Dati ko pang crush ang crush ko. Since grade 7 pa eh ano na ngayon magragrade 9? Pero mahal ko parin siya, kahit nagmumukha na akong tanga. Nung grd. 7 ako naging loyal na talaga ako sa kanya ni isang crush wala talaga siya lang. Gusto kong magconfess kaso hindi naman ganun ka kapal ang feslak ko. Tapos yun dumating na yung araw na recognition, nag-aalala ako baka may mahanap siya na iba next year. And the day comes gr.8 na ako, rumors were spreading na sila na daw. Well, Palagi ko nga silang nakikita na nag-uusap tuwing dissmisal ang sweet nga ni crush eh pinaypayan pa niya yung babae :(. Halos everydy ko yan nakikita ha? Doon sa canteen at office. Ang awkard nga. Dahil kahit paano eh alam ni crush na may gusto ako sa kanya. Kaya ayun pagdating ng foundation day . Kami sana yung magpakasal kaso nagpakipot pa ako-.- ayan tuloy sila nalang ng MAHAL niya. Ang sakit makita na nagwalk down sa aisle sila tapos makikita mo sa mga mata nila na nagmamahalan talaga. At eto naman si crush sobrang proud pinost pa talaga sa instagram! Angsakit lang ! Wala naman kasi akong magawa.. I need some advice po na paano mag-move on? Alam kong walang kami -.- pero kasi nasasaktan din ako na may nakitang maymahal na iba ang mahal ko. Gusto kong awayin yung babae kaso ang bait niya kasi.. Baka ako pa ang magmukhang kontrabida :((
- Renren / female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )