Confession 26

444 35 18
                                    


May classmate ako. Dati, di ko siya gusto. As in walang attraction kahit 1%. Pero naman kasi, yung bestfriend ko may gusto sa kanya. So.. gumawa ako ng paraan para maging close silang dalawa ng bestie ko. Ako yung naging cupid nila. Haha </3 Lagi kong tinutukso ang bestfriend ko sa kanya. Pero habang tumatagal.. tingin ko ata.. nagkakagusto narin ako sa crush ng bestfriend ko. Pag nasa school na kasi ako, siya kaagad yung hinahanap ko. Pag wala siya or pag di siya pumasok, nag-aalala ako. Pag nakikita ko na siya.. di ko naman mapigilan ang sarili kong tignan siya pero glance lang. hehe XD. Lagi nya pa akong kinakausap.. kahit di ako kasali sa topic nila ng mga kaibigan nya eh.. dinadamay pa ako. Tapos pag tinutukso sila ng mga kaibigan ko or classmates ko.. nakikisali nalang din ako kahit sa loob ko eh.. nasasaktan at nagseselos na ako. Kaso ayokong maging hadlang sa love story nila ng bestfriend ko. Ayoko maging mang-aagaw. haha. Pinipigilan ko yung nararamdaman ko para sa crush ng bestfriend ko. Pero paano?? Eh ako nga yung cupid nila. So.. makakausap at makakausap ko talaga yung crush ng bestfriend ko.. Ang hirap talagang pigilan eh. Yung utot ko napipigilan ko pa.. xD pero yung nararamdam ko.. di ko na alam.

- coffeemate | female


* * *
Voice out your opinions :D

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon