Last year, na meet ko si Cloche. Isang buwan ko rin niligawan si Cloche at Sabe ko sa sarili ko, iingatan ko siya, hindi ko siya sasaktan at mamahalin ko siya ng buong buo... sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, hindi ko magawang magalit sa kanya at hindi ko mapigilan na matawa nalang kahit inaaway niya ako na walang dahilan. Lahat ng ibinibigay ko kay cloche ay galing sa sarili kong sikap at hindi ako umasa kahit kelan sa parents ko. Working student ako at kahit ayaw ng parents ko na magtrabaho ako, nagtrabaho parin ako dahil para yun sa mga date at mga bagay na gusto kong ibigay kay cloche na galing sa akin. Gusto ko palagi siyang masaya, gusto ko maibigay ko lahat ng gusto niya at wala na akong ibang inisip kundi si Cloche lang. This Feb 12, nag 1 year kami at pinagdasal ko pa na sana forever na kami magkasama. March 6, niyaya ko siya magmall, at may sinabe siya sa akin na sobrang sakit na parang pinatay yun puso ko. Parang nagblanko yun isip ko sa sinabe niya at natakot ako na baka makipag break siya sa akin kaya nag walk out ako. Iniwan ko siya sa mall at sumakay ako sa Jeep kahit may kotse akong dala para lang makalayo ako kaagad kay cloche. Nasa jeep ako, umiiyak na ako at hindi na ako nahiya kahit pinagtitinginan ako ng ibang tao. Nang mahimasmasan ako, umuwi ako sa amin, tulala at nagulat ako dahil nandun si Cloche. Kaagad pumasok sa isip ko... Shit! Gusto na nga niya makipagbreak. Marami siyang sinabe pero wala akong narinig at tapos sabe ko sa kanya... Just shut up Cloche, Lets break up and get out of our house, ayoko ng marinig ang mga sasabihin mo...she answered me, Okay and she left me. Last week, one of my friends told me, na may nabasa siya sa wattpad at wala akong idea sa wattpad na sinasabe niya, kaya pinakita niya sa akin at dun ko nakita, na napakalaking kong gago! Gago talaga ako! Kala ko may iba talaga siya at akala ko gusto niyang makipagbreak sa akin. Nagsisisi ako na hindi ko siya pinakinggan muna at pina iral ko yun negative feelings ko.I really love her so much and i will do anything, just to get her back again ...so, I went to her house but im too late, Cloche went on a vacation with her family... I tried to contact her again, but she blocked my number and my fb... I tried to asked her friends but they wont tell me...because they are mad at me for what i did to cloche. I tried everything para malaman kung san lupalop ng mundo nagpunta si Cloche at sa wakas may mga taong tumulong sa akin.... Thank you Nakireii and Thank you rin kay Wendy kahit galit siya sa akin... Nasa Cebu ako ngayon para puntahan si Cloche sa Bohol. Yay! Goodluck niyo ako!
- Rad | male
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )