Hi Author :D hahaha. Manggugulo lang po me. Ito na ..
Simula nang nagkaroon ako ng mga kaibigan dito sa wp ang daming mga bagay ang nagbago sa buhay ko. Ang dating magulo, ay mas lalong gumulo. Pero sa pagkakakataong ito may halo syang kakaibang saya na di ko pa naramdaman dati. Nagkaroon ako ng mga crush, at dito ko sila nakilala.
Sino bang mag aakala na magkakaroon ako ng feelings para sa lalake na hindi ko pa nakikita sa personal, di ko sigurado kung sya nga ba yung nasa dp nya o hindi. Nagsimula ito ng sinabi ng kaibigan ko na palitan namin ang background pic namin ng crush namin. That time wala pa akong matinong crush. Si ano lang . . . kaso di ko sure kung crush ko ba talaga sya kasi may gf na sya. Kaya friendzone nalang ako. Pero ok na ren kasi at least close kami kasi nga 'fam' kami. Nice may kami no haha. Pero wala .
So ayun, nung mga panahon na yun, may finollow akong boy at tingin ko close nya yung mga new found friends ko kaya chinat ko sya. Nag ty ako sa pagfollow nya. Tas akala ko nung una masungit sya. Di pala. Tas hanggang sa tinanong ko sya kung pwedeng sya ang idp ko. Umu-oo sya. Tas after nun, naging close kami tapos tinanong nya kung pwedeng ako nlang den ang i-background nya. Umu-oo na ren ako para rakk ..
Maraming mga nakakita ng dp namin kaya nag umpisa silang asarin kami sa isa't-isa. Tinatawan naming dalawa sila, kasi parang naging big deal yung cover. Eh trip lang naman namin yun. Dahil nga natuwa kami sakanila nag panggap kami na nag hack-an ng acc. sa isa't-isa pero actually kami lang talaga yun. Hanggang sa ayun. Umamin sya na gusto nya ko. Di ako gumanti ng "gusto ren kita" pero yun yung nararamdaman ko nun. Nagpatuloy na friends kami. But this time, closer. As time goes by gumawa ako ng plano kasi ayokong mahulog masyado sakanya. Hanggang sa yung kinatatakutan kong malaman ay nalaman ko na nga. After that .. Nag last chat na kami nun at doon na sya umalis. Mga ilang weeks den yun.
Then, bumalik sya at nagsorry. Pinatawad ko sya dahil ganun naman talaga dapat diba. Kalimutan ng mga past, at kaya ngayon, best friends nalang kami. Nung una akala ko madali lang mag move on. Mahirap pala. Lalo na pag sa best friend mo ikaw nahulog. Bumabalik. Hanggang sa alam kong mafre-friendzone nanaman ako kasi nga may gusto syang iba. Kaya pinili kong kalimutan nalang ang pesteng feelings pati ang pagkakaibigan namin, kaya di ako nun nag a-active sa wp. Yung mga araw na yun .. Nakatulong yun sakin makalimot.
Di nag tagal nag decide nakong bumalik ulit, kasi nakakamiss rin mag wattpad xD haha tas ayun nalaman ko sila na ng dahilan ng pag wa-wattpad nya, awts pero, alam kong di ako nasasaktan. Best friends parin kami at ngayon, nakakatuwa kasi alam kong ok na ako at kaya ko na ngumiti. Ngumiti ng di na plastic kundi totoo na sa mga nararamdam ko :) Siguro kasi nalaman ko mismo sa sarili ko na ang maybe ang purpose nya sa buhay ko ay maging best friend ko lamang. Tanggap ko na. Lagi nalang akong stuck sa friendzone hahaha joke lang yun✌
-cookie monster| female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Kısa Hikaye( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )