May bestfriend po ako na lalaki. Gusto nya po yung bestfriend ko na babae. Nung una po, wala lang sakin. Kasi bestfriend ko naman sila pareho. Tapos, naging sila po kasi pinilit ko si Emem, bestfriend kong babae, na sagutin na si CJ, bestfrind kong lalaki, kasi po ayaw kong mabusted si CJ. Of course, I'm happy for them. Kaso, nagtransfer po si Emem. I didn't know they broke up before umalis si Emem papuntang Dubai. Umiyak pa nga po si CJ. Kinomfort ko si CJ. Hindi pa po kasi nakakamove on. Everyday, hinahatid nya ako sa school, since magkaiba kami ng university.Hindi ko alam pero kapag ang pinag-uusapan eh si Emem, parang nawawalan ako ng gana. Tapos po nung concert EXO, iyak ako ng iyak. Wala po kasi akong pera nun. Sya po yung nagcomfort sakin. Sabi pa nga po nya, bakit ko pa daw sila iiyakan eh mas gwapo naman daw sya dun. Gwapo naman sya. Ilang araw din akong umiyak... Pero andun sya lagi para icomfort ako. That's when I realized, I fell for him already. I tried to avoid him pero sya tong lapit ng lapit. Minsan pa nga po, maaga yung dismissal nila kaya pumunta sya sa university namin. Sabi ko alis na muna sya kasi may exam kami. Palusot ko lang po. Nagulat ako nung paglabas ko ng room, andun sya naghihintay. Niloko pa nga po ako ng mga classmates ko na hindi na daw FRIENDSHIP kundi RELATIONSHIP na daw. 3 oras din syang nag-antay. Na-guilty naman po ako kaya sumama na ako sa kanya. Sabi nya naka-move on na sya. Masaya ako pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawang sabihin na mahal ko sya. Ayoko naman pong gumawa ng first move lalo na't ako yung babae. Pero hindi ko pa rin po maiwasang manghinayang kung bakit ganun yung kinikilos nya para sakin. Mas lalo syang naging sweet. Pero ayoko naman pong mag-assume na may gusto sya sakin. Masakit po kasing umasa. Ngayon po, playsafe ako. Hindi muna ako magko-confess kasi baka mamaya sya naman tong umiwas.- CJCG | female
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Nouvelles( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )