Confession 184

176 18 20
                                    


Nakakaasar at nakakainis isipan na magulo yun takbo ng pag iisip nila pagdating sa lovelife. Yun mood nila dun lang naka basi at umiikot ang isip nila. Meron iniwan na, imbis na magmove on, naging stalker pa at bilang lalaki, bumababa yun tingin ko sa kanya parang ako yun nahihiya sa ginagawa niya kasi pinalalandakan pa niya. Tapos meron naman may boyfriend, im sure hindi siya manhid at alam niyang malamig na sa kanya yun bf niya, nagpapakatanga parin. Ramdam ko na hinihintay nalang ng lalaki na makipagbreak yun girl kasi marahil natatakot din siya unahan ito kasi lalaki siya. Araw araw ng nasasaktan yun girl, nag bubulag bulagan parin. Para na siyang tanga, minsan ang saya niya tapos hindi lang siya ma chat ng lalaki kahit isanh beses, moody na siya at damay na lahat. Meron pa isa, Kapag nagkakaselosan sa GC, kanya kanyang leave. Hindi lang makasabay sa kwentuhan, leave. Hindi lang mapansin, leave. Ano ba sila kulang sa pansin. Kapag di ko napansin pm nila, galit na sila sa akin at di ko alam kung ano ikinagagalit nila. Ito pa, sa totoo lang nakakaturn off yun mga babaeng malakas magMURA. Parang wala na silang respeto sa sarili nila at lalo na sa PANGINOON. Kung sakaliman mabasa nila ito, at magalit sila. Bahala sila. Pero sana malaman nila na, lubos ang concern at pag aalala ko sa kanila lalo nat mga babae sila at mga kaibigan ko.

-pokerface / male



Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon