Alam niyo ba yung feeling na may ka-MU ka? Syempre yung mga iba sa inyo oo. Pero alam niyo rin ba yung feeling na may ka-MU ka pero hindi mo ramdam? Ganun kasi yung na-feel na naf-feel ko ngayon. Nafeel kasi dati kahit alam naman natin na may gusto tayo sa isa't isa hindi ka parin gumagawa man lang ng move or effort para man lang ewan basta di ko ma-explain! Alam ko naman na nung nagkaaminan na tayo mas napapadalas na tayong magtinginan, magchat, at magusap? Ewan di ko sure yung magusap naawkwardan kasi ako satin sa personal eh pero pag sa chat hala ka ang haba ng pinaguusapan natin Naalala mo pa ba nung first year tayo, yung nilibre mo ako ng ice cream Pero alam mo kung bakit din merong naf-feel? Kasi bumalik na naman tayo sa dati. Yung dati na parang wala lang basta naguusap nalang tayo. Sige sabihin na nating isa narin sa mga dahilan yang CG mo kung bakit hindi na tayo gaya ng dati; ok lang naman sakin yun eh naiintindihan ko naman yun pero ewan basta di ko ulit maexplain I mean, hindi naman sa demanding pero sana naman magbigay ka man lang konting effort man lang. Kasi alam mo kahit ni-isang chat wala man lang. Alam mo naguguluhan na kasi ako. Naguguluhan na ako. Oo sige aamin ako, alam mo ba tuwing gabi lagi kong tinitignan laptop ko kasi nageexpect ako na ichachat mo man lang ako kahit simpleng 'Hi!' man lang pero wala eh. Alam mo bang natatakot na ako sa mga pwedeng mangyari; na baka mamaya iwanan mo nalang ako bigla sa ere ng hindi ko alam, gaya ng pagiwan mo sa kanya dati , na baka umasa lang ako na ako parin kahit may iba ka na pala. Oo alam kong masyado na akong OA dito, pero wala eh yan lang kasi yung nararamdaman ko. Sana naman kung may magustuhan ka mang iba; sana sabihin mo kaagad sakin ha para hindi pa ako umasa. Kasi natatakot talaga ako eh. Natatakot ako umasa. Natatakot ako umiyak. Natatakot ako. Pero alam mo ba yung pinaka-kinakatakutan ko? Yun ay yung baka masaktan ako. Please lang, hindi ko pa nararanasang masaktan. Kaya please lang ulit kung mabasa mo man toh. Ako pa ba? O sadyang nagsawa ka na at naghanap ka ng iba?-SilentReaderQueenTG / female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )