Chapter 45

40.5K 1K 93
                                        

Jennifer

Balik ako sa pagkukulong sa bahay matapos dumalo sa Graduation ng mga bata.  Wala akong ganang lumabas at kahit si Dustin ay hindi ko pa uli nakikita buhat no'ng araw na maudlot ang aming kasal.  Gayunman ay nag-uusap pa rin naman kami sa pamamagitan ng cell phone kaya alam ko kung ano na ang nangyayari sa kaniya.  Umalis na siya sa bahay na pag-aari nilang dalawa ng asawang si Faith at lumipat muna pansamantala sa bahay ng Daddy niya.  Samantalang si Dwight na wala pang kaalam-alam na buhay pa ang ina ay ipinadala muna ni Dustin sa mga kamag-anak nila sa Australia.  Ginawa raw niya ito upang protektahan ang anak na sobrang musmos pa para makarinig ng mga panghuhusga mula sa ibang tao.

Bukod doon ay tumigil na rin muna si Dustin sa pagpasok sa opisina.  Ang tanging pinagkakaabalahan niya ngayon ay pag-aasikaso sa pagpapawalang bisa ng kasal niya kay Faith.

---

Isang gabi ay nagkayayaang lumabas ang buong barkada.  Ayoko sanang sumama pero dahil sa pangungulit ni Ashley ay napilitan din akong pumayag.  Tutal ang gusto lang naman nila ay mag-dinner kaming lahat sa isang restaurant. 

"Guys, kaya ko nga pala kayo niyaya rito ay dahil may good news ako na gustong ibalita sa inyo ng personal," wika ni Maureen habang nagsisimula pa lang kami sa pagkain.  Kung gano'n ay siya pala ang may idea ng biglaang get together na ito.

"Tingnan mo nga naman, kami rin ni Kyle ay may gustong sabihin sa inyo.  Pero sige, Mau, ikaw muna.  Ano ba 'yon?" sabi naman ni Elisa at lahat kami ay bumaling kay Maureen. 

Hindi naman agad nagsalita si Maureen dahil nagtinginan pa sila ng asawang si Exel.  Ilang saglit pa ay inanunsyo na niya ang magandang balita.

"Guys...  Finally, God has answered my prayers."  Itinapat ni Maureen ang kanang palad niya sa kaniyang tiyan.  "Exel and I are gonna have a baby."

Pinaghalong gulat at saya ang naramdaman namin sa aming narinig.  Sa pagkakaalam ko ay hirap si Maureen na magbuntis pero mabuti na lang at nakabuo rin sila.  Isa nga itong magandang balita.  Masaya ako para sa kanila.

"Congratulations sa inyong dalawa.  Exel, ingatan mo ang asawa mo ha," bilin ni Elisa kay Exel na kung umasta ay parang biyenan nito.

"You don't have to remind me," tugon naman ni Exel.  "Now, ikaw naman.  'Di ba may sasabihin din kayo?"

"Ah oo, i-congratulate niyo rin kami ni Kyle dahil, preggy din akech," pahayag ni Elisa na todo ang ngiti.  Minsan pa ay sumaya ang lahat.  Pero hindi pa dito natapos ang kasiyahan nang ibalita naman nina Eunice at Ashley na maging silang dalawa ay pawang mga nagdadalang tao rin.  Napuno kami ng tawanan dahil sa dumating na magandang balita. 

"Beh, okay ka lang?" tanong ni Dustin sa akin at mukha siyang nag-aalala.  Kani-kanina lang kasi ay nakikitawa pa ako sa kanila, pero unti-unti ring nawala ang masayang hitsura ng mukha ko. 

"Yeah, okay lang," tugon ko at tahimik na lang na nagpatuloy sa pagkain ng hapunan.  Ayoko man pero parang nakakaramdam ako ng inggit sa mga kaibigan ko.  Mabuti pa silang apat, masaya sa piling ng pinakamamahal nilang asawa na ama ng kanilang mga anak.  At ngayon ay pare-pareho pa silang buntis kaya mas lalo pang lalago at sasaya ang pamilya nila.

Pangarap ko rin ang magkaroon ng masayang pamilya.  Ang maikasal sa lalaking mahal ko.  Ang ipagbuntis at isilang ang anak namin.  Ngunit sa kasamaang palad ay hindi iyon maaring mangyari.  Hindi kami puwedeng magpakasal ni Dustin dahil kasal pa rin siya kay Faith hanggang ngayon.

"Look who's here."  Speaking of Faith, bigla na lang siyang sumulpot kasama ang mga kaibigang sina Stella at Tanya.  "Ano 'to, some kind of a reunion?  Kaya lang para yatang may isa kayong kasama diyan na hindi belong sa grupo." 

For The One I LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon