Confession 163

185 20 0
                                    


I was a product of a broken family pero legal ha paano ba naman kasi ang gwapo ng tatay ko na maski yung mga teacher ko nung elementarya ay naging crush siya. Yuck! Kaya Nung 1st year high school pa ko masasabi mong wala pa talaga akong kamuwang muwang sa buhay na nakaabang sa pagiging isang High school student ang nasa isip ko lang ay mahirap ang magkaroon ng gwapong ama.

Nakilala ko itong si JAN gwapo,famous, matangkad, mayaman, ang ganda pang mag english, gwapo ulit grabe hearthrob na hearthrob ang dating. Kaya naman nagustuhan ko agad siya pero syempre secret ko lang yun kasi kilala ako bilang isang mahiyain,mahinhin,teachers pet at KillJoy daw. First nun eh pinag uusapan namin siya ng kaibigan kong si Nelia while naglilinis kami sa C.R ng classroom doon kasi kami na assign hindi maganda yung nasabi ko at mukhang narinig niya nung kinuha niya bag niya sa room, sinundan ko siya at tinanong kung anong narinig niya and he only says "I heard everything". Nagsorry ako sa kanya at naging seatmates pa kami at naging friends dahil sa kakatukso ko sa kanya dun sa crush niya ma dati kong classmate na nasa kabilang section. Kami ay napapabilang sa Special Science Class kung tawagin. Hanggang sa nahulog na talaga ako sa kanya pero sa uulitin secret ko lang yun Im afraid na baka di niya ako gusto masira pa friendship namin. May situation pa nga kami na pinakakanta every group at nung kumanta na grupo nila eh nakatitig lang siya sa akin na wariy kami lang dalawa ang nasa room nun kaya nag make face ako pero wa effect seryoso siya kahit bahay kubo lang yung kinakanta ng grupo nila. Tinanong pa nga niya once eh kung bakit di niya daw ako nakilala dati. Every time Im alone  eh lumalapit siya at kinakantahan ako ng "one less lonely girl" ni Justin Bieber lagi niya yung ginagawa at nag confess siya sabi niya na "I LOVE YOU" kay rami  ng pagkakataon niya itong sinabi in different situation. Pero hindi ko lang yun pinansin Im not yet ready and I guess he is too perfect for me.

Lagi kong sinasabi na si Kuya A yung crush ko isang school hearthrob na membro ng isang bands. Mukhang napagod na siya sa kakaantay dinadaan ko kasi sa biro lahat ng sinasabi niya pero deep inside I feel the same way. At yun napagod at iniwasan niya na ako at binaling ang attention niya sa kaibigan kong si Nelia na obviously walang nalalaman sa feelings ko kay JAN. One time nung sa filipino ginawa pa akong Maria Clara at siya si Ibarra sa  Noli Me Tanghere pero buti nalang di natuloy. At yun kwento ng kwento si Nelia about kay JAN na ang gwapo at nagpaparamdam daw Pero sa tingin ko wala naman talagang plano si JAN na magka girlfriend eh in short pinapaasa niya lang lahat ng mga nagugustuhang babae na nakapaligid sa kanya at I think Im one of them.

Hanggang sa nag second year kami yun nagtransfer siya lumiit grades niya eh. Kung magkikita kami ulit gusto kong itanong kung bakit niya ako sinali sa collection niya like you know kaibigan ko pa rin siya.
Lesson: Wag magpapadala sa hitsura, Mas mabuti pang mag aral muna.

- cactus | female

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon