Dustin Villaverde
"Mawawala ka ng isang buwan? Saan ka pupunta? Anong gagawin mo?" kunot noong tanong ni Jen na kasama ko ngayon dito sa coffee shop.
"Bibili ng wedding gift na ibibigay ko sa'yo on the first night of our honeymoon," sagot ko.
"Saan nga at bakit ang tagal naman?"
"Sorry, but Its a secret." Hinawakan ko ang kamay niya at hinalikan iyon. "I really can't wait to be your husband. Gusto na kitang pakasalan."
She smiled. "Me too."
---
Nabili ko na ang regalo ko para kay Jen at gaya ng plano ay ibibigay ko lang ito sa unang gabi ng aming kasal.
Pagbalik ko sa hotel ay binuksan ko ang TV upang manood ng balita. Nanindig ang mga balahibo ko sa katawan habang pinakikinggan ang sinasabi ng announcer.
Anong kalokohan ito? There's no way that everything that I'm hearing and seeing is true. Hindi maari!
Nanginginig akong napaupo sa sofa. Kinuha ko ang aking cell phone upang tawagan si Jen pero hindi ko siya makontak. Maya-maya pa ay nag-ring ang phone ko dahil sa tawag ni Faith.
[Dustin, have you heard the news about Jen? Napatay niya ang unica hija ng mga Falcon.]
Napapikit na lang ako habang iniisip kung paanong nangyari ang lahat ito. Ayon sa balitang napanood ko sa TV ay suspek si Jen sa pagpatay sa isang Rina Falcon Alcantara at nagulat ako ng husto nang malamang asawa iyon ng co-teacher niyang si Zac. Isa pang ikinagulat ko at bagay na hindi ko matanggap ay ang sinabi sa balitang may lihim na relasyon daw sina Zac at Jen.
[Siyempre, hindi ako naniniwalang si Jen ay kabit ng asawa ng babaeng 'yon. I mean, imposible 'yon. I know Jen at alam kong hindi niya 'yon magagawa sa'yo,] dagdag pa ni Faith saka nagbuntong-hininga.
[But then, someone died at tiyak na mabubulok si Jen sa bilangguan.]
"Shut up!" sigaw ko kaya biglang napatigil si Faith sa pagsasalita. "I won't let that happen, gagawin ko ang lahat para hindi siya makulong."
[Paano mo naman siya matutulungan kung guilty siya? What will you do? Babayaran mo ang mga awtoridad para huwag siyang sintensyahan at ikulong? Sa tingin mo ba ay papayag ang pamilya ng biktima? You know how powerful that family is. Hindi sila papayag na makalusot sa batas ang taong pumatay sa kaanak nila.]
Natulala na lang ako habang nilalamon ng kaba ang aking dibdib. Paano ko nga bang maisasalba si Jen kung totoong may sala ito.
[Wala kang magagawa para iligtas si Jen pero ako may'ron,] ang sunod na sinabi ni Faith mula sa kabilang linya.
"What do you mean?" I asked.
[Let's meet, para masabi ko sa'yo ang lahat. But don't tell anyone about this.]
"I'm not in Manila right now pero ngayon din ay lilipad na ako pabalik diyan," sabi ko at tinapos na ang tawag.
---
Alas onse na ng gabi nang magkita kami ni Faith sa isang park kung saan ako agad na dumiretso pagkagaling ng airport.
"Totoo ba ang sinabi mong may magagawa ka para iligtas si Jen sa pagkakakulong?" tanong ko kay Faith na naabutan kong nakatayo sa harap ng nakaparadang itim na van.
"Yeah, may pinagsabihan ka bang iba na nagkita tayo?"
"Wala," tugon ko. "Sabihin mo na, paano mo matutulungan si Jen?"
BINABASA MO ANG
For The One I Love
RomanceWhen Miss Genius Gone Mad Book 3 Copyright 2016 All Rights Reserved