Our family was never that perfect although we are blessed. Si papa? Napaka-caring niya. Si mama? Napaka-responsable niya. Si kuya? Although magka-away kami niyan, napapakita niya ang pagiging caring niya. We live a normal life. Nakukuha naming magkapatid ang gusto namin. At ako namang bunso, napaka-spoiled ko. But I feel like magkalayo ang loob ng parents namin. Walang araw na hindi maging cold si papa kay mama. Ilang beses na silang nag-away sa harap namin. Tulad nga ng sinabi ko, our life was blessed dahil nakukuha namin ang gusto namin, but it was never perfect dahil hindi nadadaan sa material na bagay ang KASIYAHAN ng isang tao.One time, sabi ni papa magbabakasyon kami nila papa at kuya sa Pilipinas (pinanganak ako sa ibang bansa). Sa wakas, natupad na ang wish ko na makapag-bakasyon but the only thing is, hindi kasama si mama. Noong araw na ihahatid kami ng mga family friends namin sa airport, nakita ko kung paano umiyak si mama, nakita ko rin kung paano nanghina at umiyak ang kuya ko. Pero ito ako, naging malakas ako kahit alam kong kahit anong oras ay papatak na ang luha ko.
After ilang days mula nung makarating kami dito, umalis si papa kasama ang grandparents ko. Pumayag ako dahil akala ko pupunta lang sila sa probinsya para may asikasuhin. Pero hindi eh, nalaman na lang namin na kinabukasan, ikakasal na si papa sa ibang babae. Alam kong nasaktan si mama doon at nagsisisi ako dahil wala ako sa tabi niya. Pero bilib ako kay mama dahil naging malakas siya para sa amin ng kapatid ko. Dumating dito ang grandparents ko at simula nun, nagbago na ang pakikitungo nila sa amin. Hindi na kami close, sinisiraan din nila si mama. Kinuha na din ni papa ang gadgets namin para mawala ang communication namin kay mama. Doon ko nakita ang pagiging kuya ng kuya ko. Tumayo siya bilang nanay at tatay ko. Tatlong taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin makakalimutan iyon. Naging mas matured ako. Natuto akong pahalagahan ang bagay na nawala na sa akin. Kung dati lagi kaming nakakakain ng masarap, ngayon nag-iba na. Dumating sa punto na nagsisi ako na sana nakuntento ako.
Tuluyan na ring nalayo ang loob ko sa mga kasama ko dito sa bahay. Si mama? Ayun naka-move on na. Masaya na kami sa anong meron kami ngayon. May mga pagkakataong tinatanong ko si God. Pero alam kong ang mga plano niya ang mas nakakabuti. Naiinggit at nalulungkot ako sa tuwing nakikita ko ang iba na kasama ang pamilya nila. Pero kahit ganun, hindi nagkulang ang mama at kuya ko sa pagmamahal. Si papa? hindi ko pa siya masyadong napapatawad dahil sa ginawa niya sa pamilya namin. Pero kahit nagawa niya iyon, hindi ko siya kayang ipagtabuyan dahil ama ko siya at sinuportahan niya ako. At huli sa lahat, hindi hadlang ang problema natin upang abutin ang ating pangarap sa buhay. Nag-aaral akong mabuti para sa future namin nila mama. Ayaw kong dumating ang araw na manghinayang sila mama at papa na nagtatrabaho sa ibang bansa pero pagdating nila dito ay wala naman palang naabot ang mga anak nila. Hi mama at papa! Konting tiis na lang, makakatapos na si kuya at paninindigan ko ang pagiging isang honor student.
- contentedgirl | Female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )