Confession 95

294 28 12
                                    


My friends call me, Cloche. May boyfriend po ako, Rad po nickname niya. 1 year na po kami nun Feb 12. Mula ng maging boyfriend ko siya, pakiramdam ko po parang may mali sa feelings ko po for him. Masaya naman kami pero may time na, parang pakiramdam ko parang may may kulang. Wala po akong mapipintas sa kanya kasi sobrang maalaga at mabait siya sa akin. Kahit inaaway ko siya na walang rason, tatawanan lang niya ako at sasabihan ng " i love u too!" Naaasar po ako kapag binabara niya ako ng ganung sagot kahit galit na galit na ako sa kanya. Hindi niya siniseryoso yun mga galit at inis ko sa kanya.  Feb 14 po, first time ko pong umattend po ng Sunday School at na meet ko po si Ferdinand or Fern... Smiling face po siya at Hindi ko alam kong bkt kinikilig ako kapag binibiro niya ako. Feeling close po siya sa akin kahit kakilala lang namin. Next sunday, umattend po ulit ako ng Sunday school and then, pinakilala niya sa akin yun Girlfriend niya. Nasaktan at nagselos po ako, hnd ko rin alam kong bakit iyon kaagad naramdaman ko. Ilan araw at ilan gabi ko rin naiisip yun Girlfriend niya. Sobrang naiinis ako na dumating na sa punto na parang gusto ko ng umiyak. Naguguluhan na talaga ako. Feb 28, hnd na po ako umattend ng Sunday school at biglang nag text si Fern, " bakit wala ka kanina?" Hnd ako nag reply at dinilete ko yun number niya. Kapag kasama ko po si Rad, parang nagi guilty po ako. Gusto ko pong sabihin sa kanya ang totoo pero natatakot ako na baka magalit siya sa akin. Ang hirap kasi at ang bigat bigat sa loob. Hanggang ngayon, dinadala ko parin ang saloobin na ito. Sa tingin niyo dapat ko bang sabihin kay Rad...?

- C | female

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon