May Crush ako 1 year na ngayong february. sobrang Close namin at dahil dun nafall ako ang kaso lang wala siyang gusto sa akin. Kasi may gusto siyang iba. Nakakatawa kasi sa akin siya humihingi ng advice palagi. Ate zone ako actually pero ok lang, kesa naman sa wala diba? Kaso hindi ko maiwasang magbigay ng meaning sa mga ginagawa niya sa akin. Sweet siya sa akin. Para ngang higit pa sa friend ang tingin niya sa akin eh. Pero assuming lang talaga ako. Pero this feb 16 lang magkatabi kami sa isang bench. Uwian na nun, kaso nakatambay pa kami pero ako kasi gumagawa pa ng Letter para sa mama ko. Then nagjoke yung kaklase niya... tinitigan niya ako sabi niya wag daw ako tatawa.. pero di ko napigilan natawa ako ... tapos naglean ako paside ang kaso naglean din siya habang nakatakip pa yung bench niya so muka kaming naghalikan.. ang kaso dumating yung dati kong math teacher, nakita niya yun kaya tinanong niya kung kami. Sasagot na sana ako na hindi sir kaso bigla niyang sinabi yes sir. Girlfriend ko po...Hindi ko alam ang dapat na mafeel ko nun. Kinabukasan uwian ule nakita ko siya bibiruin ko dapat siya ng boyfiee kaso nung papalapit na ako nakita ko yung kaMU niya na girl inakbayan niya kaya hindi ko n tinuloy I was so down that day... nakakaconfuse ksi siya. hindi ko siya maintindihan kaya until now umaasa pa rin ako. Malapit na nga yung Graduation namin and as promise aamin ako sa kanya before graduation. Susulitin ko muna ang mga sandaling ito.
- PusangUmaasa A. L.
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Historia Corta( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )