Confession 96

236 27 4
                                    


Nagsimula akong ma fall nung una, sa isang poser. Walang nakakaalam nun bukod sa mga taong talagang pinagkakatiwalaan ko at sya. Akala ko pag nagsimula nakong mag move-on sakanya ay magiging ok na ang lahat. Di na ko tanga kasi natuto na ko. Hindi pala ..

Lately nalaman ko na yung mga taong itinuring kong kaibigan dito sa wp, ay mga poser ren. Di ko alam ang magiging reaksyon ko. Ganun ba ko kadali magtiwala sa isang tao?

Tanga na nga siguro ako.

Ngayon, di ko alam pero may isang lalaki na nagturo sakin ulit magmahal. Tinuruan akong magkaroon ng malasakit para sa iba at mag-alala.

Unti-unti. Nahuhulog nanaman ako. Buti nalang sa aking pagkakahulog may sangang dumampi sakin pisngi. Nagising ako at muli kong naalala yung dati. Bigla akong kinabahan, masyado ba akong 'paranoid' pag inisip kong baka ganun ren sya? Tulad nila? Ayoko syang tanungin kasi baka iba ang maging dating sakanya. Pero paano ko malalaman ang totoo?

Nakakatakot. Di ko na alam kung kanino ba ako dapat na magtiwala. Di ko alam kung dapat pa ba akong magtiwala kahit na sa mismong makakabasa nito.

. . . | female

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon