Ito yung mga salitang gusto kong ilabas pero ayaw lumabas sa aking bibig kung kaharap ko na sila. Paano ba naman kasi, isa akong mabait at mahinhin para sa kanila pero hindi nila alam masama ako kapag ginagalit. May problema na nga ako sa pamilya, dinagdagan pa nila. Bad attitude. Yan yung mga ugali NILA. Judgemental, Perfectionist, at mga Traydor. Una sa lahat ng mga pangyayari ay yung kapag tinatanong nila ako... sinasagot ko kaagad. Pero kung ako ang magtanong sa kanila... hindi nila sinasagot puro lang 'Ewan' kung ako kaya ang sumagot ng ganun sa kanilang mga tanong? Oh diba magagalit sila? Pero may sulosyon naman, ang magtanong sa iba. Bakit ako pa ang tinatanong mo kung may iba ka pa namang kaibigan d'yan? Second, yung akala mong TRUE FRIEND pero traydor pala isa siyang True FAKE friend. Nand'yan lang kapag kailangan ako -_- . Iniiwan rin naman ako. Kaya nga walang forever diba kasi lahat ng bagay, may katapusan (sorry namab kung bitter ako). Pangatlo, ay yung kunting pagkakamali lang ng sagot dahil nagmamadali ka tapos sasabihin kaagad nilang cheater? Walanjo! Sarili nga nila hindi maamin na mga cheater sila tapos ikakalat pa sa iba kahit hindi naman tama. Ay naku! Ang gulo gulo na ng buhay ko simula nung naghiwalay si Mama at Papa. Lagi akong umiiyak sa gabi dahil miss na miss ko na si Papa at ayaw ko ng broken family. Pero wala naman akong magagawa kundi ang tumunganga lang dito sa gilid at panuorin silang mag-away. P.s. Takot kasi ako kung may mga nag-aaway. Tapos isali mo na rin yung kapatid mong lagi kang kinkontra sa mga bagay. Siya na nga yung mahal ni Mama tapos lahat pa ng bagay na gusto ko kukunin niya? Aish! Sabi ko nga sa kanila. Okay lang kung wala sila d'yan sa tabi ko basta't may WiFi ako, okay na. Because wattpad is my world, nandito si Wattpad kapag nabobored ako. Pasalamat talaga sa gumawa ng app ng wattpad. Yun lang po, gusto ko kasing ilabas ito hindi yung nakatago lang dito sa puso ko.Pero syempre kahit ganun, mahal ko pa rin sila... ang aking pamilya at kaibigan. Dahil sa kanila kaya ako nagkakaroon ng kaibigan. May kaibigan rin naman akong totoo eh. Nagkahiwalay lang kami dahil magkaiba kami ng section, siya yung bestfriend ko na nga para ko pang kapatid. Kapag kasi nabubully ako, siya kaagad yung nand'yan para iligtas ako. Thanks to her. And yes, sabi nila addict daw ako sa wattpad. Mahilig lang kaya akong magbasa ng mga story! Tyaka gumawa na rin, hehe. Wala na kasi akong ibang ginagawa kundi ang mag wattpad dito sa cellphone ko.
- unknown| female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )