May mga naging crush ako sa wattpad. Ewan ko kung ano ba ang depinisyon ng crush. Basta kasi ako, pag mabait at palagi akong napapatawa crush ko na. Siguro .. Kung yung talagang crush, mga tatlo ata. Ewan kasi yung isa dun, parang minahal ko na ..? Ewan basta kasi sakanya ang dami kong first time na naranasan. Yung tipong kinikilig ako kahit sa messages nya at sa messages lang kami nagkakakilala, na adik akong mag wattpad, natutong maging clingy. At sakanya ko ren natutunan ang mag-ingat. Mag-ingat na mahulog sa mga taong minsan kang itinuring na espesyal. Pero sa isang iglap parang nawala nalang ang lahat. Mga ilang araw lang kami nagkakilala, pero nagkaron na sya ng part sakin. Haha pero yun nga. Sabi nila may dalawang rason kung bakit may dumadating at umaalis sa buhay mo. Its either to teach you a lesson or be a lesson. Anyway masaya naman na ako para sakanya. Sakanila. Ngayon di na kami tulad ng dati. Pero ok lang haha.Ngayon naman ay may nagtapat sa sa aking gusto nya ako. Mahal nya ko. Nakikita ko yung efforts nya sa pagsend ng mga long messages kahit ilang days bago ako magreply. Actually sya yung crush ko habang may minamahal akong tao noon. Ang sungit kasi haha. At ngayon, nang dahil sa past, aware na ako sa feelings ko. Gusto ko sya. Pero ngayon, kailangan ko nang mag-ingat.
-CM | female
* * *
Voice out your opinions :D
BINABASA MO ANG
Wattpad Confessions 1 (CLOSED)
Short Story( A/N: Simpleng rule lang, wag pong putulin yung pag send sa confession at wag masyadong mahaba. )