Confession 124

199 20 7
                                    



Madaming nagsasabing cute ako. Sige sama ko na sarili ko :> hahaha. Mula noon may mga kumakausap sakin sa fb. Di sila stranger although kilala ko naman sila kase iisang school lang kami. Di ko na iisa isahin yung mga yun. Nakakainis lang isipin na parang pinagti tripan lang nila ako. Yung kakausapin ako lagi, araw-araw, ka-text, tinatanong kung kumain na ba ko o hindi, anong ginagawa ko, at kung ano-ano pa. Tapos after ng ilang linggo bigla nalang mawawala. Yung isang araw bigla nalang walang PM. Walang text. Nagtataka ako kase kahit magkakaiba sila.. iisa lang yung ginawa nila sakin. Ang mas masakit pa don, madali akong ma-fall. Kaya ngayon, ang sungit ko na sa mga lalaki. Di na ko kumakausap ng kahit sinong di ko naman talaga ka close. Sakit sa feels ng biglang iniwan sa ere. Tapos yung isa pa sa kanila, tine text ulit ako these days. Ako naman si tanga, nagreply. Ayon, ilang linggo ulit na ganon hanggang di ulit sya nagparamdam. Ano ba ako sa tingin nila? Pampalipas oras? Kakausapin lang pag bored ganun? Walang mapagtripan? Hayy. Kaya minsan I hate boys na. Shoutout lang sa mga kupal na yon. Mga hayup kayo! Mga paking tape kayo! Don't me! EVER!

-cutiegrrr | female


Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon