Nang mag 3rd year high school ako, nagtransfer ako sa ibang public school ( hnd ko na banggitin kung saan ) at dahil transferee ako,isiningit nalang ako sa kahit saan classroom na available. Section 20... grabe diba? Pero wag niyo sanang isipin na sobrang bobo ko. Hahaha. Si Joy ang una kong naging kaibigan at naging close kami agad. Nung mga panahon yun,uso pa ang slambook at nabasa ko kung sino ang crush niya, isa sa mga classmate namin na si Renz na pinakatahimik sa classroom namin. Then one day, nag arranged ng sit si mam adviser...boys and girls. Hindi ko expected na si Renz ang magiging ka seatmate ko at nagsignal agad ako kay Joy na binibiro ko lang naman na kunwari yayakapin ko si Renz kasi pinagseselos ko siya. Yun ay birong kaibigan lang naman at hindi ako interesado kay Renz. Akala ko tahimik na tao lang si Renz, yun pala sobrang sungit niya. Nasagi ko lang yun pencil case niya at nalaglag sa sahig. Bago pa ako makahingi ng sorry sa kanya, sinigawan ba naman ako! Anu bayan ang tanga mo naman! Hanggang ngayon ume echo parin sa isipan ko yun sinabe niya. Eh ako maikli lang din pasensya ko lalo na bisaya ako. so sinigawan ko din siya! Sorry ha! Di ko sadya! kung masabi ka ng tanga kala mo ang tino mo! Sabay dinampot ko yun pencil case niya na gustong kong ihampas sa mukha niya. Napatingin ang lahat at napahiya talaga ako lalo nat marami sa mga classmate kong babae, ang ayaw sa akin. Hindi ko alam kung bakit pinag iinitan nila ako kaya si Joy lang naging kaibigan. After namin magsigawan ni Renz, hnd na kami nagkibuan kahit na magka seatmate kami. Baka isipin niyo malandi ako pero lahat ng classmate kong lalaki ay close ko at mabait sila sa akin maliban lang kay Mr. Molabi ( renz ) yun ang tawag ko sa kanya kasi ang kapal ng labi niya, parang Angelina Jolie. Isang araw, sumakit yun puson ko kasi meron ako. Pinagpapawisan ako ng malamig at namimilipit ako sa sakit. Nahilo ako at bumagsak ako sa ibaba. Hindi naman ako nawalan ng malay, nahilo lang talaga dahil sobrang sakit ng puson ko. Ito ang nakakagulat... Nakakashock dahil bigla akong binuhat ni Renz na mala prensesa at dinala niya ako sa clinic. Hindi na ako nakapag react at hinayaan ko nalang siya. Umalis din siya kaagad at hindi ako nakapag thank you. Ilan araw din akong absent after nun at nung bumalik ako sa school, namiss ako ng mga boys pero yun mga girls, nakataas na naman ang mga kilay. Wala akong pake sa kanila. At ito ang mas nakakagulat... Si Mr. Molabi mabait na sa akin. Ang werdo niya, parang sira, panay ang ngiti sa akin. Nagtataka man ako pero nginingitian ko nalang din siya. Nang hapon yun, bigla niyang kinuha ang bag ko. Sabay sabeng hatid na kita. o-O. Anu yun? Sabe ko naman, bakit? Magugulat kayo sa sagot niya... dahil gusto kita. Ang totoo, hindi ako nakapagsalita at hindi ko alam ang isasagot ko. Napatingin ako kay Joy na hinihintay ako sa pinto at alam ko ang dapat kong sabihin kay Renz. Renz, sorry pero hindi kita gusto. Maging magkaibigan nalang tayo. Pwede? Sinagot niya ako, Ayoko. Tapos ibinigay niya sa akin ang bag ko at umalis. Ang totoo, sa takot ko na masira ang friendship namin ni Joy, hindi ko sinabe sa kanya. Hanggang ngayon, sekreto parin yun. Isang araw bigla akong nilipat ng ibang classroom at nasa section 8 na ako. Oh diba, kala niyo ha! Bagong classmate na naman at bagong sakit sa ulo. Mahirap kaya makipagkaibigan noh! Mula nung nalipat ako ng ibang section, minsan nalang kami magkita ni Joy at ito ang goodnews, boyfriend na niya si Renz. Hindi ko alam kung papaanu dahil hindi na ako nagtanong pa. To be continued po.~ Brielle / female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )