Confession 7

1K 65 35
                                    


Ako nga pala si.. hahahah mamaya nalang. Makikilala niyo din ako. 2013, gawain ko lang nun magbasketball, LoL at Dota. As usual laging may kaaway pagkatapos ng laro sa basketball. Laging initan pag nanalo yung team namin, kaya pag uwi ko ayun bugbog. Parang sa love, sa lahat ng kaligayahan, kasunod ang kalungkutan. (Hugot pa eh XD) Wla akong social medias. Kahit anong game wala sa cp ko yan. Di kse ako taong-bahay eh, lagi akong nasa labas. One time may nagugustuhan akong babae, taga saamin din. Pero ayun ako torpe hindi ko malapitan. Tapos may nang liligaw na pala sakanya, mula noon di na muna ako lumabas.


Sa playstore nag browse ako ng mga laro, then nakita ko yung mcpe, kaso may bayad. Ini-scroll down ko then nakita ko yung game na Wc(Worldcraft) then ayun dinownload ko. Nainis ako kase ang daming ads. Username nilagay ko "Rj" (panget no? XD basta may username yun na yun.) Nakita ko yung "Pilipinovacation na world" doon nakilala ko yung mga sikat na players dun sina ( secret ) at marami pa. Then may isang babae pangalan ay ( . . . ), boyfriend nya si Drake, tapos si AJD naman bestfriend ni Drake. Tapos di ko alam nararamdaman ko, yung parang gusto mo siya na hinde? Hahahahah gulo. Then nakita ko ugali ni KM. Matampuhin, masungit, pero masaya kasama. Ang tagal ko din naglaro ng Wc, nag spam pa nga ako eh "PENGENG STICK-O!!" then nawalan ako ng gana maglaro, mawala ako sa Wc, 1 year yun. Dinelete ko yun Wc at balik sa basletball at computer games nanaman ako


2014 Bumalik ako sa Wc, iba na name ko " FA" (Oh ayan kilala nyo na ko XD) Doon nakilala ko sina Vips pa din tsaka sina KM, nadagdagan lang. Katulad nina Troy at madami pang iba, Pero si Drake wala na. Kagaya ng dati puro pagpapatawa lang ang ginagawa ko, meron pa nga akong kaaway sa Wc eh. Basta marami. Then may nag confess saken na babae, may gusto raw sya saken. Ang hindi inaasahan ay nangyari, si KM yun kaya lang ayaw ko sakanya.. kse nga masyadong matampuhin, kawawa nga si Drake eh. Kaya ayun nagpaka manhid ako para layuan nya ko, ayun laging nagpaparinig sabi nya "Buti pa yung puno hindi nangiiwan." Ayun umalis ulit ako sa Wc. di ko namalayan na yung nagugustuhan kong babae dati ay magkakagusto saken (Yung babaeng tinutukoy ko ay yung Ex ko sa totoong buhay) then ayun nalaman ko na break na sila nung bf nya kaya niligawan ko


2015 naging kami at di nagtagal, nag break din 4 months naging kami. Bumalik na rin ako sa Wc "FA" pa din syempre. Nakilala ko dun sina "A". Ayun lagi ko kse hinahanap si (Ra) kaya inaasar nila ako. "FG" daw -_- hahahah pero deep inside gusto ko naman talaga sya. doon nagsimula ang mga puyatersthen si Kyky, niyaya ako mag wp sabi ko ayoko. si Cy naman ang nagyaya, tinanong nya ako kung gusto ko makausap si  (Ra), sabi ko oo kaya ayun gumawa agad ako.


Unang finollow si ( C ) then yung mga kakilala ko at si ( Ra ), then ayun chinat ko siya (October 29, 2015 yung unang chat namin), then di sya masyado nag o-on kaya nag follow ako ng iba, doon may nakilala akong babae (yes nanaman. Puro nalang babae. XD) Ayun sabi nya ty daw sa follow sabi ko naman Np. Ayun nagsimula kami mag chat di nag tagal umamin ako sakanya na may GUSTO ako sakanya then nung una sabi nya "Ikaw? May gusto saken?" Di yan yung exact words pero parang ganyan. Ayun early November may nagawa akong kasalanan. Ayun di ako nag on for 2 weeks. Sa two weeks na yun si (Ra) lang nakausap ko. Bumalik ako November 20 ayun gumawa ako ng story "Why So Serious?" Doon puro patama, nag sorry na din ako sa lahat ng nasaktan at apektado dun sa ginawa ko. Ayun patama kami sa mga quotes namin XD ewan ko ba, baka di naman para sakin yung quotes nya, sadyang natatamaan lng ako. Mula noon . . . ) ko na sya.


Then eto nanaman tayo.. babae ulit, sabi ko liligawan ko sya sabi nya "paano?" Sabi ko, "Mag s-speech ako" then time na nung dapat liligawan ko siya may nagsabi saken na wag daw muna, kse 1 or 2 weeks ko palang daw siya nakikilala tapos liligawan ko agad?


Kaya sabi ko sakanya na hindi ko muna siya liligawan kase gusto ko pa siyang makilala.December 


2015, ayun as usual patama pa rin sa mga hugot lines. (Oo yung iba dun sayo ko pinapatama XD sorry na . . .)


January 2016 di ko akalain na sakanya pa rin ang bagsak ko. Ayun minsan napapadaan ako sa wall niya di ko maiwasang magselos hahahah kahit na past yung post na yun. Ayun may nakahalata, tinanong kung sino crush ko. Sabi nya, ligawan ko na, baka maunahan pa ko (Kilala mo kung sino ka hahaha) January 18 nagtapat ako sakanya.18 sinagot nya ko, oo daw kami na. Ayun natuwa ako, LDR. Palitan kami ng sweet msgs, ayun di maiwasang maging breezy. 1 month na kami from now :DD Ayan happy ending.Sorry pala sa mga nasaktan.


- FA I boy

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon