Confession 21 (long)

596 38 41
                                    

Okay.. Hi. I guess. Di ko pa naranasan mag sulat tungkol sa aken. Mostly sa Fantasy Genre ang sinusulat ko. Maybe because I akways see the world with a tiny bit of magic. Ahaha, wag niyo sana akong isinipin na bakla o bading. Pinalaki lang po akong mabuti na may kasamang Disney ng magulang ko. My name is Earl, parang Pearl pero ate ko ang Pearl. Sixteen years old. Dentistry course. Loool di ko alam kung bakit parang introduction na tong sinasabi ko. Basta! Bale puro romance naman nababasa ko dito sa Confessions, why not write my 'sort of' love story.
Ok, highschool palang ako. 14 years old palang ako, 3rd year. Ako yung lalake na mataas nakukuha sa quiz kung nag rereview pero sad to say may computer na nangdidistract. I'm guessing most of you know the game League of Legends, LoL for short. I've been playing that when I was still in second year ( 1st year college na ako pero Diamond V na ako!!! Hello sa mga LoL players! XD ) so yeah.
Nung mga level 17 palang ang aking account ( Hanggang level 30 kasi dapat maabot ng account mo para makapag Rank ka. Rank means makikipag laban ka para tumaas division mo. Theres Bronze going to Silver, then Gold, Platinum, Diamond and Challenger. )

Yun level 17 may nakilala akong dalawang player. Nakalimutan ko na IGN nila pero pareho silang lalake. Tuwing mag-oonline ako everytime na nakakauwi ako from school, log in agad. Mostly nag iinvite kaming tatlo para magkakasama kami sa isang game. Then one game, may nakilala kaming isa pang player. Naging close kaming apat, so babae siya. Nung unang game namin na nakilala siya I was playing Support ( Support main role ko ^__^.V.. ) siya naman si Master Yi, isang swordsman na mabilis. Lagi siyang namamatay xD kakarevive dedz nanaman. Feeder siya ahahaha! Pinagtawanan naming tatlo pero tumatawa din siya kasi 'Babae' siya at inaamin niya hindi siya masyadong magaling kaya niyaya namin siyang sumama samin tuwing mag gegame kaming tatlo.

As time flew by, yung isa hindi na nag-oonline di ko alam. Mga level 28 na kaming tatlo. Third year parin ako nito mga mag eend na ang school year. Naglalaro kaming tatlo. Till nawala na rin yung isa kaya dalawa nalang kame. Naging close kami kasi lagi niya akong niyayaya sa game. ISupport ko daw siya tapos siya ang AD Carry ( AD Carry ang attack dealer ng team. Malalambot sila kaya kailangan nila maprotektahan. ) so yeah. Pero gusto niya talaga mga AP which are the Mage of the game. Mga Ability Power. Gustong gusto niya sila Lux at Le Blanc.

Ganun nga, tuwing hapon maglalaro kami minsan. Minsan hindi rin siya naka-online. Tuwing maglalaro kami, Victory. Defeat rin minsan kapag namalas sa kakampe. Nag chachat rin kami. Name daw niya Lei. Ahehehehe :3 mga april - june ng 2014 nagkakilahan na kami. Nung birthday ko ginawan niya ako ng poster. Pag sa laro kasi pag natatapos yung game, mag pa-pop out yung "Victory" or "Defeat" na may crystal sa likod, ginawa niya, imbis na Victory, nilagay niya IGN ko. Ginamit ko rin namang wallpaper sa desktop, ahehehe..

Tapos one time, sabi niya may nagugustuhan siyang Skin ng isang champ. Nakalimutan ko na kasi two years ago na to nangyari. Kaya sinend ko sa kanya yung Skin which is 200 pesos. Kailangan mo kasing magpa-load para may RP ka na pangbili ng mga Skin ng champs. Natuwa siya at nag thank you, alangan. Since then magkasama na kami sa paglalaro, naging close na ng sobra. Chat rin kami ng chat, nagtatanungan tungkol sa personal life namin. Nakilala ko pa yung bata niyang kapatid na nag lolol den. I wouldn't say it na nagiging close na kami to the point na may gusto na sa isa't isa pero parang ganun eh... Kapag hindi ako nag googood night magagalit siya. Kapag nagagalit ako sa game dahil Defeat nanaman dahil sa mga feeder na kakampi nagagali din siya saken. Ginigiftan ko na rin siya ng mga Skin kahit 200 or 250 pesos para sumaya siya. To be honest hindi ako yung tipo ng lalake na mahilig sa 'Romance'. Minsan nangdidiri ako tuwing may kissing scene sa isang movie pero tuwing mag chachat kami tuwing gabi, yung tipong 'kain kana' or 'bukas ulet, goodnight', may parang nararamdaman ako sa loob ko na, di ko madescribe. Di pa ako kinilig ever since bata pa ako eh.. Ni isang crush wala.

Meron kasi sa Garena, ung launcher ng LoL. Parang Yahoo Messanger. May status ka na pwedeng ilagay. One night, nagkainitan kaming dalawa ng ulo dahil nilast hit ko daw yung kill niya kahit di ko sinasadya. Eh yung skill naman kasi ni Nami nag babounce. Iheal mo isa mong kakampi mag babounce sa isang kalaban kaya madadamage sila. Eh mamamatay na siya nun kaya nag flash pa ako para maheal siya kaso nga lang nag bounce sa kalaban kaya nalast hit nung heal -___-...

Nag-away kami non pero naging okay na rin naman nung naka-ilang sorry ako. Tapos nung mag log out na ako, bigla niyang sinabi, 'kiss'. Nagtataka ako kung ano yon kaya tinanong ko. 'Huh?', sabi ko sa kanya. 'Kissssssa!!!' Sabi niya. 'Ano?' Sabi ko kasi nalilito ako, di ko alam kung ano tinutukoy niya. Naweirduhan ako. Kaya sinabi ko rin, 'Muwa*, Kiss... Sa Noo. Matulog kana.' Natawa siya non tapos naglagay ng ":'>".

Mag lalog out na ako nung biglang nag iba status niya sa Garena nakasulat 'Feeling Special :'>'. Di ko alam kung bakit to be honest.

Everytime maglalaro kaming dalawa nagchachat kami gabi gabi until such time na hindi na siya gaanong nag oonline. Ilang weeks nag online ulit siya. Malapit na daw birthday niya kaya giniftan ko ulit siya ng Skin nung isa niyang gustong champion ( To be honest hindi ko alam kung naka-ilang gastos na ako sa gift para sa kanya ever since nagkakilala kame. ) Tapos yun laro, nag away, hindi na siya nag oonline.

2015, January to February hindi na ako gaanong naglalaro ng lol. One time nakita ko siyang naka-online. Di ko na siya chinat o pinansin. Hindi ko alam kung bakit pero parang hindi na kami gaanong close. Parang nawala na lahat. Nakakatwo to six games lang ako minsan hanggang sa kinausap niya ako. Chinat to be exact. Kumusta daw, okay naman. Busy daw siya dahil sa OJT niya. Noon lang niya sinabi na account ng kapatid niya yung ginagamit niya at ibibigay niya daw ito sa kaibigan niya. Yung kapatid niya ang mamimigay, baka may nahilo xD bale level 30 na kami noon. Ako Platinum na diya naman Bronze :3 sabi niya Favor at pataasin ko Rank niya so I did. Nag puyat ako para lang mapaalis sya sa Bronze. Napunta hanggang Silver 1 which is not bad. Ganito kasi ang ranking Bronze 5 to 1 then after 1 may series, dapat three wins para makarank ka, kung three or more defeat, failed ang series. Naka-ilang beses ako para mapaangat siya hanggang sa may pinakilala siyang isang player na lalake. Yun nagkakilahan rin kami nung lalake. Sabi ko kay Lei na medyo naiinis na ako sa mga bronze players, ahehehe. Kaya yung isang lalake, I forgot his IGN i am sorry. Siya na lang daw ang magpaparank sa account niya, sabi ko ok lang ako nalang. Tapos yun, nagkaroon ng konting tension, siya yung tinulungan ni Lei then ako, well, I lost the fight with him. Ahahaha. 2v1 eh xD Di ko lang alam kung bakit siya ang tinulungan niya eh noon pa kami magkakilala. Isang taon na.

Yun, sila naging close, ako naleleft out. Minsan iniinvite niya ako habang kasama yung lalake na iyon tapos nag aanuhan sila sa chat. Ako naman finocus ko nalang sa paglalaro, I admit medyo nagselos ako non. Di ko lang alam kung bakit hindi ko magawang iDecline ang request niya tuwing isasali niya ako kasama yung lalaking iyon..

I stopped playing League of Legends, not because of her, kasi sa grades ko. Fourth grading na kase at medyo napapabayan ko ang grades. Mga march, nag log in ulit ako. Ininvite ko siya sa paglaro pero dinecline niya. Gold na siya at that time, salamat daw dun sa lalake pero parang hindi na yata sila magkasama. Wala rin naman akong pake non, nawala na rin naman yung feelings. Paminsan minsan nalang kaming nagchachat at kung mangyari man, umaalis na agad siya or ako.


* * *
Hahaha to be continued  :)

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon