Confession 129

160 17 1
                                    


Kasi may crush ako simula grade eight palang hanggang ngayon grade 10. Ngayon ko lang din sya naging kaklse grade ten, nung una naisip ko na hindi naman nya ako mapapansin. Nung mga kalahati na ng school year may nagsabi na crush nya daw ako una hindi ako naniwala kasi pogi, famous at matalino sya. Pero ganito talaga pag assuming ka tinatanong ko din sa sarili ko kung totoo. Pero nalaman ko na totoo nga talaga, sabi nila simula first grading palang daw crush na din nya ako. Walang nakakaalam nun na crush ko sya. Nalaman kong may girlfriend pala sya, syempre masakit umasa din ako kahit konti. Eh ano naman yung crush kumpara sa girlfriend minsan nakikita ko silang mag kasama, nakakasalubong. Kaya kunwari nalang wala akong nakikita. Ayun na nga move on nalang wala namang mangyayari kaya naman bitter ako HAHAHAHA. Kaway kaway sa mga bitter, thank you dito kasi nalabas ko yung feels ko.
- Bluesydy | female

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon