Dalawa yung gusto ko. Hindi ko malaman kung sino pipiliin ko. Si volleyball player na chinito ba o si basketball player na may pagka-arabo ang mata? Hindi ko maintindhan yung puso ko. Napakaraming gusto. May makita lang na gwapo. Hala sige kabog lang nang kabog! So ganito yun. Mas nauna kong nagustuhan si volleyball player dahil sa mga mata niya, maputi siya, at dahil sa magaling siya sa volleyball. Matagal ko na siyang kilala. Friends kami pero hindi ganun ka close. Hanggang sa isang araw parang may something na kong nararamdam na ewan at ganun din yata siya dahil sa nakikita kong kilos niya. Kay basketball player naman, this year ko palang siya nakita dahil hindi naman siya ganun ka kilala. Nagustuhan ko siya dahil ang angas niyang tingnan nung naglalaro siya. Yung mata kulay brown, yung buhok niya brown, pati kulay niya brown. Moreno siya which is bagay naman sakanya. Alam niyo ba na magbestfriend sila? Galing nu? Nung mga nakaraang araw ko lang nga na magbestfriend pala sila eh. Parehas nilang hindi alam na may gusto ako sakanila. Syempre ayaw kong ipagkalat. Ayaw ko ng mga issues. 3 araw ang nakalipas Simula marinig ko to: Basketball player: uy. si 'a' oh. yung crush mo (ako yung tinutukoy niya 'a' nalang para masaya. sinabi niya yun sa bespwen niya)Dineadma ko lang yung narinig na yun pero nagtakas tingin ako sabay irap. ang galing lang kasi pinapamigay ako ni basketball player. tsss. assuming ko talaga. Alam nyo ba naguguluhan talaga ko. Gusto ko yung dalawa. Pero I think mas gusto ko si volleyball player kasi siya nageeffort kahit parang ang lumalabas eh nagtataguan lang kami nang feelings at naghihintayan sa isat-isa. Nakakainis lang kasi halata naman siya sakanya na may gusto sakin hindi pa sabihin(assuming ko tss. pero dinga seryoso ako.) Ang torpe niya. ano bang gusto niya? Ako magconfess sakanya? Nakakahiya kaya yun. Ako babae ako manliligaw. Kingininers. Pero alam niyo ba? Kay basketball player naman. alam ko walang pag-asa dun. Hanggang tingin lang.
- JGAD | female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )