo ni Philip, baka naroon si Jen.

---

"At anong ginagawa mo rito?" Bungad ni Philip na boxer shorts lang ang suot.

"Ilabas mo si Jen."

"Wala siya rito, umuwi na."

"Alam kong nandiyan siya, ilabas mo siya!" Nagpumilit akong pumasok sa loob ng unit pero todo harang naman sa akin si Philip. "Jen, mag-usap tayo please! Magpapaliwanag ako!"

"Puwede ba Dustin, huwag kang magsisigaw dito! Kasal ka na 'di ba? At ang sinabi mo mismo sa pagmumukha ni Jen na hindi mo ma siya mahal! Kaya ano pang silbi ng mga ipapaliwanag mo!"

"Wala kang pakialam!" Sabi ko sabay suntok kay Philip na agad bumagsak. Dito na ako nagkaroon ng pagkakataong makapasok sa loob. Dumiretso ako sa isang kuwarto at agad na nanlumo sa aking nakita. Napapikit na lang ako dahil hindi ko kayang tingnan ang mga nakakalat na damit ni Jen sa paligid pati na rin ang mantsa ng dugo sa kama.

"Sorry Jen ah, pinigilan ko siya pero ayaw papigil eh." Sabi ni Philip na narito na rin sa kuwarto.

"Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Jen na kasalukuyang nakaupo sa kama at balot ng kumot ang katawan. "May nangyari sa inyo?"

"Oo, may nangyari sa'min." Sagot ni Philip na nagpainit ng husto ng ulo ko. "Kaya ang mabuti pa Dustin umalis ka na, istorbo ka lang eh."

Lalo akong nagliyab sa galit kaya nasuntok ko uli Philip. Ilang saglit pa ay biglang dumating si Faith.

"Dustin! Sabi ko na nga ba at nandito ka-" Gulat siyang napatingin kay Jen.

"Buti at dumating ka Faith. Iuwi mo na nga 'yang asawa mo." Sabi ni Philip.

"Dustin let's go." Ani Faith sabay kapit sa braso ko.

Sa huling pagkakataon ay tiningnan ko si Jen na patuloy pa rin sa pag-iyak. Hanggang mag-desisyon na akong umalis. Sumakay agad ako ng kotse at nagmaneho para hindi ko na marinig ang mga gustong sabihin ni Faith.

Hindi ko na halos makita ang kalsada dahil sa mga luhang humaharang sa mata ko. Bukod doon ay hindi rin mawala sa isip ko ang imahe ni Jen na nasa iisang kama kasama si Philip. Masamang-masama ang loob ko na idinaan ko na lang sa mabilis na pagda-drive na nagresulta naman sa isang malagim na aksidente.

Ako nga pala Dustin Villaverde, isang lalaking nakahandang gawin ang lahat...

For The One I Love

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon