Confession 171

163 19 3
                                    


Di mo alam, ikaw nmn tlga simula pa nung umpisa. Yung gusto, ko basta kasi ayokong umasa sayo ... Kaya nag move on nalang ako. Ayokong saktan ko sarili ko lalo na kakagaling ko lang dun. Nung iniwan ako ni ... Lately ginawa ko yung grupo natin. Kaya nga kita pinasali eh. Kasi gusto ko kasama kita.

Kaso ..

Soon dumating si ... He told me na liligawan nya ko. Di sya nagtanong. Ginawa nalang nya. Nung una nakikiride ako. Nakkiramdam kasi feeling ko ganun den sya tulad sa mga nakilala ko.

Sabi ko sa bespwen ko. Di ako mahuhulog. Makikipag laro lang ako. In case lang na saktan nya ko. Di ganun kasakit. Pagod na kasi ako eh.... Tangina. Masakit haha. Ngayon ayokong magmukhang pinaglalaruan ko sya. Di ako ganun. Kaya ko sinasabing mahal ko sya, kasi nga ganun nmn dapat eh. Nangligaw sya. Tingin ko umudulas na. Mahuhulog na ko.

Pero ba't ganun. Kung kailan andyan na sya, dun ka nahulog. Ba't ngayon pa. Nakakalito. Inamin mong nasasaktan ka sa aming dalawa. Ayoko nang nasasaktan ka. Pero anong gagawin ko? Sobrang gulo na ng isip ko.

Tas ngayon, may nagchat sakin. Tas nagconfess syang may gusto sya sakin. Ay hindi, mahal na daw. Kaso daw may mahal na kong iba. Di ko alam gagawin ko. Kung ano anong pinagsasasabi nya. Stranger sya sakin, pero nararamdaman kong kilala ko sya. Iba kasi sya magsalita. Masungit pero malambing na di mo maintindihan. Kung magsalita sya parang may pinagsamahan kami, na parang kilalang kilala na nya ko. Kung papaano nya banggitin ang pangalan ko. Iba.

Pinipilit kong paamin kung sino ba sya. Sinabi ko sakanya nq, "Kakakilala lang natin, nahulog ka na." Totoo naman diba imposible yun? Tas sumagot sya. "Ikaw kakakilala mo lang." So ibig sabihin kilala nya na ko?

Isa lang tumatakbo sa isip ko. Sya yung taong minsan akong iniwan. Kung bat ako nasktan noon.

Takte. Bat ba ngayon? Bat ba nagsabay sabay pa kayo?

- CM | female

Wattpad Confessions 1 (CLOSED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon